Matamlay na nagumpisa ang araw ni saskia tamad na tamad syang pumasok ayaw muna kasi nyang makita ang kuya nya. Pagbaba nya ng kwarto nya nakita nya sa baba ang kuya nya kausap ang daddy nila.
"Goodmorning iha paalis na ang kuya mo sasabay kana ba? Mag breakfast ka muna hihintayin ka naman ni kuya nico mo"
"Hindi po dad kay manong ben nalang ako magpapahatid mamaya hayaan nyo nalang mauna si kuya. Baka malate pa kasi sya."
"Hindi ok lang sakin hihintayin na kita." Sabi ng kuya nya.
"No umuna kana"Matabang na sagot nya sa kuya nya.
"Yaya patimpla naman po ng milk salamat, Dad lika na sabay na tayong magbreakfast."
"O sige iha mamaya pa naman ang punta ko sa opisina ko"
NICO'S POV
Badtrip naman nagalit pa yata si saskia sa sinabi ko kagabi hindi ba nya alam na para din sa kanya yung sinabi ko ayaw ko lang na sa huli eh sya yung msasaktan. Beside's Johhan is my bestfriend para ko na syang kapatid pero ayoko sya para sa kapatid ko.
Sa school ni saskia:
"BFF bakit parang ang tamlay mo may sakit kaba?"
"Ha wala naman may iniisip lang ako"
"Anu naman yun about kay johhan nanaman?"
"Hindi tungkol to sa sinabi sakin ni kuya kagabi." At kinuwento nya kay Bianca ang napagusapan nila ng kuya nya.
"BFF para sayo dn naman siguro yun kaya nya nasabi ang mga bagay na yun kasi mahal ka nya."
"Ah basta dapat di parin nya pinangungunahan yung feeling's ko kay johhan. Hindi naman ako totaly galit sa kanya siguro kelangan ko lang maglabas ng sama ng loob."
"Pero BFF infairness ang ganda ng make over mo hindi kana mukhang spoiled brat na teenager mukha ka ng grown up ngayon ang taray ikaw na talaga. Simula ulo hanggang paa totaly change ang ganda mo friend." Sabay haplos nito sa buhok nya na bagong kulay.
"Ikaw din naman pwedeng maging gnito kung gugustuhin mo para naman makasabay ka sa uso BFF."
"Naku wag nalang baka mamaya hindi bagay sakin magmukha akong trying hard, ok na saken to."
At nagsimula na ang klase napapansin nyang mayat maya ang sulyap sa kanya ni Gione, Matagal na itong nagpaparamdam sa kanya pero hindi nya pinapansin, oo tama si Bianca gwapo ito mabait matalino mayaman freindly at kalaban nya sa running for valedictorian ng batch nila nung highschool pa sila pero dahil sa katigasan ng ulo nya si Gione ang nakasungkit ng karangalan, at sya ang naging salutatorian, magkaibigan ang pamilya nito at pamilya nya kaya kilala na nya ito simula nung bata palang sila. Lagi pa nga silang ipinipulok ng mga magulang nila sa isa't isa pero anung magagawa si johhan talaga ang nakabihag ng kanyang puso.
Halos hindi sya nakinig sa disscusion ng prof. nya ngayon wala sya sa mood mag aral lipad ang utak nya at hindi sya makapag concentrate.Natapos ang subject na yun ng di nya namamalayan, next subject nila ay p.e kaya sa locker room ang deretso nila para magpalit ng p.e uniform.
Sa gym ang next class nila, sakto naman na nagpapraktis ng basketball ang mga kuya nya na varsity ng school. naupo muna sya sa bench at kunwari'y nagtetext pero ang totoo ay pinipicturan nya si johhan ng palihim.
"Hoy Bff halika na tinatawag na tayo ni Sir.Macalalad."
"Ok sige susunod na ako itatago ko lang tong phone ko tsaka magaayos lang ako ng buhok."
Nakatalikod sya sa court kasi masusuklay muna sya tsaka nya tinirintas ng ayos ang buhok nya. Nakarinig nalang sya ng sigawan ng mga tao at pag lingon nya sakto sa mukha nya yung bola huli na para umiwas pa.After that wala na syang alam dahil nagblock out na ang paningin nya.Nagising nalang sya na nasa clinic sya at medyo nahihilo at masakit ang ulo.

BINABASA MO ANG
This Spoiled Heart Of Mine
Teen FictionMarami sa atin ang naka expirience ng ,crush, puppy love at love at first sight . ,masarap sa pakiramdam yung tipong papasok ka ng maaga para makita mo yung senior year na crush mo o di kaya mapipilitan kang magsimba every sunday kahit hindi mo nama...