THQ 9

892 31 0
                                    

THQ 9- His Queen

Next week na pala ang intrams kaya medyo busy ang lahat lalo na ako. Wala na nga akong panahong mag break. Ugh.

"Kyle. Kain ka muna. Magkakasakit ka nyan eh.",si Beauty na may mamon at chocolate drink na pinatong sa desk ko. Napatingala ako at napangiti.

Dinala ko na kasi ang trabaho ko dito sa room kasi ayokong lumiban ng class discussions pero mamayang hapon naman eh dun na ako sa SC room.

"Thanks bestie.",sabi ko.

"Pano ba kita matutulungan?",tanong nya sakin.

Kaya mahal na mahal ko si Beauty kasi lagi syang andyan para sa akin. Di pa nya ako iniwan sa mga dark days ko. May isa ngang pagkakataon na ikinancel nya ang date nya kasi may sakit ako. Ang sweet nya diba?!

"Okay lang ako. Ikaw kumain ka na?",tanong ko sa kanya.

Sumimangot sya.

"Kung scrapbooking lang sana yan eh di okay na okay.",sabi nya.

Magaling sa arts si Beauty kaya ganun ang nasabi nya.

"Eh pano ba yan? Paperworks to eh.",sabi ko habang nakangiting nakaharap sa laptop ko.

Oo. Ako kasi gagawa ng mga letters na ipapasa sa lahat ng faculty members at sa principal para sa suggested final schedule ng 3-day(s) intramurals namin. Na pass na to last week pero may changes kasi may suggestions pa ang mga taga faculty.

"Sige na nga. Iwan na kita para makaconcentrate ka.",sabi nya at bumalik na sa seat nya. Ramdam kong nag-umpisa na naman syang mag soundtrip.

Ilang minuto na lang at magreresume na ang afternoon class kaya nag-impake na ako at pupunta na ako sa SC room.

"Beauty! Alis na ako.",sabi ko sa kanya at nag wave na. Kinawayan nya rin ako at sumenyas na mag text sa kanya pag may problema. Tinanguan ko lang naman sya.

Buti nalang at tahimik ang SC room. At dahil ako lang mag-isa sa room ay naging mabilis naman lahat para sakin. Walang distractions eh. Napaunat ako. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakita kong alas kwarto na pala. Tatlong oras na pala akong nagtatrabaho ng non-stop.

Konti nalang at matatapos na rin ako kaya nagpasya akong lumabas muna at mag cr kasi kanina pa akong ihing-ihi. Nang pagkalabas ko nang CR ay napansin kong uwian na pala.

Ipo-proofread ko nalang at ipi-print at tadan tapos na. Yes! At makakauwi na ako. Kaya mabilis pa ako sa kidlat na bumalik sa SC room. Umupo agad ako para matapos na talaga. Ginagalaw-galaw ko na yung touchpad nitong laptop ko pero di sya umilaw. Di ko naman to pinatay ah?!

Bigla akong kinabahan at napalunok ng wala sa oras. Ini-on ko agad yung laptop ko.

"Sinave ko yun. Sigurado ako.",sabi ko sa sarili ko para mawala yung kaba.

Nag-umpisa na akong maghalungkat sa documents at kung saan saang folder. Pero wala. Mangiyak-ngiyak na ako. Ang sakit kasi nag effort talaga ako dun eh! Nawala nalang bigla.

"Nasan ka na ba?",frustrated kong sabi habang patuloy pa rin sa paghahanap ng file.

Tumutulo na ang mga luha ko at nanghihina na rin ako. May bumukas ng pinto di ko naman kasi ni-lock.

"Kyleeen. May dala akong--"

Natigil sya nang tumingala akong umiiyak na. Nilagay nya ang dala nyang pagkain at nilapitan ako agad.

"What's wrong?",nag-aalala nyang tanong.

Pinahiran ko ang mga luha ko.

"Yung file kasi na ginawa ko bigla na lang nawala.",parang bata kong sumbong.

The Hugot Queen (FIN) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon