KABANATA 2

46 2 0
                                    

"The Life In Mortal World"

~✨✨~

3rd Person's Pov

"Saang dimensyon lalabas ang aking pinsang hari?" Seryosong sabi ng reyna ng kahariang Dilim sa dalawang kawal na pinipigilan ang takot na kanilang nararamdaman. "Tampalasan!" Gulat na sabi naman ng dalawa. Binigyan naman sila ng kaharap nila ng nakamamatay na titig. "Wala kaming sasabihin at para ano? Para paslangin ang mag-ama?" Matapang na sabi ni Neon. Tumawa naman ang reynang kaharap nila na at ipinahiwatig sa kanila na sila ay nagsisinungaling.

"Kaawa-awang mga kawal. Hindi marunong magsinungaling. Alam kong alam ninyo kung saan paparoon ang aking pinsan. Sabihin niyo sa'kin ang totoo kung ayaw ninyong dalawang umuwi nang wala ng ulo." Kinabahan naman bigla ang dalawa ngunit hindi nila iyon ipinahalata sa reyna.

Napaatras naman ang reyna at tila nabunutan naman ng tinik sa kanilang mga lalamunan ang dalawa nang lumitaw ang sinaunang reyna ng Liwanag. "At ano'ng ginagawa dito ng reyna ng kadiliman?" Ma-awtoridad na wika ng sinaunang reyna habang nasa harapan at pinoprotektahan ang dalawang kawal na nabunutan ng tinik sa lalamunan sapagkat nailigtas sila ng mailap na reyna.

"Ang sinaunang reyna ng kahariang Liwanag. Ikinagagalak kong magkita tayong muli, Cassandra ..." Nakangising wika ng reyna ng kadiliman. "Naparito ako upang alamin kung saan nagtungo ang aking pinsan at ang aking pamangkin." Seryosong sabi ng reyna. "At bakit gusto mong malaman?" Tanong naman sinaunang reyna. Tumingin naman ng napakaseryoso ang reyna ng kadiliman kay Cassandra.

"Sapagkat nais kong masilayan ang aking pamangkin, iyon lang." Hindi mahahalata sa boses ng reyna ng kadiliman ang pagsisinungaling nang sabihin niya ang mga katagang iyon kung kaya't sumagot nang malumanay ang sinaunang reyna. Itinuro niya ang isang bituin na kasing liwanag ng buwan. "Sa bituing iyon nagtungo ang mag-ama. Ipangako mo lamang na hindi mo sila sasaktan." Wika ng sinaunang reyna ay naglaho na silang tatlo nina Neon at Pedro. Nakarating nang matiwasay sina Neon at Pedro sa Liwanag at nagpasalamat silang dalawa sa sinaunang reyna. "Walang anuman, humayo na kayo." At nawala na lamang na parang bula si Cassandra.

--

Nang makalabas ang mag-ama sa kulay lilang lagusan ay napansin agad ng hari na maraming tao ang nakatingin sa kaniya. Marahil ay nagtataka kung saan siya nanggaling, kung bakit kakaiba ang kaniyang kasuotan. Pabalik-balik ang paglalakad ng mga tao at nagtataka kung saan siya nanggaling. Napagpasyahan niya nang maglakad ngunit hindi niya maiwasang mapatingin sa mga nagtataasang mga gusali na tila mga palasyo sa kaniyang mga mata.

Nang makababa siya sa tila isang tulay na kumokonekta sa kabilang dako nito. Napaisip siya kung saan siya pwedeng makahanap ng magandang matutuluyan. Tinanong niya ang hangin kung pwede ba siya nitong tulungan upang maghanap ng isang perpektong lugar upang pagtuluyan.

Hindi nagtagal ay nakarating siya sa lugar kung saan may mga puno at malamig ang simoy ng hangin na umiihip sa kawalan. May iilang mga kabahayan siya na nakita kung kaya't nagtanong-tanong siya sa mga ito kung saan pwedeng mamalagi. Nagtaka pa ang kaniyang mga tinanungan kung anong uri ng wika ang kaniyang ginagamit sapagkat hindi nila maintindihan ang kaniyang mga sinasabi.

Dahil sa may kakayahan siyang gayahin ang lahat ng bagay ay madali niyang nagaya ang wikang ginagamit ng mga taong nakakasalamuha niya. Nang magkaintindihan ay inihatid siya ng isang lalaking tila ay magiging kaibigan niya sa isang simpleng bahay kubo.

LIWANATI ACADEMY | BL Series (ON-GOING)Where stories live. Discover now