8 6
Hiya
Isang mahinang kurot na naman sa tagiliran ang natamo ko kay Athena. At kanina pa ako iwas nang iwas. Babaitang 'to talaga.
"Ayaw tumigil nito," sabi ko habang inaayos ang mga gamot na dala ni Al dito. 'Yung medical tools ay naidala na raw sa storage room.
Pumaling tuloy ang tingin ko sa kay Al na ngayo'y kinakausap ang head nitong clinic kasama ang mga staff nurses. Apparently, he sensed that I was staring at him. Nagtaas siya ng parehong kilay sa akin, napangiti lang ako at umiling. Nagbaba na ulit ako ng tingin sa mga gamot.
Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ito!
Sure, maybe his real intention of being here is to donate medical supplies.
But it also seemed to me that perhaps, he mainly went here for me.
Ay ang kapal ng mukha, Hyacinth?!
Pero hindi naman malabong 'yun nga ang reason. Sa isip-isip ko, napapa-flips hair na ako.
"Jowa mo talaga?" si Athena na ayaw pa rin i-let go ang tanong na 'yun. Hindi ko kasi sinasagot e.
Inabot ko sa kaniya ang stocks ng Losartan para mailagay niya sa isang small box. Nginisian ko siya.
"Asawa ko 'yan, beh."
Isang kurot na naman ang natanggap ko. Bi-bingo na talaga 'to.
Pagabi na rin at tapos na naman ang duty ko. Pagkauwi kasi galing on-ground practice, ibig sabihin no'n ay tapos na rin ang trabaho ko. Kapag naman sa clinic lang ako naatasan magduty, depende sa ibibigay na schedule kung aabutin ako ng gabi.
Kanina pa kami naga-arrange ng mga gamot para ilagay ang iba sa storage room, ang iba ay dadalhin namin bukas, ang iba naman ay ipapadala sa mga sitio. Hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos ni Al dahil busy rin siyang kausapin ang head nitong clinic.
So after namin maihatid ni Athena at ng isa pang student nurse ang mga gamot sa storage room, nagsabay-sabay na kami ng labas. Panay pa ang asar sa akin ni Athena bago ako lubayan at mauna na sa tinutuluyan namin. Parang sira e, tinaboy ko na tuloy.
Ngayon, mag-isa na lang akong naghihintay kay Al dito sa tapat lang ng clinic. Napahigpit ang kapit ko sa mga braso ko habang nakahalukipkip, at kahit nakapagpalit na rin naman ako ng fitted long sleeves, ramdam ko pa rin na lumalamig na nga ang hangin. Ayos lang, gusto ko 'yung ganitong lebel ng lamig.
Kung mapasobra man ang lamig, ang mahalaga may yayakap na sa akin ngayon.
My head snapped towards the clinic's entrance. Lumabas si Al doon kaya napaayos ako ng tayo. Nakasabit ang jacket niya sa isang braso. Medyo kunot ang noo niya habang may hinahanap ang mga mata pero nang nakita ako, umaliwalas ang mukha niya at nagbabadya na namang magpakita ang magkabilang dimple.
Ang plano ko ay maggalit-galitan, pero mukhang mission failed na agad dahil first of all, naaamoy ko na agad 'yung pabango niya at nanghihina na naman ako. Second of all, inatake na naman ako ng karupukan pagdating sa dimple niya. Lastly, sobrang miss na miss ko na talaga siya. Uunahin ko pa bang mag-inarte?
Al was about to spread his arms for a hug as he slowly walked towards me, but I immediately ate our distance and threw myself against his chest. His strong arms wrapped around me. Ang liit ko, para lang akong balahibong niyayakap niya.
BINABASA MO ANG
Among the Flower Fields
RomancePetals began looking a hue darker every time she sees him. Hyacinth's job as a student nurse is to assist patients and follow orders from superiors, not to roll her eyes every chance she gets to see their resident doctor, Dr. Altheron Santimera. Bu...