Kabanata 20

2.2K 65 1
                                    

Kabanata 20

Above the Sea of Fog

Hindi naman ako marupok, pero hindi ko naman maamin sa sarili na mahina lang talaga ako pagdating kay Wyatt. Ilang beses ko ng sinabi sa kaniya na hindi ako papayag na manligaw siya sa akin pero araw-araw naman ay pinapadama niya na ako lang ang mahalaga.

Sa araw-araw na nagkikita kami, walang palya siya sa pagtatanong sa akin kung nakatulog ba ako o nakapagpahinga nang maayos. Walang palya rin sa pagpapadala sa akin ng pagkain na kahit hindi naman kailangan ay ginagawa niya pa rin.

"I don't want to see you all tired and hungry. Kahit ito na lang muna ang gagawin ko para sa'yo, I hope you'll appreciate it, Rean," aniya sa akin nang magreklamo ako kung bakit may ipinadala na namang pagkain para sa akin.

Kahit ang mga ka-trabaho ko ay nagtataka na sa akin kung bakit hindi ako sumasabay sa kanila. Naiintindihan naman ni Alice sa tuwing nagsasabi akong hindi ako sasabay at gusto kong mapag-isa muna. Ayaw kong maghinala pa sila.

"Sobra-sobra na 'tong ginagawa mo sa akin."

"And I'll be doing more than that if you allow me to," nakangitang aniya sa akin.

Kinagat ko ang aking labi. Bakit niya ba ginagawa ito? Pumapagaspas ang pakpak ng mga paru-paro sa aking tiyan habang nakatingin lamang sa nakangiti niyang mukha. Kahit pa pasikreto itong pagkikita at pag-uusap namin, ramdam ko naman na nirerespeto niya ang desisyon ko. Wala siyang ginagawang iba pa na makakapagpahamak sa akin o sa amin.

Makulit lang talaga si Wyatt na kahit pa pinagsasabihan ko, hindi naman nagpapatinag. Ni walang balak na magpaawat sa akin.

"Sigurado ka ba sa gusto mong gawin? Paano kung wala naman pala akong balak na sagutin ka?" tanong ko sa kaniya at boses naghahamon.

"I believe that I stand a chance, Rean. Manligaw man ako o hindi, you can't deny that you like me. And I don't even understand why the opinions of others are important for you. Hindi naman sila ang liligawan ko..."

"Hindi lang ako sanay," sambit ko at iniwas ang tingin. Tipid akong napangiti. "Wala ni isang nagkaroon ng intensyon na manligaw sa akin. Kaya mas napaniwala ako na baka pangit ako o baka tatanda na lang mag-isa. Wala naman akong problema roon. Pero hindi ko lang maintindihan king bakit magkakagusto ka sa akin. 'Yong mga normal na tao rito, hindi nga nagkakagusto kaya bakit...ikaw?"

"I see through you, Rean. My first encounter with you may not be the best memory I've had but...it was the first time I got amused and I felt dejected when you ran away like a scaredy cat. And the second encounter, I saw through your kind intention. I saw through your dreamy eyes that you wanted to work for your dream and life. That attracted me the most. And maybe those men couldn't like you as much as I do because they couldn't see through you," mahabang litanya niya.

Kada kataga ay nag-iiwan ng bakas sa aking isipan, na para bang itinatatak niya sa akin na karapat-dapat naman akong gustuhin at mahalin. Hindi ko alam kung ano bang mayroon sa mga salita niyang iyon na para bang lumulutang ako sa hangin. Kakaiba ang tibok sa aking puso...nakakataba at mainit ang pagtanggap.

"And I'm not saying these just to get you to accept me. You can reject me over and over again and I'd still pursue you, Rean..."

Tinagpo ko ang kaniyang tingin. Wala ng mas gaganda pa sa mga mata ni Wyatt. Malinaw na malinaw kong nakikita ang aking repleksyon sa mga mata. Ang tinta ng malamlam na kayumanggi ay nagpapakita ng kalambutan. Ang malalim niyang pagtingin ay tila ba tinitingnan ang kailaliman ng kaluluwa ko.

"S-sige," tumikhim ako. "P-pumapayag na ako."

"Really?"

Tipid akong tumango. Hindi ko matagalan ang tingin niya sa akin dahil baka bigla na lang akong manghina. Kahit pa kaya niya akong saluhin, pakiramdam ko kahihiyan na bigla na lang akong tutumba sa harapan niya.

Above the Sea of Fog (Provincia de Marina Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon