[READ THIS FIRST: Ito po ang preview lamang ng book version. Ibig sabihin, hindi kumpleto ang kwentong inyong mababasa. Maaari po ninyong i-avail ang book na ito sa Shopee store ng Lifebooks. Maraming salamat. Ang iba pang detalye ay ilalagay ko pagkatapos ng preview.]
NAPUTOL ang malakas na pagsigaw ni Gia nang tuluyan siyang bumagsak sa tubig. Sa lakas ng pagkakahulog niya ay dire-diretso siyang bumulusok pailalim. Bumalot sa kaniya ang malamig na tubig-dagat na akala mo ay yelo ang temperatura.
Lahat ay ginawa niya upang hindi magpanic kahit pa pakiramdam niya ay hindi na niya magagawang makaligtas sa kaniyang sitwasyon. Iginalaw niya ang mga kamay at paa. Hanggang sa nagawa na niyang mapatigil ang sarili sa pagbulusok. Tumingala siya at nang makita niya kung gaano kalayo ang kailangan niyang languyin para makapunta sa ibabaw at makasagap ng hangin ay parang naubusan na agad siya ng pag-asa.
Oh, God! I don't want to die like this! Tili ng utak ni Gia.
Nararamdaman na niya ang pagsikip ng dibdib at unti-unting pagtakas ng hangin sa katawan. Parang sasabog na ang baga niya sa sobrang sakit. Hindi na kaya ni Gia. Pinakawalan na niya ang natitirang hangin na nakaipon sa bibig at pagkatapos ay pilit na lumangoy paitaas. Nanghihina na ang mga paa niya. Wala nang lakas ang kamay para ikampay iyon paibabaw. Kaya imbes na na lumangoy paitaas ay mas lalo pa siyang lumubog.
Sa pagtingin niya sa ibaba ay nataranta na siya dahil kadiliman na ang nakikita niya.
Wala siyang makita sa pinakailalim. Nakakatakot isipin kung anong meron sa kailaliman ng karagatan. Malalaking halimaw? Mga isdang hindi pangkaraniwan ang hitsura na kumakain ng laman ng tao? Hindi niya alam. Wala siyang idea kaya mas natatakot siya!
Sa utak ni Gia ay tinatawag na niya ang mommy at daddy niya. Hindi na niya alam ang gagawin.
Is this her end? Sa ganito na lang ba matatapos ang lahat?
Parang ang bilis lang kasi. Hindi pa siya tapos sa pag-aaral. Paano na ang plano niyang mag-aral ng fashion designing sa France? Iyong dream niya na maging Marine Biologist on the side? Ang dream wedding niya by the beach? Wala na rin ba iyon? Hindi na ba niya ma-e-experience ang lahat ng 'yon?
She's too young to leave this world. Marami pa siyang gustong gawin pero mukhang hanggang dito na nga lang ang lahat.
Gia slowly closed her eyes while accepting her fate.
Goodbye, cruel world! Aniya pa sa sarili habang unti-unti siyang hinihigop ng kailaliman ng karagatan.
Hinayaan na ni Gia na bumulusok siya pailalim. Bahala na kung anong meron doon. Wala na rin naman siyang magagawa pa, e. Mamamatay na rin naman siya.
Ngunit laking gulat niya nang may biglang humawak sa isa niyang kamay. Hinila siya nito paitaas. Agad na ibinukas niya ang mata at nakita niya ang isang lalaki na may hawak sa kaniya. Ang nakakagulantang pa ay wala itong mga paa at binti kundi meron itong buntot ng isda! Isang kulay pula na may kaunting asul na buntot!
M-merman?! Sigaw ng utak ni Gia. Hindi siya makapaniwala na isang merman ang nagliligtas sa kaniya ng sandaling iyon.
Nakatingala ang lalaki kaya hindi niya makita ang mukha nito. Ganoon pa man, may pakiramdam siya na kilala niya ito. Pamilyar kasi ang bulto ng katawan nito maging ang paraan ng paghawak nito sa kaniyang kamay.
BINABASA MO ANG
Mr. Mermaid's First Love (Book 2)
Fantasy[PREVIEW ONLY] Ako si Kairo at isa akong Serian. Mula sa kailaliman ng karagatan ay umahon ako sa kalupaan upang sundan ang babaeng aking iniibig-si Gia. Sa umpisa ay tila napakailap ng swerte sa akin dahil may minamahal na si Gia pero gumawa ng par...