****
Ian PoV *
Marahas kung pinunasan ang aking pawis na tumutulo na. Tama lang ang dating nya kailangan kasi nya tumungo sa Dean office kakausapin daw ako ng Dean.
Pag pasok ko sa gate kung saan ako dati dumaan ng mag eksam ako, may mangilan-ngilan akong kasabay na studyante. Ngunit ng tuluyan ng makapasok hindi ko Alam kung feeling ko lang ba na pinagtitinginan ako. Diko na lang pinansin natatakpan man ang mukha ko ng hoodie ko kaya tuloy-tuloy lang ako, hindi ko talaga maiwasang humanga sa paaralan.
Blair Thompson school's uniform are famous for their sophisticated look.kahit na sinong studyanteng magsusuot nito ay mag mumukhang galing sa isang mayamang pamilya. Isa itong jacket na kulay itim at sa ilalim nito ay long sleeve na kulay puti na mayrun kulay asul na laso, at pinarisan naman ito ng Maiksing palda na hindi aabut sa tuhod ito na kulay kahel na pinarisan ng itim na medyas na abut tuhod at kulay itim na sapatos, sa lalaki naman pants at kurbata lang ang naiiba pero pareho lang ng kulay.
Bago ako pumasok sa gusali luminga-linga muna ako pakiramdam ko kasi may sumusunod sa akin. Pero pinagsawalang bahala ko na lang at tumuloy na ako sa opisina.
Nang makarating na ako, agad akong kumatok hindi rin naman nag tagal ng marinig ko may nag Salita sa loob ng "come in' pag pasok ko bumungad sa akin si Miss Patty na naka ngiti kasama nito ang isang magandang babae na siguro nasa bente pataas ang edad.
Matapos kung bumati sa kanila pinaupo ako sa tapat ng table ng Dean, ang magandang babae pala ang Dean. Malaki ang opisina may dalawang maliit na table ito na ang isa ay pwesto ni Miss Patty at ang isa ay kay Miss Taylor. Sa gitna ng silid ay may mahabang lamesa at may di tataas sa sampung upuan dito. Sa gilid ng silid ay may mahahabang upuan din.
Nag-usap kami tungkol sa aking pagiging iskolar , nalaman ko na ako lang pala ang iskolar nila. Ang sabi nya wala akong babayaran, Libre lahat pati na uniform at mga gamit sa school katulad ng mga libro at notebook na nakalaan talaga sa mga studyante doon. Ngunit may kapalit ito kailangan nyang panatiliin na mataas ang grado nya,.
Kailangan ko din Sumali sa lahat ng club na kaya ko, para makagamit ako ng school lab at school library saka ng gym,. "Saan ba ako magaling?" Tanong ko sa sarili ko, matapos akong mag pasalamat nag paalam na rin ako,next week daw Ibibigay ang uniform at gamit ko.
Paglabas ko ng opisina ng bigla na lang may bumangga sa akin, agad ko naman itong hinapit sa beywang nito upang di sya bumagsak at napahawak naman ang dalawang kamay nito sa leeg ko habang nanlalaki ang mga mata nito.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya habang inaayus ang tayo namin dalawa saka ko binitawan ang kanyang baywang. Nahihiyang tumango naman ito kaya Iniwanan na lang nya ito upang magtungo sa restroom.
Palabas pa lang ako sa restroom ay narinig ko na tumunog ang bell, kaya nag mamadaling kinuha ko ang aking student map na binibigay sa mga bago. Ngunit saktong Daan ko sa opisina ng dean lumabas si Miss Patty doon at hahanapin daw Sana nya ako.
Inabut nya sa akin ang papel ko na ibibigay sa magiging adviser ko, agad akong nagpaalam dito at tinungo na ang ikatlong palapag kung saan ang floor ng mga third year.
****SHORT CHAPTERS *****
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...