13

111 16 41
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing iyon. Basta alam ko ay nag-goodnight siya bago nag play ng music. Sleep call nga ang nangyari pero nauna siguro siyang nagising kaya binaba niya na. Nakita ko kasing 6 hours ang call namin.

Oh my, Rylee. Ano ba’ng ginagawa mo sa 'kin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Mag-confess kana kasi. Para hindi kana mag-overthink," biglang sabi ni Marri na nasa tabi ko na pala.

"Ano’ng ginagawa mo riyan?" tanong ko. Sumandal siya sa terrace at tumingin sa labas.

"Worth it 'yan, sinasabi ko sa 'yo. Kasi finally, kung mag-confess ka? Malalabas mo na 'yung totoong nararamdaman mo. Hindi 'yung pinipigil mo para lang hindi masira ang friendship niyo," sabi niya bago uminom sa kape niya.

"Bakit? Ganiyan ba ang ginagawa mo?" tanong ko ulit.

Tumawa siya, "Depende. Ako may experience sa ganiyan, eh ikaw? Paano ka niyan kung first time mo lang?" humarap siya sa 'kin, "Hindi lahat ng bagay kinakatakutan, Elleah. Hindi lang sa bagay, pati narin sa pag-ibig. Why don’t you try it? Nandito kami para tulungan ka,"

I smiled, "U-unti untiin ko muna. Kasi baka mas lalo akong masaktan, hindi ko pa kaya masaktan nang sobra. Hindi ko pa kakayanin," umiling ako.

"Alam ko, ikaw na yata ang pinaka-takot sa pag-ibig na kilala ko. Gaga ka kasi, eh. Puro ka happy crush, ayan na-dale ka na naman," napa-iling siya.

Ngumuso ako, "Lahat naman kasi ng happy crush ko olats palagi kaya hindi ako natatakot. Pero ngayon, pucha karma ba 'to?"

"Tanga, sign na 'yan para maging masaya ka. Para piliin mo kung saan ka sasaya," ngumisi siya bago ako layasan sa terrace. Bwisit talaga.

Pero lahat ng sinabi niya may sense. Hindi pa yata ako nag-confess sa buong buhay ko kaya paano? Ano’ng sasabihin ko?

Rylee, crush kita?

Rylee, gusto kita?

Hoy, tanga! Gusto kita?

Puta, para naman akong tanga rito. Pero hindi ko kasi talaga alam kung paano. Paano kung i-reject niya ka-agad ako 'di ba? Aguy mode na naman ako non.

But I'm not expecting anything from her. Basta mag thank you siya! Puwede na 'yun, kaysa sabihin niya na hindi kami talo or hindi kami puwede.

I swear, mas masakit 'yon kaysa masabihan ng thank you.

****

Dumating ang weekend at inaya ko siyang mag-study date. Dahil super busy namin ngayon, ako ay graduating samantalang siya naman ay may isang taon pa.

galvezrylee: San kana?

ivylleah: papunta na. wait lang, ah. tagal ni marri maligo pucha may date ata si gaga, xD

galvezrylee: It’s okay. Let her, haha. Take care :)

Pinag-madali ko na si Marri dahil napaka-tagal niya.

"Saan ka ba pupunta?" tanong ko.

"Kakain lang," umiwas agad siya at dumiretsyo sa kwarto. Ano’ng problema non? Nako.

Naligo na rin ako. Pagtapos nga non ay hindi ko na naabutan si Marri. Ako lang mag-isa rito sa bahay, si Ches at Reign at may trabaho, si Monica ay nasa reviewing center.

Si Marri, ewan ko ron. Hindi na naman nag-sa-sabi. Sana lang ay okay siya.

me:

hi, pasakay na ako. see u !!

my love:

Okay, take care :)

Hindi ko pala napalitan name niya sa contacts ko! Bwisit naman. My love? Talaga ba, Elleah?

Nagkita kami sa isang coffee shop na paborito namin. Mamaya raw ay pumunta kami sa food park after namin mag-aral.

Nakita ko na siya roon sa may table at may naka-serve ng iced coffee doon at cake.

"Hi. You like this diba?" tanong niya.

I smiled when I saw the coffee. My favorite.

I nodded, "Oo, eto 'yung favorite ko!"

"Napansin ko lang na laging ayan ang binibili mo, so ayan ang binili ko," umiwas siya ng tingin.

"Thank you! Magkano 'to ulit?"

Kumunot ang noo niya, "Mukha bang sinisingil kita?"

"Sabi ko nga libre mo," bulong ko.

"Let’s eat first before doing our activities, okay?" she said and I just nodded.

After namin kumain ay nag-labas siya ng mga materials. For plates siguro? Ako naman ang nilabas ko ang laptop ko dahil may research parin kami.

Malapit na nga pala ang ojt namin. Kaya doble-doble na naman ang hirap ko. Pero okay lang, kaya ko na 'to. Last year nalang naman.

Hindi ko lang alam kung matutuloy ako sa law school dahil hindi pa naman ako financially stable. At hindi rin madaling kumuha ng scholarship, masiyadong maatas ang standards nila. Mataas din dapat ang grade na makuha.

Baka hindi ko kayanin 'yung pressure. Bahala na.

"What are you thinking?" bigla niyang tanong sa 'kin.

I smirked, "Ikaw po,"

"Crush mo siguro ako." normal na ani niya. Inirapan ko lang siya.

Bored na bored na tuloy ako dahil tapos na ang research ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba 'tong confession na 'to dahil natatakot ako. At hindi ko alam kung ano’ng mangyayari sa pag-ka-kaibigan namin kapag umamin ako.

Yes, I'm still scared. Pucha, hindi naman ata mawawala 'to sa 'kin.

Hindi ako natatakot sa rejection. Nakakatakot ako para sa pinag-samahan at friendship namin.

Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa food park nang tahimik lang. Malamang, siguro sumakay kami at naglakad?

Bumili kami ng street foods at inumin. Pupunta kami sa may rooftop para doon mag-antay ng sunset. Tumingala ako para makita ang langit.

"Ang ganda, oh," turo ko sa langit habang naka-ngiti.

Napa-tingin naman ako kay Rylee na naka-tingin din sa 'kin, "Ang ganda nga," sabi niya bago umiwas ng tingin.

Sino’ng maganda? 'Yung langit, o ako? Puwede bang both nalang para hindi masakit?

"Eat," sinubuan niya ako nung kikiam na nasa stick.

Ngumiti naman ako bago ko sinubo 'yon. Walang'ya, bakit naging anak na niya 'ko? Char.

"Rylee. . ."

Tumingin siya sa 'kin, "Yeah?"

"What if. . . I like someone right now?" I asked. Nakita kong dumaan ang sakit sa mata niya. Hindi ko alam kung namamalik mata ba 'ko o ano.

"Uh. . . Good for you. At least, someone will make you happy," umiwas siya ng tingin.

"Good for me, huh." umiwas din ako ng tingin.

Paano na ang gagawin ko? Planado na lahat ng sasabihin ko, eh! Bakit hindi ko masabi ngayon?

I sighed, "Rylee, I like you. . ."

《《《《《《《《《》》》》》》》》》

Sa susunodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon