Tia's pov
After ng pagpapakilala ng mga classmates ko sinabi narin ni maam ang schedule namin
Sa ngayon wala muna kaming gagawin makipagclose nalang daw
Tumayo ako at nilibot ko ng tingin ang boung classroom
"TIA !!! TIA !! come here" tawag sakin ni Lay while gesturing me to come to his sit at Napabuntong hininga ako
"Ghad Lay alam mo bang kinakabahan ako kanina habang nagsasalita sa harap" sabi ko at lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya
"Gaga kinakabahan ba yun? Eh halos nga ikuwento mo na yung talbuhay mo" sabi ni Lay habang napakamot na naman sya ng ulo
"Nga pala buti nalang magkakalase tayo! Atleast may kakilala ako!" Sabi ko ng nakangiti sabay pumalakpak
"Yun na nga eh magkaklase na naman tayo! Masyado ng bulok ang mukha mo palagi ko nalang nakikita idagdag mo pa ang height mo na hindi na dumadagdag at ang katawan mong parang patpat sa payat!" Sabi niya habang tinitignan ako ng kakaiba
"Aw nahiya naman ako sayo! Atleast ako mukhang tao eh ikaw? Mukhang undiscovered species ng pabo!" Ganti ko sa kanya at akmang babatukan niya ako kaya inunahan ko na siya
Aba itong mukhang to bulok? Like duh?
"Pres.! Mamayang alas tres may meeting daw!" Sigaw ng isang estudyante na nasa may pintuan ng class room namin iaya tumango nalang si Lay at umirap sabay huminga ng malalim
He doesn't really like to be the school president , he said that its really stressing and he really hate it
Eh sino ba naman kasing baliw, hindi rin tumatanggi! Kung ano meron hala sige puro tango lang isinasagot edi ayan!
"Lagi naman best di ka pa nasanay" sabi ko at bumuntong hininga
Nagkukuwentohan at nagtatawanan lang kami ni Lay ng halos kalahating oras ng biglang naputol yung usapan namin ng nagsalita si Ma'am
"Okay class your president is Miss Thealeen B. Lee , ok guys its already 9:30 break time na, Class Dismissed " sabi ni maam habang nagaayos ng class record....
Nagulat ako ng marinig ko yung name ko
Aba at kailan pa nagelection dito sa room?
Lumabas na kami ng classroom kasama ko si Lay nasa may pintuan pa lang kami ng biglang may tumawag samin
"Tia!! Jay!! wait for me " tawag samin ng isang babae kaya napalingon kami sa likod namin
Who is she?

BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend Is Back [Editing/Rewriting] #Wattys2020
RomanceWhat if he's back? Are you going to love him again? Or just like what others do? Move on!