Chapter 4: Feelings

1 0 0
                                    

Chapter 4: Feelings
Author's point of view

Maagang gumising si Larissa at pumasok sa school.Akala niya wala pa masyadong mga estudyante dahil 6:20 palang sa umaga nito pero nagkamali siya.Nasa malayo palang siya sa gate ng maraming estudyanteng mga babae nagsisigawan at nagtitilian.

Ahhhhhh omg who is he?

Napaka gwapo niya sobra!

Ang hot niya tignan.

Wahhhhh boyfriend material siya.!

May girlfriend na ba siya?ahhhh

Omg ngayon ko lang siya nakita dito.

Lahat ng mga babae ay pinag-uusapan ang isang lalaki na nakasandal sakanyang sasakyan at nakatingin lang ito sakanyang cellphone at hindi man lang pinapansain ang mga babaeng nakatingin sakanya.

Nakita ni Larissa ang dalawang kaibigan ni Bernadeth na sumali din.Nagtataka si Larissa nito dahil wala si Bernadeth at doon napangiti ng kusa ang kanyang labi ng malaman niya kung bakit.

Baka,gulat na gulat parin ito sa nangyari sakanya noong nakaraang araw kaya hindi ito nagawang pumasok sa school.

"Magkikita rin tayo,Bernadeth".Mahinang sabi ni Larissa sakanyang sarili at nagsimulang maglakad papalapit sa gate.Nakipagsiksikan siya nito para makarating kaagad sa classroom kaso dumami ng sobra ang mga estudyante.

"Padaan po.Excuse me po.Dadaan po".Sabi niya habang pasikip ng pasikip ang dinadaanan niya.

Girls lapit tayo kay hotte'

Omg lets go!

Dahil sa sigawan at kilig ng mga babae nagtakbuhan ang iba at nagtulakan kay hindi maiwasang madamay si Larissa nito habang naglalakad.

Pilit man niyang iwasan lahat ng mga takbuhan ng mga babae pero dahil sa tensyon ng lahat nawalan ng balanse si Larissa at napaupo ito sa lupa.

"Aray!"sigaw niya sa sakit pero wala ni isa ang tumulong sakanya nito.Inayos niya ang kanyang salamin sa mata at kinuha ang libro niyang nahulog din.

Napalingon ang lalaki sa direksyon niya sa di inaasang pangyayari.Kumunot ang noo nito at inayos ang tingin sa babaeng nakaupo sa lupa at inaayos ang kanyang gamit.Doon ito nagulat ng makilala niya ito kung sino.

"Ano ba yan nagmamadali ako ehh".Sabi ni Larissa at tatayo na sana siya ng may humawak sakanyang braso nito.

Nagtaka siya sa una pero pag lingon niya doon niya nalaman kung sino ang tumulong sakanya sa pag tayu.

Everything freeze at that time.Only her heart start beating so fast and coudnt stop at that moment.Wala siyang inaasahang mga pangyayari pero bakit sa lahat pa na taong tumulong sakanya ay ang taong gusto niyang kalimutan.

"Are you alright?let me help you".Sabi nito at tuluyan na siyang tinulungang makatayo nito.

Nakatingin lamang si Larissa nito sa lalaking tumulong sakanya at natigilan lang siya nito ng maramdaman niya na umiinit ang kanyang mukha.

"S--Salamat".Nauutal niyang sabi at umalis na kaagad.Ngumiti si Zackary nito at nag cross arm nakatingin kay Larissa paalis.

Pilit na pinipigilan ni Larissa ang kanyang nararamdaman at binilisan ang kanyang lakad hangang sa makaabot na siya sa classroom at doon umupong nakatulala.

Alam ng puso't isipan niya na iniwan siya ni Zackary nung oras na kailangan niya ito yung mga oras na masaya siya na makita siya.Ilang taon na ang nakalipas at alam niyang nasasaktan parin siya hangang ngayon sa ginawa ni Zackary pero traydor ang puso niya.May kaunting nararamdman parin si Larissa nito.

LARISSA'S REVENGE [ONGOING]Where stories live. Discover now