Welcome to ALGERIA, player!
Nang mawala ang mensaheng 'yon sa aking harapan bigla akong napunta sa isang lugar na puro puti at para bang walang kawalan dahil hindi ko makita ang pinaka dulo nito.
Bigla na lamang may isang eleganteng ginintuang salamin ang nagpalutang-lutang sa harapan ko. Turns out we can't change or customized our characters or avatars here. I look exactly the same except for one thing; my red long hair.
'Bug ba 'to?'
I thought our appearances should exactly look the same? Although my facial features are the same but as far as I know hindi pula ang buhok ko.
What shall we call you, dear player?
After mag pop-up ng message na 'yan biglang may isang hologram na lumabas sa aking harapan. Well, since my hair is Red should my name be Red? Pero it's kinda lame parang niliteral ko naman 'tong buhok ko. Scarlett kaya? My name means red but I don't want to use my realname here either. Kumuha ako ng ilang hibla ng aking buhok mula pa sa likod ko at ininspekta ito.
"Aha alam ko na!" Muntik ko pang palakpakan ang sarili ko nang biglang may pumasok na idea sa utak ko. Tinipa ko ang keyboard sa aking harapan at niligay ang napagdesisyonan kong ipangalan dito sa larong 'to.
Welcome Ruby!
My vision started to blurred. Tinakpan ko ang dalawang mata ko nang bigla na lang lumiwanag ang paligid na tila ba tinamaan ng araw ang mata ko. Balak ba nila akong bulagin?
Nang maaninag kong nawala na yung nakakabulag na liwanag dinilat ko agad ang aking mga mata at ginala ang aking paningin. Tumambad saakin ang mga naglalakihang puno. Am I in a middle of a forest?
'Bug nanaman ba 'to?'
Nabasa ko kasi sa instruction kanina sa pinaka unang parte raw ng laro ay mapupunta ang mga players sa tinatawag na Grand Square, mayroong NPC doon na magsisilbing guide at magtuturo sa'yo ng mga kailangan mong malaman sa laro. Sa Grand Square din daw makikita ang isang malaking Cathedral na kung saan nag re-respawn daw ang mga players kapag natatalo or namamatay sa laro. Kaya gano'n na lamang ang pagtataka ko kung baket nandito ako sa gitna ng kagubatan.
'Ano ba naman 'tong larong 'to, lagi akong biktima ng bug at error. Paano naman ako makaka survive nito wala nga akong ideya kung anong gagawin ko.'
Napagdesisyonan kong mag lakad-lakad na lamang kasi wala akong mapapala kakatunganga ro'n. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko biglang nahagip ng dalawa kong mata ang isang medyo malaking kuneho na tumatakbo patungo saakin.
'Takte paano ako makikipag laban dito wala naman akong kahit anong weapon'
Nag-panic na 'ko nang makita ko 'tong patalon na saakin kaya naman no choice ako kung hindi gawing pansangga ang braso't kamay ko. Lumipas ang ilang segundo na wala naman akong nararamdaman na sakit o kung ano sa katawan ko, kaya naman minabuti kong idilat nang marahan ang aking mga mata at alisin ang braso kong pinang takip sa aking mukha.
Pinagmasdan ko lang siyang kinakagat-kagat ang kaliwa kong talampakan. Teka hindi kaya magka rabbies ako sa ginagawa nito?
'Hahahaha katangahan mo nanaman Scarlett nasa loob ka kaya ng laro'Kahit wala naman akong nararamdamang sakit nakikita ko rin pa rin na onti-onting nababawasan ang kulay green na nakapa-loob sa isang hugis parihaba na nakalagay sa ibabaw ng ulo ko. Pero ayon sa observation ko kahit nababawasan 'to maya't maya ay nabalik din ang nabawas, kumabaga nag-reregen ito. Siguro ay dahil itong kunehong ay isang low level monster pa lamang kaya hindi masyadong nagd-deal ng damage.
Sa totoo lang wala naman talaga akong alam at experience sa ganitong klaseng laro. Sadyang halos araw-araw ko lang naririnig sila Shion at Maxine na naguusap about sa mga nilalaro nila, kaya itong mga basics like HP alam ko. Akalain mo 'yon? May silbi rin pala pagiging adik nilang dalawa.
Ipinagsawalang bahala ko nalang siya tutal wala namang nangyayari saakin, tsaka ang cute kasi parang pwedeng gawing alaga kaya nakakapanghinayang patayin. Hindi ko namalayang ilang minuto na rin pala ang lumipas kung hindi ko pa naisip na possibleng may map ako.
"Teka paano ko ba papalabasin 'yon?" sambit ko. "Map?" Wala pa ring lumalabas kaya sinubukan ko ulet magbanggit ng kung ano.
"Open map." pagtapos kong bigkasin ang mga katagang 'yan biglang may isang mapang nagpalutang lutang sa harap ko.
ACASIA FOREST ang nakalagay sa pinaka itaas nito, ayon siguro ang pangalan ng lugar na 'to. Meron ding isang maliit na bilog na pula ang naka ukit dito na sa palagay ko'y palatandaan kung nasaan na ba 'ko.
Napakamot ako ng ulo. Baket ba hindi ko 'to naisip agad? Edi sana kanina pa ako naka alis dito. Nawala sa isip kong may rabbit pala sa paanan ko kaya nung hahakbang na sana ako paalis bigla ko siyang natapakan. May pa special effect pa nang mawala ito, kasabay ng pagkawala niya biglang may notification kunong lumitaw sa harap ko. Agad ko naman itong cnilick.
°————————°————————°
{Skill}
You have acquired {Queen of Lifesteal}
°——{Queen of Lifesteal}——°
Gain lifesteal for every damage you dealt to enemies and monsters. The more damage you dealt the more lifesteal you'll acquire.
°——{Requirments}——°
Kill Gambi the bunny (Rare Monster)
°————————°————————°
°————————°————————°
{Skill}
You have acquired {Regenaration}
°——{Regeneration}——°
Recover 10% of your maximum HP in 10 minutes.
°——{Requirments}——°
Continuously receives attacks from the enemy without damage for an hour.
Or didn't deal damage with a weapon.
°————————°————————°
Kung sineswerte ka nga naman at rare pala yung kunehong kanina pa nangangagat sa paa ko.
{Congratulations player! You have reached level 5}
Mukhang mabilis lang ang pagpapa level dito, isa pa lang napapatay ko tapos aksidente pa pero level 5 na kaagad. Aalis na sana ako nang biglang pumutok na parang fireworks sa taas. Tumingala ako at binasa ang mensaheng nasa kalangitan.
{The rare monster Gambi has been slayed by Ruby}
Ako 'yon ah? Teka. . . need ba talagang ibroadcast at ipaglandakan 'yon? Paano na plano kong magpaka lowkey?!
BINABASA MO ANG
Algeria Online
Teen FictionScarlett doesn't have time or interest in playing online games. Not until she was lured into playing Algeria Online, a virtual reality game, by her friend Shion. Will her perspective towards game change? Perhaps games aren't as horrible as she had i...