Prologue

17 11 0
                                    

LARISSA'S REVENGE

Matapos mangyari ang pagpatay nila ng pamilya ko hindi na ako mapakali ng maayos nung gabing yun.Malakas ang ulan at hangin kasabay ang pagkidlat sa maitim na kalangitan habang ang luha ko umaagos sa sobrang lungkot at takot.

Labis akong nanginginig sa sobrang takot hindi sa ginaw nito sa ulan at hangin.Hindi parin mawala sa isipan ko kung paano nila pinatay ang pamilya ko sa loob pa ng pamamahay namin.Sa mura kong edad nasaksihan ko ito na walang awa at walang kalaban laban nilang sinaktan ang pamilya ko.

Dalawang oras akong naglalakad sa ulan at sobrang lalim na ng gabi,ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta dahil sa mga nangyayari.Masyadong mabilis ang pangyayari nung gabing yun.

May nakita akong sasakyan papalapit saakin,akala ko sila yung mga tao na pumatay sa pamilya ko pero nagkamali ako ng maramdaman kong may yumakap saakin at binigyan ako ng towel para hindi ako ginawin at sinabing...

"Nasaan ang parents mo?bakit ka naglalakad mag-isa sa ulan?anong nangyari sayo?".

Yun ang iilang mga sinabi ng babae saakin na parang nasa 40's na ang edad nito.Wala akong nasagot lahat sakanyang tanong at sinabi at ipinasok nalang niya ako nito sa loob ng sasakyan.

Simula ng araw na yun,nagbago ang buhay ko.Sobrang baet niyang tao at tinuring niya akong sariling anak.Lahat binigay niya saakin kung ano man ang gusto ko.Kahit na ganun,hindi parin mawawala ang memorya ko sa nangyari ng pinakamahal kong pamilya.

Gabi-gabi palagi akong nagkakaroon ng masamang panaginip,kagaya nung pinatay ang pamilya ko.Dahil sa trauma at takot ko hindi ako pinabayaan nung babae na nag adopt saakin.

Sa lumipas na pitong taon kong pagtatago nagkaroon na ako ng tapang na lumabas at ipakita na gusto ko ng hustisya sa pagkamatay ng pamilya ko.Sabi ng babae saakin...

"Dont let your fear kills you.All you wanted to do is fight back.Gusto mong mag revenge sa pagkamatay ng pamilya mo?then DO IT!".

Sa sinabi niya nagkaroon ako nito ng lakas.Hindi ako nagdadalawang isip na gawin ito dahil alam kong tama ito.

Magugustuhan man o hindi ng parents ko ang gagawin ko wala na akong pakealam.Kung papatay ako ng tao gagawin ko para mawala ang galit ko na nakatanim saaking utak at puso sa pitong taong pagtitiis ko.

NGAYON! MAGBABAYAD SILA SAKANILANG GINAWA SA PAMILYA KO!




Minami Hamabe as Larissa Spears
--------------------------------------------
Main character

LARISSA'S REVENGE [ONGOING]Where stories live. Discover now