Chapter 1

34 5 2
                                    

CHAPTER 1

"Avy! Liz! Baba na, kumain na kayo!. niños más rápidos!" (Faster kids!) mom said nang hindi kami sumagot ni ate Liz.

"Coming mom!" Sigaw ko at ginising si ate. "Ate let's go na sa baba" ngunit mantikang matulog si ate kaya tulog pa din!

"Despierta!Despierta!" (Wake Up!Wake up!) ngayon naman sinigawan ko na sya sa tenga. Baka di pa din magising eh.

"ANO BA AVY!" Sigaw sakin ni ate nang magising sya.

"Aba ayaw mong gumising eh. Tinatawag na tayo ni mom." sambit ko.

Ate Liz is 2 years older than me kaya ate tawag ko sa kanya.

We went downstairs, to the kitchen to eat. Mom cooked us her specialty and also my favorite, Adobo.

"Adobo! Mi favorito. Gracias mom" . I told her (Adobo! My favorite. Thank you mom)

After eating, I took a bath and wore high waisted jeans partnered with a white shirt and wore the sneakers that Ate Liz gave me for my 15th birthday. While ate wore a simple yet fabulous cocktail dress. Kulay dilaw yon bagay na bagay sa mestisa at maporselana nyang kutis.

Hinatid na kami ni Dad nang matapos kaming magbihis. He was also going to leave for work. Nagkataon naman na medyo late ang meeting nya kaya naihatid nya kami sa bago naming school. He always leaves very early, minsan nga ay di ko na siya naabutan sa bahay.

"Adiós dad! Nos vemos luego en casa. Cuídate!" I said nang makarating kami sa school (Bye dad! See you later at home. Take care!)

When we arrived at our new school which is the Philippine Science Highschool, some... boys blocked our way.

"Bullies siguro mga toh. Tindig pa lang eh. Tsk. Bwiset naman oh. Kala ko pa naman lumipat tayo dito for the better, yun pala may bullies din" binulong ni ate sa akin.

Buti na lang talaga nandito si Ate Liz. Siya ang madalas kong sabihan sa mga nangyayari sakin sa school. Kung di nga lang nahuli ni Dad na binubully ako ng kaklase ko dati ay di ko sasabihin sa kanila yon.

"Aba! Transferee ata mga to oh. Pare tignan nyo ang gaganda!" Sabi ng lider ata nila. Nasa gitna eh HAHAHA. "Oo nga chix oh" sabi naman nung isang mukhang kabayo. Bwiset naman ang mga to. Sapakin ko kaya?

"Perdon?" Sabi ni ate Liz. Luh, marunong naman mag tagalog eh. HAHAHA foreigner yarn?

"Lo siento, no hablamos tagalog" (I'm sorry, we don't speak tagalog) dagdag ko pa. Wala lang para tigilan lang kami. Aga aga eh nambubwiset sila.

Umalis na kami sa harap nila at pumasok sa aming room. Ate's room was on the third floor of the building habang sa 1st floor naman ang sa akin.

"Good Morning po" Sabi ko sa teacher nang makapasok sa classroom. Infairness naka aircon.

"Oh. Are you Miss Santana? The transferee? Kindly introduce yourself" Sabi ni sir.

"Uhmmm. H-Hi! My name is Arya Avenire Santana. 15 years old and currently residing at Pasong Tamo, Quezon City. Y-You can call me Avy for short " Nauutal ko pang sabi kasi kanina pa ko kinakabahan. Nakatingin sakin lahat ng tao. Gosh!

Natapos ang klase namin sa Math. Isang oras kami don. Algebra ang topic. Nakaka-bored nga eh. Kasi naman matagal ko nang alam iyon, ang basic kaya! Calculus na nga ang inaaral ko ngayon eh.

Pagtapos ay pinuntahan ko muna si ate sa room nya. Nakita ko yung bwiset na lalaki na humarang samin kanina. Kaklase pala ni ate!

Ayokong makita pagmumukha nya kaya pumunta na lang ako sa library. Habang nagbabasa ako ng libro, may isang babae na lumapit sakin. Tinanong niya ako kung pwedeng tumabi sakin. Nagpakilala pa siya sakin.

"Hello ikaw si Avy diba? I'm Hillary Xinray Anarna, but you can call me Xin. Ako yung girl na nasa dulo nung row 6 sa class natin"

"Hi" tipid ko namang sagot. Ganito talaga ako pag hindi ko close. Tahimik lang.

"Ahh..." sabi naman nya. Natahimik kami ng ilang segundo

"Are you spanish?" Tanong niya para buhayin ang convo namin.

"Yes" Mahina kong sabi. Hindi naman talaga ako spanish since di naman ako blood related kay na mom. Yes. Adopted ako. Sinabi ko na lang para di na siya magtanong na ako ay di Spanish pero si ate ay oo.

Halata kasi sa mukha ni ate na meron syang dugong spanish. Ako din naman halatang may lahi, pero hindi nga lang spanish. Madalas na yan ang sabi ng mga ibang family friend namin.

"How'd you know?" sambit ko.

"Narinig ko kasi kanina nung binubwiset kayo ni Aiden sa hallway" sagot niya naman. Aiden. So yun pala yung name nung gago.

Tinanong niya ako kung pwede ba daw ako mag-spanish parang ang cool daw kasi namin kanina.

"Can you say hmmm... 'Hello! My favorite subject is blank' Then say what it is!" Masigla nyang sabi. Yung totoo girl? Happy ka? Char. Sige na nga para di niya na ako kulitin.

" Hola. Mi asignatura favorita es matemática" (Hello. My favorite subject is math)

"Matematika? Is that math?" Sabi niya.

Halata naman diba? Jusko. "Yes" maikli kong nalang sambit. Nagpaalam nalang ako dahil magnenext subject na din naman.

– – –

Nagkita lang kami ni ate Liz para maglunch tapos noon ay pumasok ako sa mga subjects ko sa hapon. Tapos umuwi na din kami ni ate.

Kinakamusta ako ni ate at nina mommy habang nagdi-dinner kami. I was tired kaya sabi ko na lang ok lang. After noon ay ate was talking to me pero di ko na naintindihan kaya nakatulog na lang ako bigla.

––– Three Little Witches –––
🧙🏻‍♀️🧙🏻‍♀️🧙🏻‍♀️


Mission Failed Successfully (ONGOING)Where stories live. Discover now