"Daddy good morning nakaalis na ba si kuya?"
"Hindi pa siguro andun pa sa labas ang kotse nya eh bakit ba?"
"Ah wala lang sasabay na ako sa kanya papuntang school"
Magiliw nyang sagot sa ama.
"Napapansin ko lagi kana ngayong sumasabay sa kuya mo pagpasok sa eskwelahan ah hindi ba't kaaway mo yang mortal"
"eh ok na kami ngayun dad di na nya ako masyadong inaasar may bago na kasi syang girl friend"
pabulong na sabi mya sa ama.
"hoy hoy narinig ko yun oi dad wag kayong maniniwala dyan kay Saskia magkaibigan lang kami ni elizabeth"
Sabay pat sa ulo nya ng kuya nya.
"aray totoo nman diba"
"hay naku ewan ko sayo,, dad alis na kami baka malate pa kami nitong chismosa kong kapatid"
"o sige magiingat kayo ha uwi kayo ng maaga bawal ang lakwatsa pag weekdays"
SA KOTSE NI EUNICO
"Anu kaba naman saskia kelan mo ba talaga ititikom yang bibig mo magkaibigan lang kami ni elizabeth baka mamaya kun anung isipin ni dad"
"totoo naman yun kuya sinabi ko lang kung anu yung nakkita ko"
"Tssss!!!!! ewan ko sayo"
"kuya sasabay ba sayo ulit si johhan ngayon?"
"oo yata iniintay ko nga ang tawag iintayin ko sya sa kanto ng subdivision nila di pa kasi gawa yung Kotse nya"
"Mabuti naman kung ganun wag na sanang magawa yung kotse nya"
"May sinasabi ka ba?"
"Ha ah eh wala bilisan mo nalang baka naghihintay na sayo si papa johhan este si kuya johhan pala" nakangiting sagot nya."
Pagdating sa kanto ng Villa Jose subdivision eksaktong ngang nandun na ang kaibigang naghihintay.
"Pasensiya na to'l traffic kase sa my diversion"
"ok lang yun tol nakikisabay lang naman ako eh"
Halos 50 minutes din ang byahe papuntang school nila kaya medyo tama ang timing para kay saskia.
SASKIA'S POV
Pag sinuswerte ka nga naman oh! matagal tagal ko ding mapapagmasdan ang mala anghel na mukha ni johhan tamang tama na nasa likod ako libreng libre ko syang mpapagmasdan ng hindi nila nalalaman. Grabe sobrang gwapo talaga nya total package na sya gwapo, mayaman ,talented,mabango, athlete, matalino, mabait, maalalahanin,at mukhang hindi babaero di tulad ni kuya. Kaya naman lalo akong naiinlab sa kanya hayyyyyy ang swerte naman ng magiging girlfriend nito. At dahil dun ako dapat ang maging girl friend at future wife nya tama kailangang mapasaakin si Johhan beybe sa akin lang sya hahahahahahaha.
"saskia ok ka lang ba dyan ha?" tanong ng kuya nya
"ha ah eh oo naman ok lang ako bakit?"
"kanina kapa kasing ngumungiti dyan magisa tapos tumawa kapa ng malakas sigurado ka bang ok ka lang baka nagdidiliryo kana dyan?"
"ha oo naman kuya ok lang ako"at napansin nyang nakatingin din sa kanya si johhan kaya parang pakiramdam nyay nanghihina ang mga tuhod nya at para sya dinuduyan sa hangin.
"Baka masama ang pakiramdam mo mero ako ditong baong gamot eto oh inumin moh mamaya " sabi ni Johhan sa kanya at inabot ang sinasabi nitong gamot sabay hinawakan sya sa noo at tiningnan kung may lagnat sya .
Lalo tuloy syang kinilig sa ginawa ni Johhan walang pagsidlan ang kilig na nararamdaman nya ngayon.
Hanggang sa makarating sila sa school nila at maihatid sya ng kuya nya at ni johhan sa class room nila ay lutang na lutang parin ang pakiramdam nya. Dali dali syang lumapit sa bestfriend nyang si bianca para ikinuwento ang lahat.
"Grabeh ka saskia obsessed kana kay Mr.pogi pero hindi kita masisisi dyan teh napaka gwapo nyang bet mo na boylet"
"Sssssssshhhhhhhhh wag kang maingay baka may makarinig baka kung anung isipin nila masisira ang image ko teh anu ka ba atin atin lang muna toh ha alam moh naman "BFF" kita kaya sayo ko lang toh sinasabi."
"OO namn anu kaba kelan ko na ba ipinagsabi ang mga kalukahan na ginagawa moh ha sa dinami dami na nun eh ikaw at ako palang dn ang nakakaalam"
"Kaya naman mahal na mahal kita BFF eh mapapagkatiwalaan talaga kita"
Lumipas ang buong maghapon na klase ay hindi nawala sa isip ni Saskia ang nangyari kinikilig parin sya tuwing maalala nya ang ginawa ni Johhan at pati ang gamot na binigay sa kanya nito ay dinrowingan nya ng smiley at sa likod ay initials nilang dalawa at tinago nya iyon sa wallet nya. hanggang sa paguwi nya at pagtulog nya ay baon parin nya ang unli kilig na bigay ni joHhan sa kanya.
Pero sa pag mumuni muni nya naisip nyang parang nakababatang kapatid lang ang tingin sa kanya ni Johhan, kaya nag isip sya kung paano sya mapapansin nito.
Iisa lang ang pumasok sa isip nya, kung ang mga tipo ni johhan ay ang mga mature look kagaya ni mikaela so mag mamake over sya babaguhin nya ang style nya ng pananamit pati kilos nya.
BINABASA MO ANG
This Spoiled Heart Of Mine
Teen FictionMarami sa atin ang naka expirience ng ,crush, puppy love at love at first sight . ,masarap sa pakiramdam yung tipong papasok ka ng maaga para makita mo yung senior year na crush mo o di kaya mapipilitan kang magsimba every sunday kahit hindi mo nama...