CHAPTER 3
The next day, we went to school. Dad took us kasi day off niya naman. Ate Liz and I decided to separate kasi medyo late na din kami. When I'm on my way to my seat bigla na lang may humarang sa pintuan. Nagulat ako ng makita ko na si Cole yun.
Actually kinakabahan din ako.
"Hi Miss Santana! Ganda mo ngayon ah. Tsaka nga pala, ikaw ba yung naglike ng post ko sa Instagram? Pogi ko don diba" pabirong sabi ni Cole.
"Hi, araw-araw naman akong maganda. Duh. Tsaka ano yung sinasabi mo na nilike ko? Bakit ko naman ilalike yon? Di ka naman pogi Umalis ka na nga diyan, dadaan ako" pagmamaldita kong sambit kay Cole.
Nang nakaupo na ako, may naramdaman ako na takot dahil sa mga nasabi ko kay Cole. Di ko kasi alam kung sasabihin ko ba talaga na ako yung nag like. Mas pinili ko na magsinungaling sa kanya dahil baka lokolokohin ako non magdamag. Gosh di din ako makapaniwala na sinabihan ko siyang di pogi. Pero Cole kung alam mo lang sobrang pogi mo. Charrr
_ _
Since tapos na ang klase namin sa Science and break time na din naman, naisipan ko na pumunta sa canteen para kumain. Habang kumain ako bigla akong nawalan ng gana. Bigla kasing may dumating na demonyo sa harap ko. Aalis na dapat ako pero hinarang niya ako.
"HOY AVY!! Saan ka pupunta ha?" Tanong ni Aiden.
"voy a ir na. Ya perdí el apetito cuando vino un demonio. Y para tu información eres tu" (I'm going na. I already lost my appetite when a demon came. And for your information it's you) sambit ko naman at inirapan sya.
Nang paalis na ako ay pinigilan ako bigla ni Xin. She asked me where I was going. Sabi ko aalis na ko dahil demonyo si Aiden. Hinila nya ako pabalik at pinaupo kasama si Aiden. Ano ba yan! Alam ko namang friends sila pero. Ew si Aiden magiging friend ko? Eh bully at demonyo yon eh.
"Kala ko ba aalis ka na?" Tanong sa akin ni Aiden at tinaasan ako ng kilay.
"Si. Iba a" (Yes. Was going to) Nakakunot ang noo ko nang sinabi iyon.
"Teka bakit kasama mo yan Xin? Kala ko ba ako kaibigan mo dito?" Tanong ni Aiden kay Xin na katabi ko ngayon.
"Aba! Aiden umayos ka nga" sabi ni Xin at inirapan din yung gago. Maldita din to eh.
"Gago Avy. Ampanget mo noh? Tapos parang hindi mo pa kamukha si Li-"
"Hoy bully na mukhang hito! Anong ginagawa mo sa kapatid ko?" Pagputol ni ate sa sasabihin ni Aiden. Buti nalang talaga dumating sya sa tamang oras. Ayokong sinasabing ampon ako. Actually kay Xin ko lang talaga sinabi iyon.
"Oh, nandito na yung matapang na kapatid. Hi Ms. Avery Feliz Santana! And fyi ah di ako mukhang hito. Gwapo ko kaya" sabi ni Aiden na natatawa pa.
"Aiden just shut up. Mkay?" Mahinahong sabi ni Xin pero halatang naiinis na si ate gurl nyo.
Natapos ang breaktime buti nalang. Puro pangiinsulto at pangiinis lang ginagawa ng lalaking yon eh.
Pabalik na ako sa classroom namin nang makita ko si Cole sa hallway na may kausap na babae. Nakikita ko sa mga mata nya na masaya sya habang kausap yung babaeng nasa harapan nya. Tumatawa tawa pa siya at pabebe naman si ate girl!! Paakbay akbay pa.
Di ko napansin na matagal na pala akong nakatitig sa kanila. Di sinasadyang nagtama ang tingin namin ni Cole, kaya umiwas agad ako ng tingin at tumakbo na lang papunta sa classroom namin.
