MG 1: (Spaghetti)

5.9K 141 11
                                    

[ALEXANDER'S P.O.V.]

"My twin! Gising na daliiiii~" panggi-gising ko kay Lhei. Ayaw pa kasing gumising kahit kanina ko pa siya kinukulit.

"My twin~!!!! GISING NA!" sigaw ko kaya mabilis naman siyang napabangon sa gulat. Sinamaan niya agad ako ng tingin at binulyawan kaya lumayo ako sa kanya.

"Fuck, Alex! What the hell?! Bakit ka ba sumisigaw?! At anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" inis na sigaw niya. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"My twin, kanina pa kita ginigising e. Tsaka nakakapag-tampo ha!" bahagya akong ngumuso, "Bawal na ba ako sa kwarto mo?" tanong ko saka nagpa-cute. Inirapan naman niya ako.

"Tsk. Sorry my twin. Halika nga dito." sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya kaya sinunod ko naman siya. Ginulo-gulo niya ang buhok ko saka ngumiti sakin.

"Good morning my twin!" masayang bati ko, nasa mood na ulit siya.

"Good morning too. Ano na bang oras na?" tinignan ko ang orasan ko, "It's already six in the morning, my twin." sagot ko.

"MWO?!" gulat na tanong niya. (Mwo=What) Tumango-tango pa ako sa harap niya, "Ahuh. Kanina pa nga kasi kita nigigising e. Baka ma-late ka sa class mo."

By the way, kaya siya nag-salita ng Korean, kasi nung bakasyon sa Korea kami tumira saglit. Sabi kasi ni Mom and Dad noon, sumunod kami sa kanila. Pagalis nila ng Paris, sa Korea sila dumeretso. Kaya nasanay siguro si Lhei sa pagsasalita ng Korean.

"Tsk. I'm going to take a bath now, my twin. Hintayin mo na lang ako sa dining area. Arasseo?" tumango naman ako saka tumayo. (Arasso= Okay) Bumaba na ako sa dining area para magpaluto ng pagkain sa mga maid.

Kung matatanong niyo sila Mom and Dad, hindi na sila dito sa Pilipinas nakatira. Kami na lang dalawa ni Lhei ang nandito sa Mansyon. Kasama namin si Butler Saimon at ang mga maids.

"Ah Butler Saimon, magpaluto ka na ng breakfast namin." utos ko. Bahagya siyang nag-bow sa akin, tanda ng pag-bigay respeto.

"Yes, young master." sabi ni Butler Saimon saka umalis. Sa St. John Academy kami nagaaral ngayon ni Lhei.

Ayaw na kasi namin mag-aral sa G.U. ng college e. Sila Brent, Hailey, Kent, Jess, Justine, Christian, Kean, Megan, Cara, Sydney, at Laurence, sa SJA din nagaaral.

Iba-iba ang course namin. Ako? Business ang course ko. Ako daw kasi ang magmamana ng mga business nila Mom and Dad. Si Lhei naman Architect ang kinuhang course. At sa pagiging gangster namin? Still, ganun pa din. Nakikipag-laban kami sa underground. Iyong rankings namin, walang pinagbago. Si Lhei pa din ang nagunguna. Wala na ding Black Gang. Pero gangsters pa din sila Justine, Christian, at Sydney. Gumawa sila ng panibagong grupo.

Trios

Yan ang pangalan ng Gang nila. Dahil tatlo na lang din daw sila. Ganun pa din ang codenames nila.

WILL (Justine), ZAC (Sydney), and TIAN (Christian).

Inihain na ng mga maids ang pagkain namin. Saktong bumaba na din si Lhei.

"Tara my twin, let's eat." yaya ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko saka kami kumain. May bigla akong naisip na itanong sa kanya.

"Uhh, my twin?"

"Yes?" tinignan niya ako bago sumubo ng pagkain, "Wala ka pa din bang balak magkaroon ng boyfriend?" bigla naman siyang nabulunan sa biglaang tinanong ko. Naubo-ubo pa siya, "My twin oh, water." sabay abot sa kanya ng tubig na agad naman niyang ininom.

Maya-maya, tinignan niya ako ng masama.

"Alex, wag ka ngang magtanong ng mga ganyang bagay sakin. Alam mong wala akong panahon para dyan." sagot niya sakin saka nagpatuloy sa pagkain.

Mr. Gangster (Book 2 of GP) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon