MG 3: (Slave?!)

3.1K 103 6
                                    

[ALEXANDER'S P.O.V.]

"Mga brad~ Kaklase ko siya!" sigaw ko agad pagkakita ko kila Kean.

"Sino? Yung babaeng pinahiya ka kanina?" panga-asar ni Justine saka tumawa pa sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo brad! Ayon! Kaklase namin! Ang ganda niya nga e." sabat naman ni Sydney. Binatukan ko nga.

"Maganda pala yun? E kung naging babae nga ako, mas maganda pa ako doon." sabat ko.

Nagkatinginan silang lahat bago tumingin sakin na nanglalaki ang mga mata. Bored ko lang sila na tinignan.

"WAG MO SABIHIN NA NABABAKLA KA NA?!" sigaw nila Kean, Justine, Sydney, Christian, Kent, Laurence, at Brent. sabay-sabay pa talaga ang mga gago. Agad ko naman na binatukan sila. Mga lalaki lang kaming nandito sa tambayan namin sa school garden.

"Mga gago! Anong nababakla sinasabi niyo?" bulyaw ko. Nagsilayuan sa akin ang iba.

"E sabi mo kasi kanina, kung naging babae ka lang mas maganda ka pa dun kay Kim ba yun?"paliwanag ni Sydney.

"Oo nga. E di ibig sabihin, gusto mo maging babae?" tangang tanong ni Kent. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Ulol! Pure boy ako! Straight 'to!" sigaw ko, hinahampas pa ang dibdib.

"Ano pangalan nung babae, Sydney?" tanong naman ni Justine.

"Kim Hyun ata?" di siguradong sagot ni Sydney.

"Kim Ayumi Hyun." sabat ko.

"Ayiiiieeeee~ Alam na alam! Hihi." pang-aasar ni Kent. Pucha!

"Hoy Kent! Baka ikaw ang nababakla?! May pa-hihi ka pang nalalaman." diring sabi ko sa kanya.

"Hoy! Para saan pa at may girlfriend ako?" pagyayabang niya.

"Malay mo, kapag wala si Hailey nababakla ka."

"Hindi ah!" depensa niya.

"Oh ano nang plano mo ngayon at nalaman mo na kaklase mo na yung Kim na yun?" tanong naman ni Brent.

"Uhm.. Ano bang pwedeng iparusa sa kanya?" tanong ko sa kanila.

"Ang sama mo Alex e. Paparusahan mo agad?" reklamo ni Christian.

"Hoy! Kung nag-sorry lang sana siya sakin kanina, e di ayos sana! E hindi! Siya pa yung nagagalit kanina! Keyso daw wala daw kakainin na yung Issa daw. Kaibigan niya ata. Hmp!"

"Woah~ Chill brad." await naman sa akin ni Laurence.

"How am I suppose to chill?! E kailangan ko pa siyang pahirapan e! Hindi ako makakapayag na hindi ako makakaganti sa babaeng yun! At--"

"Tama na! Ang ingay mo e! Daig mo pa babae!" napatigil ako sa sigaw ni Brent. Napangiti ako ng alanganin.

"Ay peace."

"Tsk?"

"E di pahirapan mo. Daming satsat.." sabat ni Justine.

"Close tayo?"

Bigla siyang tumayo at lumapit sakin.

"Ngayon, close na tayo~ " masayang sabi niya kaya nabatukan ko siya.

Humanda ka sakin, Kim Ayumi Hyun! Humanda ka talaga sakin!

***

[KIM'S P.O.V.]

Nandito ako ngayon sa cafeteria. Break time kasi namin tapos sunod, vacant time namin. Ako lang mag-isa, pero bigla na lang sumulpot sa tabi ko sila Issa kasama ang dalawang alipores niya.

Mr. Gangster (Book 2 of GP) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon