Chapter 2

985 89 72
                                    

Magkakalahating oras na akong nakaupo sa pabilog na sofa nakapwesto ako ngayon sa pinaka dulo ng silid aklatan upang malayo sa mga estudyanteng hindi ko alam kung nag aaral ba o busy makipag chismisan sa mga kasama tungkol sa akin, kaya nga pinili kong tumambay dito dahil sa pag kakaalam ko tahimik at hindi binibisita ngunit nagkamali ako...napaikot ako ng mata at tinaas ang dalawang paa, hindi pumasok si Victoria dahil kaarawan ng kaniyang lolo kaya wala akong kasama ngayon habang si Mary naman ay hindi ko mapuntahan busy kasi sa pag aaral, hindi ko na din kayang makipag usap sa mga prinsesa dahil naiilang ako waahhhh




Napahilamos ako sa mukha at kinagat ang kuko sa hinlalaki, dahan dahan kong inihiga ang sarili sa sofa at tumitig sa kisame




Nanatili ang tatlong prinsipe kagabi sa palasyo doon na sila natulog sa katabi ng aking kwarto dahil kahit anong pilit kong pagtataboy sa kanila ay ayaw nilang umuwi, sinisigurado ko talaang hindi nila mabubuksan pinto ng kwarto ko, tinulak ko kaya yung malaking cabinet pangharang sa pinto, mas mabuti nang ganun kaysa naman magising akong nasa tabi ko na silang tatlo. Makulit pa naman ang mga kamay ni Raefon at two-faced naman si Albert at Edward akala mo ay walang gagawing masama pero sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala.




Ngayon na unti unti na nilang pinakikita ang kanilang totoong kulay kailangan ko nang mas maging alerto, wala man akong laban sa kanilang tatlo pananatilihin kong matapang ang aking kalooban, hindi ko ipapakitang mahina ako at hindi ko hahayaang kinakaya kaya nila ako.




Magsisisi sila na ako ang taong pakakasalan nila!




Tumunog ang aking tiyan kaya napaungol ako at binaon ang mukha sa sofa, hindi na ako kumain sa palasyo ng pang umagahan kasi balak kong dito nalang sa cafeteria ng eskwelahan kumain ngunit nakita ko naman ang tatlong prinsipeng nakapwesto sa isa sa mga lamesa sa cafeteria kaya hindi na ako tumuloy.




Natigil ako sa ginagawa ng makita ang isang estudyanteng papalapit sa akin




"Prinsipe Cazim"




"Ano ang iyong kailangan?" umayos ako ng upo at inayos ang unipormeng nagusot




"Hinahanap kayo ng tatlong prinsipe---"




Tumayo ako at hinila ang kaniyang kamay, mabilis kaming nagtago sa ilalim ng lamesa nang makarinig ng ilang mga yabag




"Prinsipe---"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Prince Cazim (HIATUS)Where stories live. Discover now