12

29 1 0
                                    

Survivors

GWEN

"The kid Shane got bitten!" para bang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Dash sa kabilang linya.

Awtomatiko at hindi ko napigilang mapahakbang papaatras nang dahil sa narinig. No... not Shane. Not the kid. Why the f*ck did they just let the kid be bitten?!

Kaagad na napakapa ako sa ear piece na aking suot suot. Wala ni isa sa mga ito ang nagsasalita kaya naman ay susubukan ko na sanang tumakbo papaalis nang ang mga narito ang pumigil sa akin.

I forgot that there are still some people in here. My brain got almost washed because of what Dash said.

"Hindi ka p'wedeng umalis mag-isa," pigil ng isang matandang babae sa akin kaya't napatingin ako sa mga ito. "delikado, hija... Mukha ka pa namang nanghihina."

"Kaya ko na po ang sarili ko," bahagya akong napayuko sa mga ito bago marinig ang ilang sasabihin pa ni Dash.

"Dumadami na sila! Hindi kaagad na mapigilan!" saad ni Dash bago ko marinig ang iyak ng isang bata.

Para bang sinaksak ang puso ko nang marinig ang mahihinang iyak ni Shane sa kabilang linya. Sa iyak pa lamang ng batang iyon ay alam kong si Shane na iyon. Kilalang kilala ko ang bata na pati ang iyak nito'y pamilyar sa akin. Malamang ay bitbit ito kaagad ni Dash.

"Dash... Dash," natagalan bago makasagot sa akin si Dash. "where's Shane? Who bit her? Why let her roam around?!"

Hindi ko mapigilang mapasigaw sa kabilang linya habang hawak ang aking tainga na nagbigay senyales sa mga narito na may kausap nga ako. Nag-aalalang napatingin sa akin ang mga taong iyon na nananatiling narito kahit na alam naman nilang delikado.

"Bring her to my mom, Dash!" sigaw na utos ko rito. "make sure that only my mom will look after her. Hold onto her, uh?"

I secretly bit my lower lip to stop my tears again. Ganoon na lamang pala kalapit ang bata sa pakiramdam ko. Para bang naiinis ako sa nangyayari rito, bakit naman 'yung bata pa?

"Answer me, f*ck!" naiinis na sigaw ko nang hindi makasagot si Dash sa kabilang linya.

Hindi ko rin marinig nang maayos kung kanino bang galaw ang naririnig sa linya dahil marami nga rin kaming nakakonekta sa bagay na iyon.

"A-Ate Gwen..." para bang napipe ako sa narinig na tinig. "ate Gwen... my neck hurts. I-It's bleeding..."

Napa-angat ang tingin ko upang hindi magsibagsakan ang mga luhang nagbabadya. "kuya Dash will bring you to my mommy, okay? Hold on, baby. You'll be okay..."

"Ang sakit sakit po..." iyak ng bata sa akin kaya nama'y napaharap ako sa kabilang direksyon, kung nasaan ang mga taong narito pa rin.

Hindi ko nagawang sagutin ang bata nang manlaki kaagad ang mata ko at ituro ang likod nila. An infected soldier are running towards them.

Dahil roo'y nagkagulo ang mga ito at agad na sinugod ng mga lalaking iyon ang nag-iisang infected na nakalusot. Tinakbo naman ako ng mga babae at saka ako hinatak papaalis sa kung saan ako naroon.

My heart almost dropped when a weak wind blew on my leg part. Napatingin ako kaagad sa likod at nakita ang nakadapa nang infected na sundalo. Napatayo ang balahibo ko at kaagad nang sinubukan tumakbo kasabay ang mga humatak sa akin.

Nagkakagulo na ang lahat habang sunod sunod naman na ang dating ng mga papa-akyat na mga infected. Mga iyak ng bata ang nanaig kaya nama'y kaagad na hintak ito ng kanilang mga ina.

Colliding ZonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon