Kabanata 16

759 23 0
                                    


Katanghaliang tapat ngayon narito kami ni Janna sa Hardin at kumakain. Tunay ngang napakasarap ng pagkain ng mga tao maliban na lamang sa mga lamang dagat sumasama talaga ang aking loob pag nakikita ko iyon.

"Bebe sahod natin sa susunod na linggo ah saan mo gusto pumunta?gala tayo" saad ni Janna habang punong puno ang bibig ng pagkain

"Janna hindi ba't sinabi na ni Kuya Jeff na hindi ka dapat nagsasalita pag puno ang iyong bibig?" Paalala ko dito

"Eehh wala naman siya dito kaya di niya malalaman"parang batang sabi ni Janna, para talaga siyang bata hayyy Janna Janna buti nalang maganda ka

"Azulan kasi saan tayo pupunta?" Muling tanong nito

"Wala naman akong alam na lugar dito kung hindi ang mall yon pa lamang ang aking nararating" maganda naman kasi talaga doon madami pa ang tinda iyon nga lamang napakalaki ng halagang kailangan pag ikaw ay bumili

"Ok sa mall tayo yiieeee happy time happy time wala dapat asungot at Panira tayo lang dapat dalawa" tuwang tuwa si Janna habang patuloy na kinukwento ang mga bagay na gagawin namin, napaka masiyahin talaga niya salamat ng marami at isa siya sa dahilan kung bakit hindi ako nalulungkot sa mundong ito

Habang masaya kaming nagkukwentuhan ay biglang may naramdaman akong mga bisig na pumulupot sa aking bewang ganoon at ang malambot na dumampi sa aking pisngi. Hindi ko pa nakikita ang mukha ngunit base sa tibok ng aking puso ay kilala ko na agad ito

"How's your day?" Tanong ni Clifford habang patuloy parin sa paghalik sa aking pisngi, bastos talaga😑 Hindi naman ako makasagot sapagkat hindi ko ito naunawaan, sa susunod talaga papaturo na ako kina Janna ng maraming salitang ginagamit pa nila

"Kumusta ang araw mo?Love?" Muli nitong tanong

"Ayos lang naman ang araw ko sumama lang nong nakita kita" nakasimangot kong sabi, paano ba naman dinaig ko pa ang may kadikit na kakambal kung makalingkis siya sa akin, parang bata na ayaw maiwan ng ina, anak ko ba siya?

Sa halip na mainis ay tumawa lang ito "you're really my Energizer love" mas lalo akong napasimangot sapagkat hindi ko na naman ito naunawaan

"Respeto naman sa mga single na gaya ko guys respeto naman walang inggitan, walang pahilian walang personalan kung maglalandian wag sa aking harapan"

"Tss let's go love doon tayo sa kwarto may regalo ako sayo galing sa pinuntahan ko I'm sure you will like it" hinila na ako ni Clifford papunta sa kung saan mang kwarto ang kanyang sinasabi

"Siguraduhin mong regalo yan Boss ha Hindi na ako natutuwa sayo kung saan saan mo hinihila bff ko nakuuu malilintikan ka sakin pag ibang regalo yan" dinig ko pang sigaw ni Janna bago kami tuluyang makalayo

"You're friend is really crazy" saad ni Clifford na Hindi ko naman naintindihan ulit😭

Nakarating kami sa isang silid na may kulay itim na pintuan, pagkabukas nito ay agad tumambad sa akin ang mga kagamitan na itim at puti lamang ang kulay, ang lungkot naman ng silid na ito walang ibang kulay

"Sit in th- umupo ka muna sa kama kukunin ko lang ang dala ko para sayo" lumakad ito patungko sa malaking lalagyan at doon kinuha ang isang kahon pagkatapos ay muling lumapit sa akin

"Here para sayo" binigay nito sa akin ang kahon

Namangha ako ng makita ang nasa loob nito, isang kwintas na yari sa perlas, napakaganda ng disenyo gustong gusto ko ito

"Ang ganda"

"Ikaw talaga ang naalala ko nong nakita ko yan well nothing's new with that I always remember you with everything" pabulong lamang ang pahuli nitong sinabi kaya't hindi ko naunawaan, simula nong dumating ako sa mundo na ito mas madami pa ata ang mga bagay na hindi ko naunawaan kumpara sa mga bagay na naunawaan ko

"Ano iyon?" Tanong ko rito

"Wala" kinuha nito sa akin ang kwintas "I'll wear it to you" pinatalikod ako nito at sinuot na nga ang kwintas na kanyang niregalo

"It suits you well" nakangiti nitong saad habang nakatitig sa akin

"Maraming salamat Clifford malaki talaga ang pagkagusto ko sa mga perlas noong nasa amin ay madami akong ganito bigay ni ama at ng aking mga kapatid" hangad ko na balang araw ay makasama ko ang aking pamilya muli ng wala akong kinakailangang bitawan

"Anything for you, kahit ano basta masaya ka" unti-unting lumapit ang mukha ni Clifford sa akin matapos sabihin ang mga katagang iyon hanggang sa naramdaman ko na lamang ang paglapat ng kaniyang mga labi wala naman akong nagawa kung hindi ang tumugon

"Huuyyy sinasabi ko na nga ba ibang regalo ang ibibigay mo eh, regalo atang bubukol sa tiyan ng siyam na buwan buti nalang pumasok ako dito hindi porket boto kami sayo aabuso kana ha nakuuu Boss yang mga galawan mo talaga" pasigaw na sabi ni Janna habang nakapamewang pa sa harap namin

Hindi ito pinansin ni Clifford at yumakap lamang sa akin "she should be thankful that you're her family" saad nito sabay siksik ng mukha sa aking leeg

"Aba aba itong lalaking ito Azulan tara na sa baba baka-"

"Ikaw talagang manok ka ang ingay mo dinig sa baba" naiiritang sabi ng kadarating lamang na si Gio, sinamaan naman ito ng tingin ni Janna

"Pake mo ba?angal ka? palibhasa ang pangit ng boses mo kaya wala kang karapatang sumigaw" sigaw ni Janna pabalik sabay ikot ng mata, ang tapang talaga ni Janna

"Gio take her away we need peace" sabi nitong aking katabi na ayaw talagang umalis sa aking leeg, gusto naba niya rito tumira?

"Yes boss" saad naman ni Gio, teka ano ba ang kanilang pinag uusapan?ang hirap talaga kapag mangmang sa lugar na kinaroroonan

"Anong take her away isasama ko si- waaaahhhhh put me down ibaba mo ako bastos ka" paulit-ulit na sigaw ni Janna kahit ako ay nagulat paano ba naman ay bigla na lamang siyang kinarga ni Gio

"Bastos ka Gio g*go ka ibaba mo ako" dinig ko parin ang sigaw ni Janna kahit malayo na sila ang lakas Talaga ng boses niya tunay ngang nakakarindi

"Clifford anong gagawin niya kay Janna?ayos lamang ba siya?" Nag aalalang tanong ko sapagkat wala naman akong naiintindihan sa pinag usapan nila malay ko ba kung akong sinabi o inutos niya kay Gio

"Give her baby I guess?"

"Ano?maaari mo ba akong sagutin sa salitang mauunawaan ko?si Janna ay para ko ng kapatid kaya nag aalala ako" kailangan kong malaman ang gagawin ni Gio sa kanya ayoko siyang mapahamak, pamilya ko siya

Tumawa ito, ang sarap pakinggan non lalo pat napakalapit niya sa aking tenga, muli kong naramdaman ang pagwawala ng kung ano sa aking tiyan, tila may nagliliparan dito

"Huwag kang mag alala love ligtas siya kay Gio so for now let's rest dapat nasa tabi kita dahil ikaw ang pahinga ko" hinila ako nito pahiga pagkatapos ay niyakap, hindi pa kami nagtatagal sa higaan ay narinig ko na ang kanyang mga hilik, siguro ay pagod na pagod talaga siya

Hindi naman ako nakatulog sapagkat nakatitig lamang ako sa kanyang mukha, napakakisig talaga niya. Sa mga oras na ito ay damang dama ko ang napakabilis na tibok ng aking puso tila nais na nitong kumawala sa aking dibdib

"Napakalalim ng kinalalagyan ko ngayon palagay ko ay hindi na ako makakaahon pa"


******************************
Enjoy reading 🥰 kindly follow me po 🤗

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon