Earth: Year 2082
Bahagya kong kinunot ang aking noo habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong tila hindi maaligaga sa kanilang kinauupuan. Everyone seems to be preoccupied.
Habang nakapangalumbaba ginamit ko ang isa ko pang kamay upang hawiin ang desk saakin harapan. Agad namang nawala ngunit bumalik din ang holographic screen sa aking harapan.
"I guess everyone is thrilled with anticipation for the launch," nakangiting pahayag ng aming professor na si Mrs. Dela Cruz.
"Class dismissed. Enjoy your weekend students." Nakita ko ang tuwa sa mga mukha nilang lahat. Yung iba ay humiyaw pa at nag uunahan lumabas sa room. Bumaling ako sa hologram clock na nakalagay sa isang transparent digital box, it's only four o'clock in the afternoon. Pauwi na kami ngayon kahit alas kwatro pa lang ng hapon and I know the reason why.
"Uy, kita tayo Grand Square mamaya."
"Sure, same IGN pa rin ako."
Napailing na lang ako sa mga naririnig kong bulungan habang naglalakad sa corridor. Lahat ng makakasalubong at madadaanan ko ay iisa lang ang topic, at ayon ay walang iba kundi ang Algeria Online, ang larong i-l-launch ngayon at exactly five o'clock in the afternoon.
Nahagip ng mata ko sila Shion na nasa gate, kumakaway sila sa akin, naglakad agad ako patungo sakanilang dalawa.
"Tapos na klase niyo?" bungad na tanong ni Shion nang makarating ako sa kinatatayuan nila.
Tumango ako. "Oo, maaga nga kaming dinismissed e."
"Same," Kumindat siya. "Excited na talaga ako mamaya!" I stared at her blankly. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang interest ng mga tao sa launching. Sure it's the most anticipated game for the past three years, pero for only a game people cut off classes? Seriously? Ano bang meron sa larong 'yan?
"I don't really get the commotion over such a simple game," I said, immediately regretting my remark when Shion's expression became upset.
"Simple game?!" hindi makapaniwalang tanong ni shion. Mahahalata mo ang pagka dissapointed sa kanyang boses. "This is the most anticipated game of the century! I'm certain that it will surpass Quest of Alarkna records for sure! Have you seen the trailers? The overall design of the game is amazing! " When she saw that I'm clearly not interested, she stopped fangirling and said, "Alam mo you're such a K.J."
"Just give it a try Scarlett it's fun," Maxine said while grinning at me.
"Perhaps for you, but I'd rather read," I responded. "At isa pa wala akong pera, bababa lang mga grades ko diyan." Umismid sa akin si Shion at Max na parang disagree sila sa sinabi ko. They turned and looked at me as if I were something strange, like an alien to be exact.
"Bababa? You shouldn't push yourself too much, uso mag-enjoy paminsan-minsan. Hindi nga bumababa sa Dos ang grades mo e. Hindi tulad ko, tres is life." Tinaas-baba niya pa ang kanyang kilay na para bang pinagmamalaki pa niya na pasang-awa parati ang nakukuha niyang grado.
"Well, inorderan na kita and I'm sure darating na 'yon later." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Shion na parang sobrang proud pa sakanyang ginawa.
"What?!"
"Yep, kaya wala kang kawala. Wag mo sayangin ang ginastos at effort ko ro'n. Alam mo bang sobrang hirap makakuha no'n? Kung hindi dahil sa connections ni daddy kailangan ko pang pumila nang mahaba sa mall."
Napangiwi na lang ako. Anong effort at gastos pinagsasabi nito? Si tito Oliver naman pala ang gumastos at bumili nito pero kung maka gaslight sa akin grabehan. Kala mo naman may naiambag siya kahit katiting na effort sa pagbili no'n.
Porke alam niyang masinop ako sa pera. Talagang nakakapanghinayang kung itatabi lang 'yon at hindi gagamitin. Nakakalula ang presyo niya, that game is worth 50k Pesos. Hindi ko naman pwedeng ibenta 'yon dahil for sure magtatampo 'tong si Shion and hindi ko naman pera ang ginastos doon kaya feeling ko I have no right to sell it.