Kalagitnaan na ng History class nang may kumatok sa room namin. Nakasara kasi iyon dahil nga naka aircon ang bawat classroom ng school. Binuksan ni Maam ang pintuan ng room, at pumasok si Cole! Kinabahan agad ako nung nakita ko siya, gosh!
"Ma'am Fernandez is Miss Santana here?" He asked
"Ah yes! There on the 4th row" Ma'am Fernandez replied.
And with that Cole went up to my row and while walking I can see everyone looking at this man who's walking towards me.
"Hi. You dropped your wallet a while ago" he whispered into my ear. It tickled me...WTF, I didn't even know I dropped my wallet gosh! Umalis na din naman sya kaagad at napatulala na lang ako. Kitang kita ko yung mga kaklase ko na nakanganga. Isa kasi sa mga heartthrob ng school namin si Cole.
Natapos ang history class namin ng di ko namamalayan. Nagkita kami ni Xin nung uwian, niyayakag ako na gumala sa BGC bukas since Sabado na naman. Sabi ko ay magpapaalam ako kay na mom at babalitaan ko na lang siya mamayang gabi.
"Promise ha Avy! Di ka na lang laging sumasama with me pag gagala ako."
"Like what I've said. Magpapaalam ako okay? I'll take to you later. Adios!" Nag flying kiss pa ko sa kanya.
Pagkauwi namin ni ate ay nag gawa na agad ako ng assignments ko para naman wala na akong gagawin ng weekends. Nang matapos ako ay inaya na din kami ni mom na kumain ng dinner.
"Umm. Mom, dad. Pede po ba ako na gumala sa BGC tomorrow?" Tanong ko kay na mom habang nagdi-dinner kami.
"Sure why not? quien viene contigo?" (Who's coming with you) sabi ni mom.
"Si Xin po mom." Sagot ko naman.
"Ah ganon ba. O sige ok lang naman sa akin. Mabuti nga at nakikipag socialize ka na ngayon." Sabi ni mom. Ayun! Buti nalang pinayagan ako.
"Eh kayo dad? Pwede po ba?" Tanong ko naman kay dad. Ayoko kasing umaalis ng di ako parehas na nagtatanong at nagpapaalam kay mom at dad.
"Ok lang sa akin anak. Oh bibigyan kita ng 1k mamaya. Baon mo. Magpahatid kay Liz since pupunta ata ng Eastwood yan" Ang bait talaga ni dad! Gosh 1k ba naman baon ko? Ok na nga sakin ang 300 eh.
"Sige dad. I'll take her with me. Ihahatid ko nalang don" Sagot naman ni ate Liz kay dad.
Tapos noon ay kumain na kami at ako na ang nagboluntaryong magligpit since pinayagan nila ako kaya mabait ako today.
"Girl" I chatted Xin as soon as I got in my room and lay down on my bed.
Agad agad namang nag chat si Xin.
From: Xin
Yasssss????
To: Xin
Pinayagan ako.
From: Xin
OMG! OMG! OMGGGGGGG! FINALLY! Yesssssssssssssss
Ahhh
So excited
WAHHHHHHH
Sunod sunod nyang chat sa akin. Excited talaga itong babaeng ito. Sa loob kasi ng 4 buwan na andito ako ay di pa kami nakakagala sa labas ng school since palagi akong madaming ginagawa o kaya naman ay may family gala kami.
To: Xin
Happy ka? AHHAHA
From: Xin
Yas of course! Finally makakagala na din tayo.
At yun. Nagusap kami kung anong oras kami magkikita sa BGC at nagkwento din sya ng mga balak nya daw na gawin naming dalawa.
Natulog nalang din ako dahil ang aga aga ng gustong meet up time nitong si Xin. Gosh!
--- Three Little Witches --
🧙🏻♀️🧙🏻♀️🧙🏻♀
YOU ARE READING
Mission Failed Successfully (ONGOING)
Fiksi RemajaAvy and Cole. Hired to kill an influential and wealthy family. Will she get to accomplish her mission? Or will she uncover secrets that were very well hidden from her? Arya Avenire Santana a girl who lives a double life. And is part of a world we...