CHAPTER 03: Wide Awake

128 4 8
                                    


HINDING-HINDI makakalimutan ni Arwana ang araw na pumayag siya sa gustong mangyari ni Nebrosa. Kapalit ng kaligtasan niya ay ang pagbigay nito ng kapangyarihang itim sa kaniya. Wala na siyang nagawa kahit ang tumanggi sa takot na patayin siya nito. Ano bang kalaban-laban niya? Isa lamang siyang sirenang paslit na puno ng kuryusidad ang katawan.

Sa pagbabalik niya sa Oceanus ay napansin niya na marami na ang nagbago sa kaniya. Nagagawa na niyang magpagalaw ng mga bagay gamit ang isip. Nagkaroon din siya ng kakayahan na gumawa ng bolang enerhiya. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit nagkaroon siya ng kaalaman sa paggawa ng gamot at lason. At kung anu-ano pang kakayahan na kakaiba at noon lamang niya nagawa. Lahat ng iyon? Dahil sa kapangyarihan ni Nebrosa!

At ngayong gabi, nagbabalik siya sa Nigreos makalipas ang mahabang panahon. Kailangan niya ng karagdagang lakas at kapangyarihan upang maangkin na niya ang Oceanus. Madali na niya iyong magagawa kung magagapi niya sa trono si Marino. Wala naman sa Oceanus ang papalit rito na si Kairo dahil nasa lupa ito sa ngayon. Mas pinili nito ang tibok ng puso nito kesa sa tungkulin nito bilang susunod na hari ng Oceanus.

Napakadali talagang linlangin ni Kairo. Hindi siya nahirapang makuha ang loob nito. Umayon ang lahat sa kaniya.

Huminto sa paglangoy si Arwana nang makaramdam siya ng pagbigat sa dibdib niya. Unti-unting uminit ang malamig na tubig hanggang sa may marinig siyang boses ng isang babae. Senyales iyon na alam na ni Nebrosa na naroon siya. Ganoon ang naramdaman niya noong unang beses itong nagpakita.

"Arwana, maligayang pagbabalik..." garalgal na turan ni Nebrosa. Unti-unti itong lumitaw sa harapan niya.

"Nebrosa," tawag niya rito.

"Ano't nagbalik ka? Pihong may kailangan ka. Tama ba?"

"Meron nga, Nebrosa. Napaalis ko na ang tagapag-mana ng trono ng aking kapatid na si Marino. Sa oras na mapatalsik ko siya at maipakita sa mga Serian na wala nang kakayahan si Marino na mamuno ay awtomatiko na ako na ang magiging reyna."

"Kung ganoon ay maaari na akong pumasok sa iyong katawan kapag nangyari iyon! Magiging kahati mo na ako sa iisang katawan at makakalabas na ako rito sa Nigreos!"

"Oo. Gaya ng napag-usapan natin noong ako ay bata pa. Ngunit, hindi sapat ang aking kapangyarihan sa ngayon kaya hihiling ako sa iyo na bigyan mo ako ng karagdagang mahika."

Sumilay ang isang nakakatakot na ngiti kay Nebrosa. "Iyon lamang ba? Sige. Aking ibibigay ang iyong nais!" anito sabay tawa nang malakas.

HOY, Gia! Bakit gising ka pa rin? Twelve midnight na. Ano ba? Hindi iyan nakaka-fresh! Bulyaw ng utak ni Gia habang nakahiga siya sa malambot at malaking kama. Nakatitig sa kisame.

Iniisip niya pa rin si Kairo at kung totoong isa nga itong sireno kagaya ng sinabi nito noon.

Pumaling siya sa kanan sa pag-aakalang mawawala ang pag-iisip niya tungkol kay Kairo pero nagkamali siya. Oo, nawala nga ang pag-iisip niya kung sireno ba si Kairo pero nalipat naman sa nangyaring pagkakape nila kanina.

Very awkward ang kaganapan sa coffee shop. Tanging sina Sandy at Julian ang nag-uusap tapos tahimik lang sila ni Kairo. Tatango at iiling ito kapag may itinatanong. Siya naman ay tatawa kapag may sinasabi si Sandy na nakakatawa.

Bakit kasi feeling niya ay may kasalanan siyang nagawa kay Kairo? Parang nahihiya tuloy siya rito.

"Gia, anong feeling na iniligtas ka ni Kairo? Nag-thank you ka na ba sa kaniya?" Bigla iyong sinabi ni Sandy sa gitna ng pananahimik nina Gia at Kairo. Mukhang gumagawa talaga ito ng paraan para mag-usap sila ni Kairo.

Mr. Mermaid's First Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon