In Another Life

4 0 0
                                    

EIGHTEEN year old palang naka-tali na sa isang twenty-four years old na lalaki ang buhay ko. At dahil sa kahilingan ng pumanaw kong lolo ay kailangan ko syang pakasalan. Legal kaming kinasal at mag-kasama kami sa isang bubong, hindi lang sa bahay kami nag-kikita dahil kahit sa school ay araw-araw ko syang kasama.

Ang akala ko ay mag-babago ang lahat kapag nalaman ng school na kasal na ako pero nag-kamali ako. Madami sa kanila ay hindi makapaniwala dahil para nga naman iyong child abuse pero dahil nga nasa legal na edad na sya ng ikasal ay unti-unti din nila iyon na tanggap at minsan pa nga ay nagpapa-kwento pa ang mga ito na hindi nya naman tina-tanggihan at kasama pa sa tanong nila kung may nangyayari na ba sa kanila ng guro o ng asawa nya.

Ang kasunduan lamang nila ng lalaki ay sa papel lang sila kasal pero ang mga nararamdaman nila at ay hindi magiging tugma sa ninanais ng lolo nya.

Mahal nya ang lalaki sa paraan na nakilala nya ito at iyon ay kung saan kuya nya ito at kaibigan.

"Hindi ka pa natutulog?" napalingon sya sa pinto mula sa table study table nya.

Doon ay naka-sandal sa pinto ang bagong ligo na lalaki na medyo may katangkaran at may tumutulo pa sa buhok nito na tubig at naka-pulupot sa leeg nito ang towel.

"Weekend naman bukas kaya pwedeng bukas mo na gawin yan" dagdag pa nito at unti-unting lumapit sa kanya.

"Kahit pa, kulang ang weekend para matapos ko ito, minsan ko nalang din ito maituloy dahil busy ako sa school" ang tinutukoy nya ay ang ginagawa nyang story since fifteen years old pa sya. Gusto nya itong i-published ng sarili nya lang.

"A  starrynight above Us" basa nito sa title na nakasulat sa frontpage kung nasan naka tupi ang ika-apat na notebook na nagamit nya sa story nya.

Ang istorya ay tungkol sa isang babae na hindi naniniwala sa isang happy ending not until may nakilala syang bata na ulila sa ina ngunit busog sa pagmamahal ng ama. Inakala nito na normal lang na mahulog ang loob nya sa ama ng bata pero hindi pala dahil mahal na nya ito simula ng makilala nya ito at ang kabutihan nito.

Pero sa hindi nya inaasahan na sa pagmamahal nya dito ay madaming hahadlang dahil sa anak nito na dahilan at naging tulay upang makilala nya ito.

At hindi lang iyon dahil may boyfriend na sya at nakatakda silang ikasal sa nalalapit na panahon.

Gusto nyang umurong sa kasal ngunit masasaktan nya naman  ang kasintahan nya. Ngunit kung hinsi nya naman iyon gagawin ay habang buhay syang may pagsisisihan at dadalhin nya pati na ang kalungkutan.

Hindi related sa kahit anong ganap sa buhay ko ang istorya na ito. Naiinspired lang ako dahil sa mga napapanood ko.

"Sasamahan nalang kita" kumuha ito ng upuan tyaka tumabi sa kanya at pinatong ang ulo nito sa lamesa tyaka syang tutunawin sa titig nito. "Kung hindi nya siguro hiniling na mag-pakasal tayo baka lagi akong wala dito sa bahay" nilingon nya ito saglit bago ibalik sa pag-susulat ang paningin.

"Pasensya ka na kung nadamay ka pa" yun lang ang sagot nya.

"Pero mas gusto ko yung hiniling nya kaysa sa iba ka pa kinasal baka nag-pakamatay nalang ako" napatigil sya sa pagsusulat at tumitig dito.

"Bakit naman?" tanong nya.

"Hindi ko magugustuhan kung sa iba ka kinasal dahil alam ko na bata palang ay para sakin ka na" saad nito.

At nasisiguro nya din na lahat ng nasasabi nito ay para lang maging panatag at kumportable sya sa lalaki pero alam nya na mas magiging masaya ito kapag nakakapag-saya kasama ang mga kaibigan.

Nagbago ang ikot ng buhay ng lalaki ng maikasal sa kanya. Dati-rati ay uuwi ito ng malalim na sa gabi at lasing dahil kasama buong gabi ang mga kaibigan. Dati-rati ay gusto nito na iba't-ibang babae ang kasama at nag-eenjoy sa kung papaano nya gustong maging masaya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Another LifeWhere stories live. Discover now