Naging maingay nga sa media ang naganap kagabi, nahuli naman ng mga pulis ang lalaki, may interview rin ito.
Sabi nito'y hindi nya kilala kung sino ang mga nag utos sakanya, sapagkat naka blindfold daw ito ng iwan nalang siya hanggang sa labas ng capitol. Sinabi nya rin ang dahilan nya kaya nya nagawa ito. Nasa pangangalaga naman ng pulisya ang hospital kung saan inooperahan na ngayon ang anak nya, kaya habang nasa interview kanina ay naiiyak ito at nagpapasalamat.
Nasa police provincial office kami ngayon. Dumating na rin kaninang umaga ang mga kasamahan ko at si Kapitan. Sila ang nangunguna sa pag imbistiga ng issue kagabi.
"Dabest ka talaga uno!" tumabi sakin si Almazar kaya muntik ko ng mabuhos ng buo ang iniinom kong tubig,
"Ano ba?!" inis kong tanong
"Paanong na defuse mo yung bomba? Minsan talaga nagtataka na ako baka may nililihim kang superpowers dyan," pinandilitan ko siya ng mata
"Itikom mo yang bibig mo o ipapasok ko tong plastic cup dyan?"
"Ha? bakit? secret lang ba?" pagtataka nito
"Isa,"
"Ah kaya pala hanggang ngayon, ang ingay pa rin ng media, kasi di nila matukoy kung sino--"
"Anong pinag uusapan sa loob?" tanong ko, iniba ko na ang usapan at baka san nanaman to mapunta.
"So, ayun nga sinabihan ni kapitan yung suspect na wag na muna maglabas ng statement sa media, at baka magbigay ito ng takot sa tao, magkakaron nalang siguro ng interview sa mga pulis na nag imbestiga," paliwanag nito, tumango nalang ako.
Sabay sabay na kaming aalis pagkatapos ma settle dito. Hindi na kami magpapaabot ng gabi dahil kailangan din naming ipaabot ang kaso sa manila.
Masyadong malaking threat ito at nagbigay na rin ng takot sa lahat ng mga tao dito.
"Off mo bukas," dahan dahang sumilay ang ngisi nya ng lingunin ko ito, "Shat,"
"Pass," deretdang tanggi ko, naka abang lang kami rito sa labas, di pa kasi sila tapos sa loob, andoon din si Martinez
"Boring mo,"
"Tanga, byahe ko bukas, reunion."
"Luh, himila, uuwi kang cot? kelan balik mo? bukas lang off duty mo ah, lugi"
Kelangan ko umuwi bukas, grabeng tampo na ni mama sakin, it's almost six years nung huli ko silang makasama. Nag vi-videocall naman kami minsan, kapag di busy sa work or off ko. Ayaw na nga ako kausapin, tinawagan ko last week, sabi ni ate hindi nya daw ako kakausapin kung di ako uuwi. Kaya wala akong choice kundi mag pa book, pauwi ng cotabato city bukas.
"Nag pasa ako ng one week leave, pinayagan naman, first time kong gawin eh," asar ko, di na kasi sila pinapayagan, syempre always ba namang ginagawa tapos reason pa ng leave always dramatic , yun pala nagpakasarap lang sa beach.
"Kala mo naman inggit ako," kunwari wala siyang pake
"Parang hindi nga,"
"Ha?"
"Haduken,"
"Wala ka talaga kwenta kausap," ayaw paawat mukhang asar na ah
"Titino ako, pag di na ikaw kausap ko," sabay tawa kaya mas lalong nainis ang gago
Tuloy lang ang asaran naming dalawa ng lumabas na sila capt. kaya napatigil rin kami.
"Tara na," banggit nito
"Capt. susunod ako, may naiwan pa kasi akong gamit sa hotel tapos susunod ako sa port," reason ko.
"Bilisan mo, aalis tayo bago mag alas onse,"