Ako si Klytemnesthra Ardiente o kilala sa palayaw na Kly. Biente Sais at nakapag tapos sa kursong agrikuktura dito sa Ilocos. Isa ako sa mga naging iskolar ng pamilyang Marcos. At ito ang istorya ko.
Tay! Nay! Aalis na po ako. Pupunta na po ako sa bukid, kasi kailangan kung tingnan yung mga naitanim ng mga tauhan natin noong isag linggo. Baka po napipiste na naman. Sayang na naman yung binhi at pataba kung ganoon.
O siya sige anak. Mag ingat ka doon at itong itay mo e aalis din mamaya. Kasi pinapapunta lahat ng magsasaka sa bahay ng mga marcos may pagpupulong daw.
O sige inay. Itay, mauna napo ako.( Sabay mano)>>>SA TANIMAN<<<
Hiiiiiiiiii pooooooo! Goooooooooood Morrrrrrrning! Masayang bati ni ko sa aming mga tauhan.
O kly! Nandito kana pala. Halika dito at ng makapag agahan na tayong lahat bago natin tingnan yung mga naitanim natin noong nakaraang linggo.
Sige po. Asan nga po pala si Andeng?
Naku! Andon sa bayan. Siya na nagpresenta na dadalo doon sa pagpupulong sa bahay ng mga marcos.
Ay himala po! Natatawa kung sabi kay tay berto at nay lina.
Himala talaga kly! Nalaman ba naman na ang nagpapatawag pala ng pagpupulong ay mismong si Congressman Sandro.
Ganoon po ba? Kaya pala nagpupumilit si andeng. Napapailing kong sabi. Paano ba naman kasi. Crush na crush ni andeng si congressman. E ang sabi sabi hindi naman daw palangiti. At para daw palaging masungit.
Tinawag ko na yung ibang mga tauhan namin sa sakahan para makakain na kami.
Pagkatapos namin kumain at ligpitin yung pinagkainan namin ay sinimulan na namin na tingnan yung mga pananim namin.Umuwi narin ako matapos tingnan yung mga pananim. Kasi may bibilhin pa ako sa bayan. Bibili pa ako ng mga sangkap para sa ititinda ko na sinigang na bangos at empanada.
>>>BAYAN/MERKADO<<<
Ate, dalawang kilo nga po nga bangus. Kasing Fresh ko po ba ito? Pabiro kung sabi sa suki ko na si ate letty.
Aba! Mas fresh ka lang ng mga isang daan dito sa paninda ko kly! Pabirong sabi rin ni ate letty saakin.
Pagkatapos ko bumili ng isda, dumiretso naman ako sa gulayan at sa karnehan para bilhin yung iba ko pang mga gagamitin para sa paninda ko. Dahil sa sobrang init ay naisipan ko din na bumili ng buko juice, para naman maibsan ang sobrang init. Habang papalapit ako kay ate na nagtintinda ng buko juice. May biglang bumangga saakin.
Huy! Tawag ko doon sa bumangga saakin. Di ko matanto kung babae o lalaki ba siya. E nakahood, naka mask at naka shades pa naman ang loko! Ang init kaya sa pinas! Pero bingi ata o nagbibingibingihan lang. Di man lang lumingon. At ito pa ang nakakainis! Binili nya lahat ng buko juice na tinda ni ate! Bakit ko alam? Dahil narining ko na sabi niya bibilhin nya lahat! Bwesit talaga! Uhaw na uhaw pa naman na ako.
Huy mister! O miss! Ako unang gustong bumili ng buko juice! Bakit di ko ko tinirhan! Inis na inis kung sabi.
Huy! Bingi ka ba? O wala ka talagang galang? Bakit ayaw mo humarap? Kinakausap kita!
Huy! Tawag ko ulit. Sabay kalabit sa kanya.
At yun. Humarap na nga. Pero tinaasan ba naman ako ng kilay!Ano? Tirhan mo nan ako kahit isang buko juice lang please! Uhaw na uhaw na po ako. Pero ang loko tiningnan lang ako. Sa inis ko. Inirapan ko ng malala. Sabay walk out na sana. Ayaw ko ng makipagtalo. Bibili nalang ako ng condence milk at yelo. Gagawa nalang ako sa bahay.
Here. Sabay abot nya saakin ng isang plastic bottle na buko juice. I think you really need nito kaysa sa kanila.
Dahil inis na inis ako sa kanya. Syempre di ko tinanggap. Binangga ko siya sabay irap. At umalis na nga ako.