9

8 0 0
                                    


Walang tigil ang pag-doorbell kung sino mang damuhong rason kung bakitnaalimpungatan ako kaya gumalaw-galaw ako and I turned to other side na nakapikit. 

"Urgh" and cover my ears with my hands. Inis naman.

Ilang minuto nasanay na eardrums ko sa ingay ng doorbell at naramdaman ko nalang na biglang magically my mood change to better, alam ko na parang tanga akong nakapikit at ngumingiti.

"Lemon, puntahan mo na baka si Kesha na 'yun" napadilat bigla ako ng may nagsalita sa harapan ko. 

Ang sakit ng mata ko! Punyemas!

Ramdam ko narin ang hininga niya na putangina malapit lang sa mukha ko, internally screaming.

"CONNOR JAFFIRE GOMEZ!" sigaw ko, why did we end up sleeping together?

I checked my clothes pero naka sleepwear naman ako ah, napasabunot nalang ako sa sarili hanggang patuloy parin ang pag-doorbell. I tried to remember what happened last night dahil sumakit pa rin ang mata ko at sumama pa ang ulo ko, sinabunotan ko nalang siya at tinulak palayo, hindi ko naman alam na malakas ako sa umaga edi naghalikan pwet niya at sahig ko. 

"Hoy Lemon, hindi kita ginalaw! Ang ginaw kaya ng sahig mo, wala ka bang budget para bumili ng carpet?" naiinis niyang tanong at tumayo, hinihimas pa niya ang pwetan kaya natawa nalang ako. Ang gulo nga ng buhok niya tapos suot niya yung short ni kuya kasi gusto ko yung oversize vibe tapos naka topless lang. 

NAKATABI KO SIYA?! NA NAKATOPLESS?! BA'T DI KO NARAMDAMAN?!

"Nakalimutan ko lang, okay?" depensa ko at tumayo na rin para buksan ang pintuan

I almost unlocked the security doorlock nung ma-realize kong kasama ko pala si Connor at possible na hinatid ni Kuya si Kesha at magkasama sila ngayon. Lumingon naman ako sa likod ko na naghihintay na pala e unlock ko at nakataas pa talaga ang kilay, na bwisit ko yata sa pagtulak.

"Hoy osito!" I whispered, tumingin muna siya sa likod niya at tinuro ang sarili. I covered my mouth nung tinawag ko siya nun. Gagi ang lutang mo naman 'yata ngayon, Lemon.

Kinurot ko siya at hinila papasok sa kwarto ko.

"Dyan ka muna baka nandoon si kuya, yari pa tayo!" pagalit kong bulong sa kanya at tumango naman siya, parang bata na hindi alam kung anong nangyayari. Bangag din yata to kasi kakagising lang.

Tinakbo ko naman mga gamit niya na nagkalat at pinilit itago sa ilalim at likod ng sofa namin ang dami naman yata niyang dinala kagabi gusto yata tumira dito, nandon ko pa nalagay sa ref ang bag niya kasi na sa kusina. Nagpanic na ako, ok?

"HOY BRUHILDA KA, UMAGANG-UMAGA NAMBUBWISIT KA! BUKSAN MO NA 'TO MASAKIT NA HINTUTURO NAMIN KAKAPINDOT!" sigaw na ni Kesha na nagpatawa sakin at nilagay ko sa basurahan na malapit lang sa sapatos ni Connor. 

Pagkabukas ko, nasa likod ni Kesha si Kuya na naiinip na. Napatawa nalang ako and gestured them to enter. 

"Ang tagal mo yatang binuksan" bulong ni Kesha at parang scanner kung tignan ako mula ulo hanggang paa at inamoy pa talaga.

Inamoy ko rin siya, naninigurado lang baka amoy fresh from sex 'tong Kesha. Medyo lang naman, charot.

"Kakagising ko lang gago" bulong ko ulit at sinirado na ang pintuan nung pumasok na din si Kuya

"Ay oo nga pala, sabi nung nakasalubong namin na si Ate Jen na new sched daw ngayon sa garbage segregation" sabi ni Kesha at sinundan ko siya sa kusina para kumuha ng apple, si kuya naman dumiretso sa kwarto ni Kesha na pinagtaka ko, close na close na ba sila?

"Ok" I respond, kakagat na sana ako nung nabitawan ko at gumulong sa sahig. Ay nyeta!

"PUTANGPALAKA!" napatakbo ako malapit sa kanya nung pagbukas niya sa ref ay nahulog ang bag ni Connor na may keychain na palaka, napatawa ako ng mahina at agad ko naman kinuha at nilagay sa malapit na cabinet. 

"What happened here?" Kuya asked na halatang tumakbo pa talaga 

"Ah ano kuya, may ano" di ko maconstruct ang sasabihin kasi masama na ang tingin ni Kesha sakin

"May aso, oo si Key." sabi ko na agad naman tumahol si Key sa loob ng kwarto ko

I blinked twice and look at Kesha na tumatawa na ngayon, bwisit!

"Ipis babe" sabi niya na ikinatango naman ni Kuya, ngumiti din ako pero nung narinig ko ang babe biglang bumagsak at pinanlaki ng mata. Gago what!?

Wait

What

Babe?

"BABE?!" sigaw na tanong ko sa kania na ikinapula ni Kesha and I saw a small smile at Kuya. Papalit-palit ko silang tinignan at naghihintay ng sagot

What the actual fucking shit happened kagabi?

Totoo 'yung naamoy ko kanina na fresh from sex smell?!

Ok, exag ko yat pero wtf hindi sila ganito ka close close para nga silang aso't pusa kung mag-away sa maliliit na bagay pero ngayon?! Kuya seems like a puppy under Kesha's care, ew gross. And there's Kesha with glowing face with a radiant smile. 

"Long story" sagot ni kuya na hinila naman si Kesha paalis sa kusina.

Napatingin nalang ako sa bukas na Ref at agad ko namang sinara kasi sayang ang kuryente, mahal ba naman. 

When my brain process what just happened minutes fucking later, agad ko naman tinakbo ang kwarto ni Kesha pero nakalock. Katok ako ng katok pero hindi man lang nila binuksa. 

"HOY KAYO WAG KAYUNG GUMAWA NG DIRTY DISGUSTING-ISH INTERCOURSE!! AYOKONG MAKARINIG NG NAKAKARINDING YUCKY MOANS!!!" halos magiba ko na ang pintoan sa kakakatok.





AUTHOR'S NOTE: hiii, shortie short update for tonight's update. Thank you for the 94 reads, aaam happyyy kyah. Kakatapos lang ng finals namin and still panicking about the results and grades sooooo that's why hehe. Good luck with ur journey, luuvs! 

Nobody knowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon