6

100 17 4
                                    

If falling inlove with a girl is a crime, baka nakakulong na ako ngayon. Hindi ko rin naman masisi 'yung sarili ko, ang ganda kaya ng view ko araw araw?!

"Elleah, may hindi ka yata sinasabi sa amin? Sino kasama mo kanina, ah? Ganda niya," tumango-tango pa si Monica.

"Rylee Scarlett Galvez, from Engineering Department."

"Nako, isa sa mga mabibiktima ng Engineering student," sinamaan ko naman siya ng tingin

"Wala pa nga? Ang advance mo mag-isip. Sa sobrang advance, sana hindi mo nalang sinabi," ngumiwi siya.

"Proven and tested niya na raw kasi kaya ganiyan," tumawa si Marri.

"Ah, talaga? Sino’ng biktima ng Archi student?" balik ni Monica kay Marri.

"Yuck, ew. Tigilan mo ang pag sha-shabu, Monica," nandidiring sabi ni Marri.

Ano ba naman 'to, bardagulan everyday. Hindi yata sila mabubuhay kapag hindi nila binardagol ang isa't isa sa isang araw, eh.

Sabi ni Rylee ay sa weekend daw kami mag-EK. Mamaya ay sasabihin ko na sa kanila para makapag-handa pa sila. Grabe hindi ko naman first time pero na e-excite ako.

Dumating na si Ate Adreinne kaya nag-handa na rin kami para kumain.

Nag-pray muna kami bago sinimulan ang pagkain.

"Gusto niyo ba mag Enchanted Kingdom?" natuon naman ang atensiyon nila sa 'kin.

"Bakit?" tanong ni Ate Adreinne.

"May nag-aaya na kaibigan ko. Kaya kung gusto niyo lang naman sumama. . ."

"Sasama ako!" sabi ni Reign.

"G lang," sabi naman ni Marri.

"Pass, graduating," taray, napaka-sipag naman ni Monica.

"Game rin ako!" sabi ni Ches.

Tinignan ko si Ate Adreinne para kumpirmahin kung sasama ba siya o hindi.

"Pasensiya na. . . Mayroon kaming importanteng meeting sa Sabado, eh. Babawi nalang ako sa susunod," ngumiti siya na agad kong sinuklian.

"Okay lang 'yon, Ate! Marami pa namang next time,"

After ng usap na 'yon ay kumain nalang kami. Friday na rin naman bukas, kaya sa susunod na araw ang alis namin. Hindi naman sobrang kalayuan, pero byahe parin.

May ipon din naman ako na para sa mga luho ko. Pero hindi ko nagagamit dahil sadyang nag-titipid talaga ako. Para kapag kailangan ko, o may mangailangan sa 'min ay may maitutulong ako.

Isa sa mga natutunan ko bilang independent ay dapat marunong kang mag-tipid, marunong mag-budget, kailangan mo rin na pigilan ang sarili mo sa pag gastos. Mas kakailanganin mo rin ng mahabang pasensya dahil sa mga gastusin at perang pinag hirapan mo.

Mahirap talaga, pero ang sabi ko nga. . . Okay lang na mahirap, basta malaya at masaya ako.

I will never regret this decision. Kasi natuto ako. Natuto ako sa maraming bagay na alam kong malabong mangyari kung nanatili ako sa puder ng mga magulang ko.

Masakit mang isipin na baka wala na akong pamilyang babalikan, okay lang. Mayroon namang pamilyang nabuo kasama ang mga kaibigan ko na mga kapatid ko na. I can’t really imagine myself without them. Feeling ko hindi ko kayang mawalay ako sa kanila.

stelliane followed you.

Napa-tingin naman ako sa bagong nag-follow sa 'kin. Mutual sila ni Marri.

Hindi familiar, pero finollow back ko na dahil baka kaibigan 'to ni Marri.

Mutuals sila, eh. E 'di kami rin.

Dumating ang araw ng sabado at siyempre, excited ako. Bata lang? Hindi, minsan lang din kasi kaming umalis at parang pahinga na rin ito. Kahit mamaya may trabaho pa 'ko.

Okay lang, masaya naman ako.

"Sino pa 'yung isang kasama natin?" tanong ni Reign sa 'kin.

"Ah, kaibigan ko lang," sagot ko.

Narinig kong tumawa si Monica habang nag-aayos papuntang trabaho.

"Kaibigan pa nga," ngisi niya pa kaya tumawa na rin si Reign.

"Nadali ka na naman ba ng babae? Malala ka na," napa-iling siya.

"Ikaw nga sa lalaki nadadali mo, puro naman palpak," sinamaan naman niya ako ng tingin, "I'm sorry. . ." pang-gagaya ko sa sinabi sa kaniya nung ano ba pangalan nung hayop na 'yon.

Nakalimutan ko na. Sayang lang kung mananatili pa siya sa utak ko.

Inambaan tuloy ako ng suntok ni Reign. Tumawa naman si Marri kaya napa-tingin ako sa kaniya. Mas masaya 'to asarin.

"I miss you so damn much. . ." pang gagaya ko ulit. Binatukan niya tuloy ako. Sumimangot nalang ako at inayos ang maikli kong buhok.

Wala namang special sa suot ko dahil simpleng t-shirt at short lang naman 'to. Mainit kasi, pero hindi naman kaiklian ang suot ko 'no!

Napag-usapan namin na mag-kita kita sa terminal kaya naman namasahe pa kami papunta roon. Ang tagal pa nga maligo ni Reign. Palibhasa hindi niya hobby ang maligo, hindi pa yata alam kung paano mag sabon.

My lips parted. Naka-suot siya ng puting polo shirt at black na trouser. Naka-ayos din ang wolf hair cut niya at naka-salamin. Mapula-pula rin ang labi niya. Agad akong napalunok at nag-iwas ng tingin.

Hala ka, eto na naman ako sa pag si-simp sa kaniya.

"Hello!" bati niya ka agad sa 'kin at napa-tingin sa likuran ko kung nasaan sina Marri. Nginitian niya ang mga ito.

"Hello po, Rylee, kaibigan ni Elleah," pag papakilala niya sa mga kaibigan ko. Naubo naman si Reign, si Marri ay pinipigilan ang tawa at si Chesca ay nag-iwas ng tingin.

Hindi naman siguro sila halata 'no? Mga panira ng moment.

"Marri," pangunguna ni Marri.

"R-Reign," na-utal pa si Reign dahil nau-ubo ubo pa siya. 'Di ba? Parang tanga.

"Franchesca,"

After non ay nag-kuwentuhan muna sila. Sumakay na kami sa bus, kaming dalawa ni Rylee ay magka tabi. Samantalang silang tatlo ay nandoon sa pang tatluhang upuan.

Kita ko parin ang pag-ngisi ni Marri at pag-bulong ni Reign kay Ches. Mga gago talaga, oh.

Walang magawa sa buhay.

Umangat naman ang tingin ko sa katabi ko. Napansin naman niya 'yon kaya nag-baba rin siya ng tingin sa 'kin. Nang magtama ang paningin namin ay nanlalaking mata akong nag-iwas ng tingin.

Pucha.

"May problema ba?" ma-ingat niyang tanong.

"H-Huh? Wala naman," iling ko. Ayaw tumigil sa bilis ang pag tibok ng puso ko.

Ano na naman ba 'tong pakiramdam na 'to.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at yakapin ito.

"Sorry, nilalamig ako," ngumisi siya pero hindi niya parin binibitawan ang kamay ko.

Nako, 'yung puso ko. Maawa ka.

《《《《《《《《《》》》》》》》》》

Sa susunodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon