Confusing Love: *A Prologue*

1.9K 17 8
                                    

 

 Isa lang naman ang pinapangarap ko sa buhay,yun ay makapagtapos ng High School at makatuntong man lang ng Kolehiyo kahit sa lupa man ng isang kolehiyo o kahit sa tiles man lang ng isang kolehiyo eh makatapak ako.

Basta masabi ko lang nakatuntong ako ng kolehiyo.

4th Year High School na ako,pinangako ko na wala akong papansinin.Miultimo langgam (Teka,ang O.A na). Ehem,ehem.Masaydong maraming paliguy-ligoy.

Hindi ko alam na,at wala talaga akong ineexpect na.Magiiba ang takbo ng aking buhay.Kala ko ganun-ganun lang at napakadaling gawin. No, super hirap.

Sa kamalasmalasan anak ng teteng Letse puto kutchinta Lechugas,ako na ang bitter ako na ang pinagsakluban ng langit at lupa pati na rin ng Flowers at Pot.

Na magiging julalay slash babysitter slash ewan ko ba. Ng isang Alien na napakasungit at mapangabuso na isip bata na lalake.

Isa lang ang masasabi ko,999% ang pursyento na hindi ako magkakagusto sa hinayupak na katulad niya at sa tingin ko katiting na pursyento para magustuhan ang katulad niyang Alien Species na Zombie!.

----------

Napakalamig ng dahil sa Aircon na nakaturbo sa loob ng room namin.Hindi ko napansin na kaming dalawa lang pala ang natira.Sabagay Lunch time na rin yung mga oras na yun. 

Pumewsto ako sa may malapit sa bintana para naman mabawasan ang pagkasura ko.Hindi ko ba malaman kung baket sa tuwing makita o masulyap ko lang ang pagmumukha ni Carlo eh nagiging aso ako na nakakita ng pusa.We are Mortal enemies.MWAHAHA.

"HOY CHUBBY! ay teka,irerephrase ko lang ulit.HOY YAYA! nasaan na yung baon ko at lunch ko?? GUTOM NA GUTOM NA AKO??" sabay sipa niya ng malakas sa upuan na nasa harap niya.Pagkatapos ay lumapit siya saaken,parang flash ang peg niya.Ang bilis niyang nakalapit saaken at 3 inches na lang ay magkakapalit na ang mukha namin.

"O-Oo na! lumayas ka dyan! letse" pilit kong tinutulak siya papalayo saaken. Pero nagpapabigat ang loko.Talagang bwisit tong alien to.Tinulak ko siya ng malakas with all my might,napaupo siya sa sahig at makikita mo sa mukha niya na nasaktan siya.BUTI NGA. 

Tumayo ako ng diretso at tinuro siya. "ikaw! Zombieng Alien!" napakunot ang noo niya pero hindi parin siya tumatayo sa kinauupuan niya. "Kung hindi ka aayos,hindi ko ibibigay ang baon mo at ang pera mo. Tigas ng butche mo eh noh. Makapal rin ang mukha. Umayos ka at baka basagin ko yang "ano" mo." pagbabanta ko sa kanya.

"Tch" tch.tch.tch. TCHIHIN ko to!. Tumayo na siya sa pagkakaupo niya at ngumiti ng may halong pagkaloko. Lumapit siya ulit saaken,kada hahakbang siya ay umaatras ako.

Nakalimutan kong ang sunod na aatrasan ko ay bintana.Na corner ako. "Tsk.Lakas ng loob mo eh noh,kala mo ba walang atraso yang Nanay mo sa Tatay ko?? tandaaan mo. At itatak sa kokote mo,pagmamayari na kita ngayon at binili ka namin.Kaya lahat ng gusto ko ay susundin mo" 

Hinimas-himas niya ang buhok ko,sumunod ang leeg ko  pababa hanggang kamay.

 

 Ano na ba gagawin ko?? 

 

Confusing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon