Azulan POVNakasakay kami ngayon ni Clifford sa hindi ko alam kung ano ang tawag pero napakabilis ng pag-andar nito at mabango ang amoy
"Hey what are you- anong iniisip mo?" Tanong ni Clifford habang nakatingin sa akin, agad naman akong umiling at umiwas ng tingin "wala naman"
"Galit ka?"
Oo galit ako pero bakit ba?wala naman akong karapatan kahit ganoon nga ang aking nararamdaman saka ako ang unang nagsabi na layuan niya ako
"Hindi ako galit, bakit naman ako magagalit" saad ko ng hindi nakatingin sa kanya. Bigla na lamang humawak sa aking baba (chin mga beh baka ibang baba maisip niyo hehehe) at pagkatapos ay hinarap ako sa kanya. Ramdam ko ang pag init ng akong mukha dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa
"Alam kong may problema, ano yon?may nagawa ba akong mali?" Malambing na tanong nito na kaiba kapag kausap niya sina Jasper
"Bakit humihingi ka ng paumanhin?hindi ba't sinabi ko na huwag mo ng tangkain pang mapalapit sa akin, sinunod mo na ito, iniwasan mo na ako hindi ba? Kaya't anong nangyari ngayon at lumalapit ka na naman sa akin?" Mas lumapit ang mukha nito sa akin matapos kong sabihin ang mga katagang iyon sabay halik sa aking noo
"Iniwasan kita dahil alam kong may mali ako, inisip ko na baka ayaw mo pa akong makita pero hindi ibig sabihin non ay sinusukuan na kita, tandaan mo to akin ka at kahit saan ka pa magtago ay mahahanap kita" kasabay ng pagtapos sa linya ng kaniyang sinabi ay ang paglapat ng kaniyang labi sakin, sandali lang iyon at agad din naman yang tinanggal
"I'm sorry"
Magsasalita na dapat ako ng biglang sumigaw si Jasper "Andito na tayo mga boss ma'am enjoy sa date kiligin sana kayo forever"
Hinila na ako ni Clifford palabas ngunit bago kami makapasok ay biglang may tumunog sa aking palagay ay cellphone din ito gaya ng kay kuya Jeff, kita ko ang gulat sa mukha niya noong tumingin sa cellphone
"Diyan ka muna sasagutin ko lang to" pagkatapos ay agad siyang umalis
Habang naghihintay ay biglang may kumalabit sa akin pagtingin ko ay isa itong matandang babae, nakatingin ito sa aking dibdib na tila may nakikitang kakaiba
"Ah bakit po?ano ang inyong kailangan?" Tanong ko sa matanda ngunit wala itong sagot at nanatiling nakatingin lamang sa akin
Pagkalipas ng ilang sandali ay magsalita ito "Ang ninanais ng iyong puso ay siyang sinunod ng bato, ang dahilan kung bakit ka naririto, mag ingat ka mahal na prinsesa hindi magiging mabait ang mundong ito para sa iyo"
"Sino po kayo?paano niyo po nalamang isa akong prinsesa?paano niyo po nalaman ang tungkol sa bato" bago pa ulit ako makapagtanong ay biglang naglaho ang matanda matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Ano ang ibig niyang sabihin?alam niyang isa akong prinsesa, alam niya din ang bato kung ganoon ay maaaring alam niya ang daan pabalik sa kaharian
"Sandali lang po may itatanong lang ako Lola asan kana" sigaw ko habang nililibot ang lugar na maaari niyang dinaanan. Kailangan kong malaman kung bakit siya may alam baka sakaling matulungan niya ako sa aking pagbalik sa aming kaharian
'kung babalik ka ay tiyak na hindi mo na makakapiling si Clifford'
Sa naisip kong iyon ay bigla akong napatigil sa paghahanap sa matanda, ayos lamang ba iyon sa akin?hindi ko na siya makikita pagkatapos kong makauwi, mawawala na ang Clifford na magpapagaan ng aking kalooban, ang Clifford na palagi akong ginagalit ngunit palagi ring nagpapahayag ng kanyang pagtingin sa akin, ang Clifford na naging protekta ko laban sa masasamang mortal gaya kanina. Habang nasa malalim akong pag iisip ay may biglang humawak sa aking mga balikat noong nilingon ko ito ay bumungad sa akin ang kulay asul na mga mata, ang Clifford ko
Nilipat niya ang kanyang kamay sa aking mukha "Are you- ok kalang ba?bakit ka malungkot?" Sabay haplos sa aking buhok, nginitian ko lamang siya sabay tanggal ng kanyang kamay
"Ayos lamang ako at ipaaalala ko lamang sayo na hindi tayo maayos kaya't huwag mo akong mahaplos haplos" tila pagalit kong saad ngunit ang totoo ang tila may nagwawala sa aking tiyan na hindi ko alam, tila may nagliliparan
"Kung makakalusot lang naman" mahinang saad nito na hindi ko naman naunawan
"Ano ang iyong sinabi?" Kunot noo long tanong, agad naman itong umiling
"Let's go pumasok na tayo sa loob para kumain"
Matapos naming kumain ay gumala kami sa isang malaking palasyo na madaming bagay ang binebenta ang sabi sakin ni Clifford ay mall daw ito. Binili niya ako ng kung ano ano karamihan ay hindi ko naman alam kung paano gamitin.
"Here" sabay abot sa akin ng hindi ko alam kung anong pagkain
"Pizza, pizza ang tawag diyan masarap yan" agad ko naman itong tinanggap at kinain, tunay ngang napakasarap
"Masarap ngayon lamang ako nakakain ng ganito wala kasi sa aming lugar" nakangiting saad ko sa kanya
"May mas masarap pa diyan" napatingin naman ako sa sinabi niya
"Ano?"
"Me" bulong nito na hindi ko nadinig
"Hindi ko nadinig ang iyong tinuran maari mo bang ulitin?" Kunot noo kong tanong
Kita ko ang pag iling nito sabay harap sa akin "Milktea" sagot niya "masarap din ang milktea"
Matapos ng paggagala namin ay inuwi na niya ako sa aming tahanan, nais pa ngang sa tahanan niya ako matulog ngunit ayoko dahil ayoko
"Pasok kana sa loob huwag kang pupunta sa ibang lugar ng hindi ko alam" strikrong saad nito dinaig pa si amang hari
"Opo ama" sabay yuko ng ulo at takbo palayo
"I'm not your dad but I can be the dad of your future children" malakas na sabi nito ngunit hindi ko na pinansin sapagkat hindi ko din naman maunawaan
Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko si Janna na may hawak na kahoy hindi ko alam kung para saan, mukha din itong mangangain ng tao
"Ikaw Azulan sumama ka sa lalaki at bumalik ng ganitong oras anong ginawa niyo ha?sinuko mo naba ang brelyante ng encantadia?" Bungad na sigaw ni Janna sa akin. Anong brelyante?wala naman akong ganoon hindi ko nadala nasa aming kaharian
"Janna wala naman akong brelyante at tsaka kung mayroon man ay hindi iyon kukunin ni Clifford sapagkat mayaman naman siya, kumain lang kami at gumala" nakangusong saad ko, biglang tinampal ni janna ang kanyang noo at mukhang nahihirapan ang ekspresyon
"Ewan ko sayong bata ka ang hirap mong intindihin basta sa susunod uwi kana ng tamang oras nag alala ako sayo akala ko napano kana madami pa namang kaawa- ah wala sige na matulog kana" binitawan na ni Janna ang kahoy at pumasok na sa kwarto. Nagpalit lamang ako ng kasuotan at agad na ding sumunod
********************************
Enjoy reading 😙
![](https://img.wattpad.com/cover/305833960-288-k398475.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mafia's Mermaid
FantasyA princess of the sea who accidentally become human, because of her stupidity about her new world she has business to deal with the most dangerous mafia boss. As feelings continue to grow choosing will be harder, will she stay in her new world or w...