Part-14

14 4 0
                                    

********

Tyler PoV**



"Kakainis!...diko man lang nakita yung mukha nya ulit!" Inis na wika ng kakambal ko.

"Tss!...may mamaya pa naman aah!" Si Lincoln na katabi nya naiiling na lang akong nilibot ang aking paningin marami na rin studyanteng nasa loob pero wala pa ang aming adviser.

Halos kami -kami ulit ang mag kaklase may Ilan-Ilan din mga bagong mukha napatigil ang tingin ko sa tapat ng upoan na inuupuan ko. Nag iisa na naman sya.

"Hi Zoe!.." bati ko sakanya at tiningnan lang nya ako, sanay na ako sa kanya last year nag transfer sya dito sa BTS maraming gustong maging kaibigan ito pero laging sagot nito sa mga nag babalak ay hindi nya kailangan ng kaibigan.

Zoe Jin McLaren kapatid nya ang pinaka batang CEO at isa sa pinaka mayamang tao sa buong Mundo. Ang sabi nga ng Daddy ko wag daw naming gawan ng kalukuhan ito tss mukha ba kaming bully, bagkus daw gawin naming kaibigan.

Ngunit ayaw nitong ng kaibigan yes or no lang ang sagot nito pag kinakausap ito. Minsan naman nagsasalita lang ito pag tinatanung ng adviser namin.

Maya-maya pa dumating na ang adviser namin sinara na nito ang pintuan hudyat na magsisimula na ang klase.

"Good morning class!" Bati nito saka naman sabay-sabay kaming tumayo upang batiin din ito.

"Wala tayong klase today...ayusin natin ang inyung upuan kung sino ang magiging katabi ninyu yun ang magiging partner nyu, hanggang matapos ang taon." Anito habang hawak nito ang isang asul na libro. Saka kinuha nito ang isang whiteboard pen na nasa table nito at nag sulat sa whiteboard.  Miss Sandra Ong hindi na ito nagpakilala sinulat na lang nito ang pangalan nito.

"Okay.....let's start, hmm...tumayo kayo!, sa kanan ang lalaki, kaliwa babae" pagkuway utos nito na agad naman Kaming tumalima. Inayus nito ang mga upuan ginawa nito dalawang linya lang dalawang tao bawat isang upuan.

"Let's start with you Miss, Arya Hu? Where are you?" Tanong nito saka naman lumabas ang isang babaeng singkit maputi at mahaba ang buhok na nakalugay. Kaibigan ito ni Charlotte kaklase nila dati pa.

Naging katabi naman nito si Charlotte akala namin lalaki ang ipapareha pero binubunot pala nya ang mga pangalan na naka lagay sa isang maliit na kahon. Kung sino mabunot nya yun na yun.

Sumunod naman sila James at Hannah, Ken and Jake at si Louise at Axel tapos Iniwan saglit yung pinaka huling upuan, bakit? Diko alam tanong mo sya.

Sa next row naman kami, si Wyatt at Tyree at kami ni Lincoln ang nasa pinakalikod. Nag iisa na naman si Zoe sa huling upuan kaya pala, upuan nya kasi yun last year tsk! Ako kaya ang anak ng may ari ng school nato, bakit feeling ko sya ang may special treatment?.

Sa kakaisip ko hindi ko narinig na may kumatok pala tanging narinig ko na lang ay ang pag sabi ni Miss ng come in. Halos lahat kami sa pintuang nakasara, naka tingin na unti-unting bumubukas. Nasa harap ang pintuan sa may gawing kanan at whiteboard saka table ng adviser namin ang nasa gawing kaliwa.

Nang tuluyan ng bumukas ang pintuan niluwa nito ang isang dyosa I mean babae. Kanya-kanyang Singhapan naman ang aking mga kaklase, iba't ibang bulungan na agad naman pinatigil ng adviser namin saka tumahimik ang mga ito.

"Good morning Miss!" Bati ng bagong dating nq animoy anghel ang boses, ngumiti naman dito ang adviser namin at tinanong anong kailangan nito. May inabut naman itong papel sa adviser namin.

Saka ko sya pinagmasdan. Naka tali ang itim na itim na buhok nito may matangos itong ilong at mapupulang labi, subrang puti nya mapupungay ang mga mata at buhat sa kinauupuan ko kita ko kung gaano kahaba ang kanyang pilikmata. Naka jeans lang ito at naka hoodie na itim? Hoodie?.......Nanlalaki ang mata ko na napatingin sa kakambal ko na tulala.

"Okay class...may bago kayong classmate ngayun.."Maya-maya sabi ng guro. "Introduce yourself Miss " Naka ngiting baling ng guro sa bagong dating. Gumanting ngiti naman ito at humarap sa amin, kaya napagmasdan namin ang buong anyu nito.

Subrang Ganda nya namumula na rin sya daig nya tuloy na may blush on. Ngumiti ito ng tipid at mabilis na yumuko ito pagkuway iniangat ang ulo saka nag Salita.

"Good Morning! Ian Leigh Corteza, ,kayo na bahala sa akin" Anito at ngumiti. Kung ano ano naman reaksyon ang mga kaklase namin..

"Ang Ganda nya!!"

"May boyfriend na kaya sya?"

"Oh My God sya yung iskular na tumalo kay Charlotte!"

"Oo nga, pangalawang matalino na lang si Charlotte!"

"Parang sya rin yung tinutukoy ni phoebe ng 4th year!"

"Ang Ganda..Ganda nya...sana all!"

Iilan lang yan na reaksyun nila dito tahimik naman kaming nasa last row nakita ko si Axel na katabi ni Louise ang Ganda ng ngiti sa bagong dating.  Si Wyatt naman kinakausap ang kapatid ko na tulala pa hanggang ngayun at bumaling ako sa katabi ko. Pati sya mukhang tinamaan medyu tulala kasi ito at nakangiti. Errr gross! Saka napatingin ako kay Zoe na  nakatingin lang sa unahan.

"Okay Miss Corteza!...tumabi ka na lang kay Miss McLaren" Sabi ng guro dito " Miss McLaren!..kindly raise your hand? Dagdag pa nito laking gulat ko na lang nang makita itinaas ni Zoe ang kamay nito na kinaway-kaway pa saka nginitian ang bagong dating.

Dahilan na naman para mag bulungan ang mga kaklase namin. "Oh!...kaklase pala kita?" Sabi ng bagong dating kay Zoe at umupo naman ito. Trust me hindi mo maiiwasang tumingin dito at makinig pag nag salita ito. Saka napatingin ito sa gawi namin ni Lincoln at ngumiti na napansin nakatingin kami sa kanya.



**************


IAN LEIGH CORTEZA  THE FANTASY GIRL 👸

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon