I was in the middle of the presscon, kanina pa ako bumaba at sa likod pumwesto malayo sa media at tao.
Wala akong maintindihan sa topics na pinag uusapan nila, dahil na rin siguro i am not into politics. I just secured and protect people, trabaho ko lang ang ginagawa ko.
Everytime the congressman speaks, I really admired him. He's really good in public speaking salungat sakin. I am not really capable of speaking in front of many people, i don't know, maybe I am afraid that I can't do good and make mistakes.
I am not comfortable of being the center of attention. Mas nasanay akong hindi napapansin at tahimik lang. Kontento na akong ginagawa ang trabaho ko ng tahimik lang rin.
"It was really a great honor, to be your chosen representative of Ilocos Norte. At nagpapasalamat po ako sainyong lahat because of the successful presidency of my father, Agyamanak ti dakkel apo."
Hindi ko na maintindihan kung ano pa ang mga sinasabi nya dahil naagaw na ang atensyon ko ng lalaking aligaga at kanina pa hindi mapakali, naka pwesto ito malapit sa exit area at natatabunan din siya ng mga tao. Ako lang siguro ang nakakapansin dahil wala namang naging problema doon.
"Balita ko single daw yan si Cong."
"Kaya nga eh, daming nabaliw dyan nung election, pinagkakaguluhan lagi ang videos nya sa social media"
"Wala ata balak mag asawa, nasa tamang edad naman na"
Ilan lang yan sa mga narinig kong chismisan dito sa likod, kung bakit nawala ang atensyon ko kanina sa lalaki, at ng lingunin ko ito ay hindi ko na ito makita kaya mabilis akong naglakad papunta ng exit at sundan ito.
Nakita ko ito sa may puno kung saan walang tao at madilim na parte, may mga sasakyan ring nakaparada sa gilid, nasa loob ang lahat kaya tahimik dito sa labas. Nakatalikod itong nakatayo habang pilit na may kinakalikot sa suot nya. Napalingon ito sakin at nagulat ng mapansing papalapit ako ay napaatras siya.
"Wag kang lalapit," banta nito, nanginginig din ito, nakikita ko ang takot sa mga mata nya kaya ng ibaba ko ang tingin sa suot nya ay nanlaki ang mga mata ko.
"Wag kang lalapit kung hindi ay sabay sabay tayong sasabog," napahinto ako sa paglapit dahil sa bombang suot nya, hindi ko napansin ito kanina dahil malaki ang suot nyang coat
"Anong-- anong kai-langan mo?? Hanggang dyan k-ka lang" taranta nitong saad
"Sir, tumingin ka sakin, huminahon ka," kalma ko dito, umaandar ang oras at three minutes nalang ang natitira, sasabog kaming lahat rito kapag hindi agad na defuse ang bomba. Wala siyang hawak na ano man at sigurado akong binenta nya na ang buhay nya sa kung sino man ang nasa likod nito
Bigla itong umiyak at lumuhod sa harap ko, hindi na ako nagulat because it was a suicide bomb, kapalit ng buhay nila ay pera. Marami rin namang ibang tao na may kanya kanyang rason kung bakit nila ginagawa ito.
"Maam t-tulungan nyo po ako, H-hindi ko po k-kaya maam, k-kinailangan ko lang po t-talaga ng pera, nasa h-hospital po ang anak ko po ngayon, nangako p-po ako sakanya na b-babalik ako, pls t-tulungan nyo po a-ako," pag mamakaawa nito, ramdam ko ang nginig nya, his reason is misery. He was torn between ending his life for the sake of his child.
"What's happening here?" napabitaw sakin ang lalaki at napatayo, gulat itong napatingin sa likod ko kaya napalingon din ako
It was the congressman, mag isa lang ito, walang kasama, siguro ay di pa tapos ang conference sa loob dahil di pa nagsilabasan ang mga tao.
"C-congressman," tarantang saad ng nasa gilid ko
"What the hell," mura nito ng makita ang suot ng lalaki