I sighed. "You're unbelievable."
Nginisihan niya lang ako at tinignan na may expression na para bang nagsasabi ng "I know right".
'Spoiled brat'
I thought habang nailing-iling. Kumunot ang noo ko nang makitang abala si Max sa kanyang cellphone na para bang may kinakalkal.
"Ano bang kinakalkal mo d'yan?" tanong ko.
'Di ko na napigilang lumapit sakanya out of curiosity. Sumunod naman si Shion. Sabay naming sinilip ang cellphone niya and I saw a familiar app. The tweets poured through the timeline at lightning speed, like bullets. Hindi ko na sila mabasa sa sobrang dami. Naka-awang ang bibig ko habang nakikibasa sa cp ni Max.
'Hanggang social media gano'n pa rin ang topic nila? Ang pinagtataka ko need ba talagang paghandaan pa yung ganyang klaseng laro?'
Wala akong ma-gets sa mga topic nila about games. All I know about Algeria Online is that isa itong virtual reality na mmorpg, pero aside from that wala na. I don't know how to play it or even know what kind of game it is.
"Mauna na ako. Feeling ko sasabog na utak ko sa mga pinagsasabi niyo." paalam ko na tinawanan lang nila.
Napangiti ako nang may maamoy akong mabangong aroma. I run happily towards it and saw my tita Amelia standing in front of the stove, preparing something delicious.
"Mukhang masarap 'yan ha," puri ko.
Ngumiti siya saakin sabay sabing, "Magbihis ka muna tapos kakain na tayo."
"Ba't parang medyo napa aga ka ata ng luto 'ta?" Mag-aalasingko pa lang kasi ngayon kaya nagtataka ako baket mukhang maaga ang dinner namin ngayon.
"Aalis kasi ako may importanteng pupuntahan lang." paliwanag nito.
Pumasok na ako sa kwarto para magbihis at ayos. Sa kalagitnaan ng pagligo ko biglang sumigaw si tita.
"Lev! May inorder ka ba?! Delivery daw!" narinig kong sigaw ni tita sa labas ng banyo.
"Huh? Delivery?" mahinang bulong ko sa aking sarili. Bigla kong naaalala na inorderan nga pala ako ni Shion. Yung babaeng 'yon talaga napaka hard-headed.
"Opo, ayan ata yung inorder ni Shion para saakin. Paki kuha nalang po at lagay sa kama ko." sigaw ko pabalik.
"Okay! Nga pala kailangan ko nang umalis. Hindi na kita masasabayan kumain, nandoon sa lamesa yung pagkain kumuha ka nalang at initin mo pag nagutom ka."
Nagbabad muna ako sa loob ng banyo mga twenty minutes bago ako tuluyang lumabas. Nang lumabas ako bumungad sa akin ang isang puting box na nakapatong sa kama ko.
Nagbihis muna ko't nagpatuyo bago binasa ang instruction na nakalagay sa box. It appears that all you have to do is put on the gear tapos i-li-link mo siya sa personal account mo. Since it's almost five o'clock naman na i-t-try ko lang siya.
Bumuntong hininga ako nang malalim. Wala namang mangyayari if susubukan ko diba? Pangungumbinsi ko saakin sarili.
Humiga at inayos ko muna ang sarili ko sa pinaka comfortable na posisyon as much as possible bago isuot ang headgear.
I was immediately transported to a dark environment. Bigla ring may nag pop-up na message sa harapan ko.
Identity Verification Successful
Loading Completed. . .
Login Completed: 17:01:00
As the text faded away, it was replaced by a four-word message. These four words were the last thing I saw before leaving the reality and entering the virtual one:
Welcome to ALGERIA, player!
BINABASA MO ANG
Algeria Online
Novela JuvenilScarlett doesn't have time or interest in playing online games. Not until she was lured into playing Algeria Online, a virtual reality game, by her friend Shion. Will her perspective towards game change? Perhaps games aren't as horrible as she had i...