"Tulong! Tulungan niyo ako," sigaw ng isang babae na pinagtutulungan ng limang lalaki.
Pilit na tinatanggal ng mga ito ang suot niyang damit.
"Hu–huwag po. Pakiusap. Maawa po kayo sa akin," pagmamakaawa ng babae.
Ang dalawa niyang kamay ay mahigpit na nakayakap sa dalawa niyang balikat– puno ng pasa at nanginginig.
Pero kahit anong pakiusap ng babae ay hindi ito pinapansin ng mga lalaki, para itong nabingi, patuloy pa 'rin ang mga ito sa ginagawa.Nagmukha itong mga hayop na nakakakita ng masarap at preskong pagkain.
Napaiyak na ang babae ng tuluyan nang mahubad ang suot niyang pang-itaas na damit. Tanging natira lang ay ang suot niyang maliit na tube at mahabang palda.
"Hanep, pre. Ang kinis!" may ngisi sa labing sambit ng isa.
Halatang lulong ang mga ito sa droga dahil namumula pa ang mata ng mga ito at panay ang hawak sa may ilong sabay singhot.
"Tiba-tiba tayo nito. Mukhang birhen pa," segunda pa ng isa.
Pareho ang mga ito na may tattoo sa bawat parte ng katawan. Ang iba ay wala ng suot na t-shirt, buhaghag ang buhok at may mala-demonyong ngisi sa labi.
Inihiga nila ang babae sa semento. Sinubukan nitong magpumiglas pero hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabila nitong kamay.
"Pa–pakiusap...maawa po kayo sa akin...pakiusap,"
"Huwag kang mag-alala, Miss. Dadalhin ka lang namin sa langit. Magugustuhan mo 'rin 'to." Sabay na nagtawanan ang lahat.
Sinimulang halikan ng lalaki ang babae sa leeg. Ang kanang kamay nito ay nakatakip sa bibig ng babae para hindi makasigaw.
Walang ibang nagawa ang babae kundi ang pumikit at hayaang dumaloy ang luha sa pisngi. Ang bulong katawan niya ay parang nilamon na ng lupa. Wala siyang ibang naramdaman kundi ang pandidiri, poot at galit.
Gusto man niyang itulak ang mga ito pero nawalan na siya ng lakas. Tila namanhid ang buo niyang katawan.
Akmang tatanggalin nito ang suot niyang tube nang biglang lumakas ang ihip ng hangin. Ang lalaki na nakapatong sa kanya kanina ay biglang tumilapon.
'Agad siyang napadilat at mabilis na tumayo.
Isang lalaki na nakasuot ng itim na maskara ang nakita niyang nakatayo as harapan. Natatakpan ng medyo mahaba nitong buhok ang kaliwa nitong mata.
"Go."
Parang hinukay sa lupa ang boses nito sa lalim at lamig.Pinunasan ng babae ang luha sa pisngi at nanginginig na sinuot pabalik ang punit-punit na damit.
"Sa...salamat."
Kahit nahihirapan ay mabilis siyang naglakad palayo sa lugar. Hindi na nag-abala pang lumingon.
"Sino ka? Anong kailangan mo? Hindi mo ba nakikitang naglalaro pa kami?"
Hindi sumagot ang lalaki.
Sa halip ay tinanggal nito ang suot niyang maskara at nagtaas ng tingin. Kasabay nu'n ay ang pagbabago ng kulay ng mata niya. Para itong dugo sa pula. Ang pangil sa bibig niya ay sabay na nagsitaasan.Bakas sa mukha ng mga lalaki ang takot at pagkabigla. Kulang na lang ay mapa-ihi ang mga ito sa pantalon. Ang mga tapang nito kanina ay napalitan ng matinding takot.
"Ha...halimaw!"
Isang nakakatakot na ngisi ang sumilay sa labi ng lalaki. Sa isang iglap lang ay nasa harapan na ito ng mga lalaki.
Hinawakan niya sa leeg ang isang lalaking pinakamalapit sa kanya sabay kagat sa leeg. Walang buhay na binitawan niya ang katawan nito sa sahig. Ang dugo ay parang tubig na nagsitulo sa gilid ng labi niya.
Tumakbo ang tatlo palayo pero nakailang hakbang pa lang ang mga ito ay sabay na nagsibagsakan ang mga patay nitong katawan– parehong may hiwa ang bawat leeg.
Isang lalaki na lang ang natira. Nanginginig na umatras ito hanggang sa mapasandal sa pader. Humugot pa ito ng kutsilyo at itinutok sa lalaki.
"S-sino ka? A...akala mo...akala mo ba natatakot ako sayo? Hindi..."
Inilapit niya ang sarili sa dulo ng kutsilyo. Tumusok ito sa may bandang dibdib. Sa halip na dugo, isang kulay asul na likido ang tumulo mula rito. Pero hindi ito ang nakapag-palaki sa mata ng lalaki, kung hindi ang unti-unti nitong paghilom.
"A-anong...ikaw..."
Nakadilat ang mata na bumulagta ang katawan nito sa sahig.
Walang expression na kinuha ng lalaki ang kutsilyo at dinilaan ang dugo na tumutulo sa dulo."Asking for my name means seeking for death. Humans."
A/N: Again, this is the edited version of The demon's den. You can read this without reading the book 1 and book 2.
Enjoy! You can PM me or comment below for your questions and clarifications.
Take care and lovelots!
-Iseeyahh
BINABASA MO ANG
The Demon's Den (Edited Version)
VampirosWhen you thought staying alive is what matters, but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." WARNING! Hello! As you can this is an edited version of my third completed story, the book 3 of Grave Univer...