THQ 1

4.4K 77 2
                                    

Hey yeah! Oo na itong story na ito ay ang official gift ko para sa lahat ng sumusuporta sa akin. Bakit? Ngayong buwan na to ay ang ikatlong anibersaryo ko dito sa watty kaya magdiwang!

This is a short story to be completed not later than May. This will be composing of 15-20 chapters. Support okay?

THQ- 1
The Not-so Hugotera Queen

"Kyle.", tawag sa akin ng babaeng simula't sapul ay laging nasa tabi ko. Parang buntot na laging nakasunod sa akin. Sya ang anino ko. Swerte nya at anino sya ng isang dyosang tulad ko. Haha.

"Ano ka ba Kyle nakikinig ka ba sa akin? Kanina pa ako dada ng dada dito ah?",asar nyang sabi.

Sus! Naku. Wag na wag mo kong uunahang babae ka at may period pa naman ako ngayon.

"Ano ba kasing kabuluhan yang kwento mo? O nag away na naman kayo ng boyfriend mong di ko alam kung anong nakita sayo at pinatulan ka.",pang-aasar ko sa kanya. Nakasimangot na sya ngayon.

Kung di ko lang talaga mahal tong impaktang to ay pinektusan ko na.

"Eh kasi naman eh.",sabi nya.

Aba! At nag iinarte pa talaga tong babaitang to! Tsk.

"Pang sampung away nyo na to mula last week.",sabi ko habang may kinukuha sa locker.

Alam kong gulat na gulat sya kahit di ko man lingunin. Kabisado ko bawat reaction nyan.

"Oo na nagrerecord ako ng pang-ilan na kayo nag-aaway.",sabi ko ulit.

"Sya naman kasi eh.",sabi nya naman.

Aish. Ang sarap batukan ng babaeng to.

"Wag kang mag inarte dyan. Kasalanan mo kong bakit nag boyfriend ka ng sikat.",sabi ko sa kanya.

Eh tatanga tanga kasi eh alam naman nyang captain ng basketball team yang syinota nya at ngayon rereklamo sya kung bakit ang daming umaaligid na babae. Sus! Abnormal talaga.

"Hiwalayan mo.",maikling sabi ko.

And again alam kong bilog na bilog na ang mga mata nyang nakatutok sa akin.

"Kyle naman.",mangiyak-ngiyak nyang sabi.

Hinarap ko sya at sinarado ang locker.

"Sa calculus lang may infinity. Sa ABS-CBN mobile lang may happy na walang ending. Kaya wag ka ng umasa.",sabi ko at umuna nang maglakad sa kanya kasi nag first bell na.

"Ang bitter mo talaga!",sigaw nya.

"Tao ako. Di ako gulay. Di ako ampalaya.",sagot ko naman na patuloy lang sa paglakad.

"Kyleeeeeennnnn",sigaw naman ng taong kinaiinisan ko. Ang mortal kong kaaway.

"Binigyan ba kita ng permisong tawagin ako sa first name ko?",suplada kong hirit.

Nabwebwesit talaga ako sa taong to. Yung kahit wala syang ginagawang masama bwesit ka pa rin sa kanya, yung ganung feeling, gets mo? Kasi ako di ko magets kung bakit nag-eexist sya.

"Eh ikaw binigyan ba kita ng permisong pumasok sa puso ko? Di naman diba? Pero nagtrespass ka pa rin.",sagot nya.

Inirapan ko sya habang patay na yata tong si Beauty na nasa likod ko dahil sa kilig.

"Wag mo kong bwesitin at ang aga aga pa.",sagot ko habang nilalagpasan sya kasi nasa gilid sya ng pinto.

"Kyle.", tawag sakin ng classmate ko.

"Ano?",sagot ko.

"Meron ka ngayon no? Wala ka sa mood eh.",sabi nya.

Lalo akong nabwebwesit sa mga tao ngayon. Mga walang saysay pinagsasabi.

"Porket ba may period bad trip agad? Ano bang ginawa sa inyo ng regla ko at lagi nyo syang sinisisi sa kawalang kwentahan nyo?!",bulyaw ko.

Natakot yata. Okay. Kasi naman eh alam na di ko kayang makipagbait baitan ngayon.

"Hala. Humugot na naman ulit. Maya nalang kita kausapin.",sabi nya.

Mas mabuti pa. Oo na lalong pumapangit ugali ko tuwing period ko pero naman utang na loob wag naman nila laging isisi sa regla ko yung mood ko. Kawawa naman kasi. Inosente sya.

"Pres Kyle.",may tumawag sakin mula sa labas.

Nakayuko na nga ako kasi parang malalaglag tong matres ko sa sakit eh.

Di ako umimik at pinatapos yung sasabihin pa ng nasa labas.

"Pwede ba daw kunin mo yung journal notebooks natin sabi ni Miss Gracia sa faculty.",sabi nya.

Nak ng tokwa!

Bumangon ako at siguradong puputok na ako.

"Ako lang ba may silbi dito ha? Ako lang ba officer dito. Nak ng tokwa PRESIDENTE ako di ako MAID.",bulyaw ko. Or I must sigaw ko kasi nakatingin sila lahat sa akin eh.

Kasi naman tong dysmenorrhea ko kelangan pang maki extra ngayong araw na to. Bisita ng bisita di naman welcome.

"Ako na pupunta. Wag nyong galitin ang Kyleen ko ah baka matamaan kayo ng hugot lines nyan. The Hugot Queen kaya yan.",pang-aasar ni Madrigal.

Leche talaga tong lalaking to sa buhay ko.

"Leche ka Madrigal!",sigaw ko habang likod na lang nya ang nakikita ko kasi papaalis na sya.

Mula nun kilala na ako sa buong campus bilang The Hugot Queen. Taeng Madrigal yan nagpauso pa eh ako naman ang mahihirapan nito.

Goodbye peaceful highschool life.

The Hugot Queen (FIN) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon