Unang Kabanata

26 1 0
                                    

We all in the situation right now after the Election 2022 wherein mostly of the Filipinos ay hindi naniniwala sa resulta ng eleksyon. Halos may sakit ng loob, iba ay galit sa Comelec, iba naniniwalang may pandarayang nangyari at iba pa na iba iba ang saloobin. Naisip ko lang na, bakit? Bakit itong eleksyong na ito sobrang toxic at parang solido ang emosyon ng mga sambayanang Pilipino. May mga nasisira ng relasyon, pamilya, kaibigan at katrabaho dahil lang sa magkaiba ang paniniwala sa pulitika. May mga napabalita na ring nagpakamatay at nagpatayan.

Marcos ang unang papasok sa isip mo pag binanggit ang eleksyong ito. BBM, Marcoses, martial law at iba, sila ang dahilan bakit ganito ang eleksyon 2022. Kabilang partido, Leni, humabol para labanan ang mga Marcos at para hindi mapunta sa kanila ulit ang kapangyarihan na minsan ng sinamantala ng mga Marcos. Marami ang sumuporta sa mga kulay rosas, at isa na ako doon.

Ako si Gelo, isang normal na Pilipino na may trabaho at hindi natapos ang pagaaral sa kolehiyo. Sa sobrang hirap ng buhay e pinilit kong magtrabaho para makatulong sa mga gastos sa bahay at pang araw-araw na gastusin. Yes, I'm againts the Marcoses after I read and learned about the The Marcos administration (1965–1972). Sobrang daming namatay at natorture, so sino ang di matatakot sa mga Marcos. Isapang napaka bigat na dahilan bakit ako galit sa mga Marcos ay ang aking Lolo ay isa sa mga namatay noong Martial Law, ang lolo ko ay isang normal na Pilipino na magsasaka na sumama lamang para ipaglaban ang karapatan nila pero siyay isa sa mga namatay at inutos papatay ni Marcos. Habang ikinukwento ito ng aking Lola at Ina ay sobrang sakit at galit ang aking nararamdaman. Hindi ko lubos maisip na after all they did e malaya silang namumuhay, masaya, mayaman at ngayon humahabol pa para maging Pangulo ulit ng Pilipinas.

After this election and seeing the results every hour may mga update from GMA and other sites. Solid landslide, hirap tanggapin na natalo ang kulay rosas at Marcos ang nanalo. Nalungkot ako, sobra. Diko kayang tanggapin na sa sobrang sakit e nanlumo ako at naisip ang aking Lolo. Parang ramdam ko ang kanyang pagkamatay. Feeling ko e, wala ng pagasa ang Pinas.


May 9, 2022 11:35pm.

Ako ay nakahiga na sa aking higaan at nagsscroll sa social media and seeing all the posts and reports about the election. Lamang na lamang na si BBM. Naisip ko na bakit hindi na lang siya namatay noon. Oo, masama ang nasa isip ko pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ko na namatayan ng Lolo dahil sakanila ganito rin ang mararamdaman mo. Doon ko naisip na, what if I travel back in time wherein I can kill Bongbong when he was still a child so that wala ng BBM na hahabol pa this time. Nakatulog ako habang iniisip lahat ng ito.

In my dreams, I was walking in the very calm road na sa gilid e may mga palayan at iba't ibang gulay na nakatanim. I saw a man, with a farmer like clothes, I'm trying to approach him pero parang hindi niya ako naririnig. Then, may nakita akong upuan sa ilalim ng puno, so I sat there. A man wearing an American like suite na parang pang 60's ang datingan approached me, he said "kamusta?", nagusap kami for some 10-15 minutes. Nabigla ako nung tinanong niya ako na, "kung bibigyan kita ng pagkakataon maglakbay sa oras, anong panahon mo gusto pumunta?", I was shocked, di ko agad sinagot yung tanong niya at tinawanan ko lang pero sa kaloob looban ko e sa panahon sana kung kelan ang Martial law.

Biglang nagsalita ang lalaki. "Alam ko nasa isip mo, gusto mong iligtas ang lolo mo sa pagkamatay noong panahon ng Martial law, tama ba?", nagulat ako siyempre. Alam kong panaginip to at aware ako kaya hindi ko sineseryoso lahat ng naririnig at nakikita ko. Sinagot ko sya ng, "oo, gusto kong iligtas sa lolo at pigilan ang pagkamatay niya", pero sa isip ko ay patayin si bongbong nung bata pa siya.

The man gave me a watch with a date, smiled at me and then left without telling me ano yung relo na'to at para saan. Siyempre alam kona ito yung device siguro para makapag time travel like sa mga movies. I was laughing at the watch and then I'm thinking what is the exact year and date when my Lolo died. I set the date 2 days before my lolo died, April 13, 1974. Walang nangyare after that, tinawanan ko lang. Habang tumatawa ako, yung magsasaka na nakita kong nakatayo sa palayan biglang tumingin sakin at ngumiti, biglang ako kinilabutan, si Lolo pala, bigla akong tumakbo papunta sakanya pero habang tumatakbo ako, ang paligid ko ay biglang lumiwanag at parang bumibilis ang takbo ko at nasilaw ako. Hangga't sa nawalan ako ng malay at ginising ako ng mga putukan ng baril at sigaw ng mga tao.

I saw a newspaper with blood sa daan, it's April 13, 1974 nga, 2 days bago namatay si lolo. Ramdam ko ang kaba at takot knowing that I'm in the time where ang Pinas ay under martial law and of course Marcos administration. Hindi ko na inisip na baka panaginip lang to or what. It's not a joke anymore, ramdam ko sa paligid ang bigat ng aura ng mga tao, nagiiyakan, mga patay, mga dugo mga alingawngaw ng baril at mga bala sa daan. I'm running papunta sa hindi ko alam kasabay ng mga taong takot na takot. Lahat sila nag-iiyakan, pagabi na ng humupa ng kaunti ang ingay at takot. Im sitting in the hallway of the building kung saan kami nag-stay, lumapit sa akin ang isang lalake at tinanong tiga saan daw ako. Hindi ako nakasagot dahil malamang hindi niya alam ang lugar sa sasabihin ko since I'm not leaving in their time. Hindi ko nalang sinagot pero bigla niyang sinabi na magsasaka lahat silang magkakasama na lumalaban para sa karapatan nila. Itatanong ko sana ang pangalan niya ng biglang may mga sundalong biglang nagpaputok sa aming lugar at kami'y nagtakbuhan palabas para makatakas. Habang kami ay tumatakbo napansin ko ang suot na kupya nung lalake na may burda ng pangalan na Carmella. Naalala ko na iyon ang pangalan ng aking Lola.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Relo (Oras ng mga Marcos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon