Chapter III
"Narinig niyo na ba yung balita?"
"Oo! May magtatransfer daw na 12 na lalaki dito!"
"At ang gwagwapo daw!"
"Oh my god. Sa wakas magkakasaysay na ang pagpasok ko araw-araw."
Yan lang naman ang mga naririnig ko habang papunta ako sa classroom.
Ganun ba talaga ka-gwapo yung mga magtatransfer at trending sa buong campus?
Tatlong araw na ang nakakalipas nang magpunta ako sa mall at nakilala ko si Louis. Siya pa lang ata ang nakikilala ko simula nang lumipat ako dito.
Hanggang ngayon wala parin akong kaibigan. Di na ako nagtataka kasi bihira naman talaga akong magkaron ng kaibigan. Hindi kasi ako palasalita.
Nang matapos ang first period, lumabas na ako ng room para pumunta sa garden nang biglang magkagulo sa corridor.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! ANDITO NA SILAAAAAAAAAAAAAAAA!"
"OHMYGOD! ANG GWAPO!"
"SHT. TAO PA BA YANG MGA YAN?!"
"WALA NA AKONG OVARIES!"
Sino bang pinagkakaguluhan nitong mga to?
Titignan ko na sana kaya lang mas lalong dumami ang mga tao. Nakakasuffocate at saka baka maipit ako kaya hindi ko na tinuloy.
Makikita ko rin naman sila.
Nagpunta na ako sa garden at dun ako tumambay hanggang sa maubos ang free time ko. Nakakarelax kasi dun.

BINABASA MO ANG
Angel's Guardians
General FictionCassie, isang babaeng may tahimik na buhay. Pero pano kung isang araw may 12 na lalaking akala mo demi-god ang biglang mag-claim na sila ang magiging guardian niya? Maging tahimik parin kaya ang buhay niya? O magkaron ng konting twist ang boring at...