Marami ang nagsasabi na totoong maligaya sila sa ibang bagay at hindi daw lahat ng kaligayahang matatamo ng isang tao sa buhay na ito ay magmumula lamang daw sa isang tao. At kalimitan yung tao daw na dapat ay magpapadama sa kanila ng kaligayahan ay siya pag magdudulot ng kapighatian.
''Ang kaligayahan ay kusang ibibigay ng taong karapat-dapat at dalisay sa iyong puso, nararapat at wala nang papantay pa.
Bawat araw ay magiging isang tulad ng pulang mga letra sa kalendaryo, sapagkat bawat oras ay kapana panabik at ang umaapaw na kaligayahan ay hindi na maitatanggi.
Ang makita mo na ang iyong sarili ay hindi na tulad ng dati na walang kulay ang mga ngiti. Walang hagalpak sa mga tawa at walang mga labing umaabot hanggang tainga. Yung ikaw na matamlay sa umaga kahit nakumpleto ang tulog at palaging nag iisip kung anong kulang pa at bakit nga parang may kulang pa. Sino ba tayo para husgahan ang tunay at dalisay na pag ibig?.
Hindi ito palalo , hindi ito mapang husga at palaging hindi inuuna ang sarili.
Sabi nga sa isang awit''Kay sarap ng may minamahal
Ang daigdig ay may kulay at buhay''Sabi nga ni Francisco ''Balagtas'' Baltazar
''O, pagibig na makapangyarihan
Pag ika'y pumasok
sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang''Totoong makapangyarihan ang pag ibig at totoo nitong kayang gamutin ang iyong kalungkutan sa buhay, ngunit kung magmamahal ka lamang dahil gusto mo maranasan kung anong pakiramdam nito ay maaari kang mabigo at ang dalamhati at pagkabigo ang maaaring matamo.
''Magmahal kung sa tingin mo ito ay tama, sundin mo ang puso mo ngunit kalakip ang utak.
Dahil totoong hangal ang taong pinaiiral lamang ang puso kaysa utak
Kung mahal mo ay ipaglalaban mo kase alam mo sa sarili mo na kapag nawala siya ay mawawalan ng kulay ang mundo mo.
Kumplekado ang pag ibig , susugal ka ngunit wag kang magmamadali ngunit wag ka rin naman pahuhuli
Palaging may nakalaan na panahon ngnit hindi parating yaong sinasabi nila na panahon.Marami magtatangka na pinsalain ang relasyon at pigilan kang maging masaya
Maging handa ka lamang at pakatatagan ang loob.
Ano man ang sabihin ng iba may masasabi talaga sila
Maganda man o masama sa kanilang paninginHindi maiiwasan ngunit maaaring balewalain ang sasabihin ng iba.
''Ang magandang relasyon ay kinaiinggitan ng madami, sinisiraan at ginagawan ng masama ng mga taong babad na sa kabiguan ng buhay at mga nanatili na sa isang paniniwala at prinsipyo na ang mundo ay lapad at hindi bilog''
BINABASA MO ANG
'' Kaligayahan ''
PoesíaLahat ng tao may pamamaraan upang maging maligaya sa buhay ngunit hindi lahat pinipiling maging masaya. Ang maging maligaya sa piling ng taong pinakamamahal mo ay ang isa sa pinakamagandang alaala na maaari mong balik balikan sa iyong buong talambuh...