Kinaumagahan nagmamadali syang nagbihis para hindi sya maiwanan ng kuya nico nya.
"Dad goodmorning si kuya nasaan?"
"Andun na sa garahe kakalabas lang"
"Naku baka maiwan ako ni kuya ahm dad hiramin ko muna yung credit card nyo pwede po ba?"
"Sige ok lang anu bang bibilhin mo kakashopping mo lang last week ah?"
"ahm mga projects po oo tama projects nga po hehe medyo marami kasi yun eh basta konti lang babawasin ko sige na dad please"
"hay naku kang bata ka basta pag dating sayo hindi ako maka hindi, as alway's ikaw nanaman ang masusunod"
"thanks dad i love you alam ko namang hindi o matatanggihan ang unica hija mo bye dad" at patakbo syang lumabas ng bahay." At kumaripas na sya ng takbo papuntang garahe matapos ibigay ng daddy nya ang credit card nito.
"Kuya saglit" sabay katok nya sa bintana ng kotse ng kuya nya na papaalis na sana.
"O diba di ka pa nagbebreakfast dapat nagpahatid ka nalang kay manong ben"
"Eh kuya mas gusto ko sayong sumabay halika na dalian na naten baka hinihintay na tayo ni johhan"
"Hindi na tayo nun hihintayin gawa na yung sasakyan nya so deretso na tayo sa school"
"Ha bakit nagawa na agad" malungkot na tanong nya.
"ikaw ha!!! may gusto ka kay johhan ano kaya palagi mong gustong sumabay saken para makita mo sya ano"?
"hoy anu ka ba kuya baka may makarinig sayo nyan nakakAhiya sekreto lang natin toh ha?"
"So totoo nga na may gusto ka sa kanya...ppfffftttt hahaha wag ka ng umasa na magugustuhan ka nun walang wala sayo ang mga hinahanap nun sa babae."
"Bakit kuya maganda naman ako ah sexy hindi ako kaputian pero makinis ang balat ko matalino ako tsaka mabait naman ako anu pang hahanapin nya saken diba?"
"anu kaba saskia ang tipo nun ay ang tulad ni Mikaela Lopez yung blockmate namin na lumaban sa Mr.&Mrs. University yon ang tipo ni Johhan matagal na nga nya yung pinipormahan since second year college pa kame." Paliwanag nito.
"Alin yung babaeng mukhang hipon na nung tinanong sa Q&A eh walang ibang alam isagot kundi "Please repeat the question" "Thank you for that wonderfull question" ay naku kuya kung ako ang lumaban dun cgurado akong ako ang mananalo di hamak na mag lamang ako sa mikaela na yun makikita nyang Johhan na yan na kami talaga ang mas bagay"
"hay naku dream on Ms.Saskia Eunice Anzorandea. kahit anung gawin mo hindi ka magugustuhan nun"sabay ginulo nito ang buhok nya.
"Ewan ko sayo kuya basta ako ipapakita ko sa kay Johhan na kami talaga ang nababagay sa isa't isa" At nagliwanag ang mukha nya ng makita nya sa parking lot ng eskwelahan si johhan na naghihintay pero agad din itong napawi ng nakita niyang kasama nito si mikaela.
Pag ka park ng kuya nya ay dali dali syang bumaba ng kotse at nagmadaling naglakad papunta sa building nila.
"Hi saskia" bati ni johhan sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin sa halip ay dirediretso lang syang naglakad.
"o pare bakit parang may pms ang li'l sister mo?"
"Mahabang istorya pare mabuti pa tara na muna sa cafeteria mamaya pa naman ang start ng klase naten".
Pagdating ni saskia sa room nila ay mainit parin ang ulo nya dahil sa nakita ikinuwento ulit nya iyon kay bianca.
"Bianca samahan mo ako sa mall mamaya ha may mga bibilhin lang ako."sabi nya sa kausap

BINABASA MO ANG
This Spoiled Heart Of Mine
Novela JuvenilMarami sa atin ang naka expirience ng ,crush, puppy love at love at first sight . ,masarap sa pakiramdam yung tipong papasok ka ng maaga para makita mo yung senior year na crush mo o di kaya mapipilitan kang magsimba every sunday kahit hindi mo nama...