PANGALAWA

40 2 0
                                    

Si Prince at Elrish ay magkababata na kaya magkaibigan na sila. Nakilala nila si Kiko sa Tabi ng Ilog kung saan lagi nakatambay ito dito . Paborito ni Prince at Elrish ang magbato ng bato sa tubig palayuan sila ng hagis. Lumapit si kiko at sinabing..

Hey mah neggas pwede sumali?

Oo naman-sabi ni prince-Nga pala anong pangalan mo?

Ako si kiko a.k.a Francis Bilagan.

Ahh welcome sa tropa kiko-sambit ni elrish

Nandoon din si Aries Naka headset kasi Music Lover ito. Nakaupo ito sa gilidng puno habang tinitignan ang mp3 nito. Lumapit ang tatlo.

Pre Sali ka sa tropa?.

Nakatingin lang si aries at di niya ito madinig dahil nakaheadset akala niya'y babanatan siya kaya tinanggal niya ang headset niya.

Bakit pre anu sabi mo?-seryosong sabi ni aries

Nagtawanan ang tatlo dahil nakita nilang may salagubang sa balikat ni Aries . Itinuro ni elrish ang balikat nya.

Pre Anu yan sa balikat mo?

Huh? Waaaaaaaa.......!-pinagpag ni Aries ang balikat at nagtatalon sa takot .

Tuloy padin ang tawanan ng tatlo at lumipad ang salagubang sa tatlo. Kumaripas silang apat sa pagtakbo dahil malaki ang salagubang parang nangangagat. Doon nagsimula ang lahat.

Ano name mo pre-sabi ni Elrish kay Aries.

Aries Mallari Pala.

Hey negga wanna join in our tropa?

Oo naman bakit hindi.

Ayooss. Kumpleto na tayo para sa pangalang 4teen-sabi ni prince

4teen? Bakit 4teen? Anu meaning nun?-sabi ni Aries

Apat na teenager haha. Astig ba?

Thats cool mah negga! Oh yeah Ako ang Chickboy ng Tropa

Sige ako naman ang Pilyong Prinsipe ng Tropa

Ako? Ako nalang yung shy type ng tropa!

Ikaw Aries bagay sayo MusicLover ng Tropa!.

Oo nga no sige sige ayos yan. Haha

Maghapon silang nagkwentuhan nagkasiyahan at nagkulitan. Hanggang matapos ang araw na iyon. Pauwi na silang apat di pa nila alam na may girlfriend Si Aries. Nakasalubong nila ang magandang si Christal sa daan habang naglalakad.

Hi miss!.-sabi ni kiko

Hoy mga pre Girlfriend ko nga pla si Christal-inakbayan ni Aries ito ngunit inalis ni christal ang kamay ni aries dahil mahiyain ito.

Woah Girlfriend mo yan ?-gulat na sabi ni kiko.

Sumagot si Christal.

Girlfriend nya ako may angal kayo?

Wala naman Christal.

Sumama na si Aries kay christal para ihatid ito.

Sige mga pre una nako hahatid kopa si christal eh.

Sige pare ingat kayo!!. -sigaw ni prince habang papalayo ang dalawa.

Yow ma homies ganda ng chikabebe ni Aries no. Siguro chickboy din yun?

Di naman siguro mukang loyal naman si aries kita mo namang hinahatid nya pa diba?-sambit ni elrish

Sabagay.-napatango nalang si Kiko

Natapos agad ang araw ng may mga bagong kaibigan at bagong nakilala.

========================
KINABUKASAN.

Malapit sa tabing ilog ang venue ng apat madalas silang maglaro ng volleyball dahil di naman sila mahilig sa computer. 2on2 ang laban si kiko at si aries ang magkakampi. Naiserve ng malakas ni kiko ang bola kaya tumalsik ito sa malayo. Hinabol ni kiko ang bola ng napahinto sya at nakita niya ang magandang babae na may hawak ng kanilang bola.

Hi miss. Sa amin ang bola na iyan.-magalang na sabi ni kiko

Ngumiti lang ang dalaga habang inaabot ang bola.

Nga pala miss anong pangalan mo?

Ngumiti lang ito at umalis na. Di parin mawala sa isip ni kiko kung sino ang babaeng iyon.

Iyon si Carmela Ang Babae na Di mahilig makipag usap pero masayahin ito. Malapit lang sa tabing ilog ang bahay nila. Mabait si Carmela laki siyasa hirap pero isa siyang valedictorian dahil sa pagsisikap niya.

Sinundan ni kiko ang babae at hinarang.

Miss wala namang ganyanan? Gusto ko lang malaman ang pangalan mo.

Nakangiti parin si Carmela habang nagkakatitigan sila.

Ako nga pala si carmela nice to meet you?

Ay Kiko nga pla. -masayang sabi nito-San ka nakatira Carmela?

Diyan lang malapit sa tabing ilog ang bahay namin.

Ah diyan kami madalas maglaro ng tropa ko ngayon lang kita nakita.

Oo kasi kakalipat lang namin sa mga lola ko. Wala na kasi ang parents ko. Nasa heaven na sila.-lumungkot ang mukha ni carmela

Sorry Carmela. Ah may..

Naputol ang ang kanilang pag uusap ng tinatawag na si kiko nila Prince.

Hoooy pare!! Bakit ang tagal mo? Woah may kausap ka pala.

Oo nga pala si carmela kakakilala lang namin.

Napangiti nalang si carmela sa tatlo.

Carmela si Elrish , si Prince at si Aries pala mga tropa ko.

Nice to meet you guys-sabi ni carmela.

Carmela gusto mo sumali sa laro namin?-sabi ni prince

Hindi pwede eh may gagawin pa kasi akong gawaing bahay.sorry next time nalang guys.-umalis na ito dahil tinawag na siya ng kanyang inay.

Sige carmela Next time ha?-malambing na sabi ni kiko.

Napangiti nalang si carmela at tumango habang papuntang bahay nila.

Nang Matapos ang paglalaro nila. Si kiko ay parang lutang padin.

Kiko bakit tulala ka?-sabi ni prince

Wala naman iniisip ko lang si carmela.

Ayiiie pre Umiibig kana?-sabi ni Aries

Ewan pre ang gaan kasi ng pakiramdam ko sa kanya parang pagkasama ko siya kumpleto na araw ko.-tumingala sa langit si kiko

Ang corny mo pre haha-sabi ni Elrish.

As usual nakita ulit nila si Christal at hinatid ulit ni Aries.

Natapos na naman ang araw nila ngunit si kiko ay parang inlove na. Habang nakahiga sa kwarto niya si kiko iniisip niya parin ang magandang ngiti ni carmela na bumighani sa kanya. Di niya namalayan ang oras alas dose na pala ng gabi gising padin ang mata niya. Hanggang sa makatulog na si kiko.

=======================

A/N:Ano Guys Ayos ba ang simula ng kanilang Friendship?

Vote and comment lang po baka may suggestions kayo na name sa dalawang pang babae na makikilala nilang apat.

Dedicate ko next chapter sa magustuhang kong name.

Vote vote vote

Comment lang

SALAMAT !

Extra OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon