Chapter 2: Hating him

2 0 0
                                    


"OOOHHH, kay bilis namang maglaho nang pag-ibig mo sinta! Daig mo pa ang isang kislap mata. Kanina'y na riyan lang, oh bakit bigla na lang nawala! Daig mo pa ang isang kislap mata..."

Hindi makapag-focus si Bella sa ginagawa niya dahil sa pag-iingay ni Klutz may dala kasi itong gitara at nagtugtug habang kumakanta sa loob ng opisina nila. Kinuha niya ang papel na na-i-print niya at binasa kung may mali pa doon dahil nga sa hindi siya makapag-focus kaya inis na nilukot niya ang papel na hawak niya at ngali-ngali na niyang ibato ito kay Klutz.

 
May mga times na, na-iimagine na niya ang sarili na i-shoot ang nilukot na papel sa bigbig nito na nakabuka habang kumakanta.

 
Bakit kailangang magdala pa nang gitara sa loob ng opisina? Nagtaas baba tuloy ang bibig niya sa inis dito.

 
"May gigs ba tayo?"

 
Narinig niyang sabi nito habang may kausap sa telepono, nakita niya itong umayos nang upo at inilipat sa kabilang tenga nito ang telepono. "Sandali lang pre isusulat ko lang yung address."

 
Sumilip siya at nakita niyang nagmamadali itong kumuha nang ballpen at nagsulat. "Ilang banda raw ba ang makakalaban natin?"

Narinig niya pang sabi nito. Nagbabanda ang ogag na 'to? Kailan pa? Kung sabagay nung high school pa sila nakikita niya madalas kumanta ito sa loob nang room nila kasama ang mga loko-loko niyang classmate na lalaki. Yung walis tambo ginagawang gitara tapos mag-ki-create sila nang sounds like "tew-tew", parang tunog nang gitara kahit na galing lang naman yun sa bibig nila. Kaya palagi silang napapagalitan nang teacher nila noon. Hindi rin pala ito nagbabago. Tapos ang lakas niyang sabihin sa akin na ako ang walang pinagbago? Siya din naman, ah? Ganun pa rin siya? Para parin siyang tanga!

"Hoy! pagtumawag si ate o kaya si Kuya sabihin mo nandito lang ako sa loob ng opisina o kaya nasa kitchen ako, okay? Aalis ako may pupuntahan ako," Saad nito at akmang aalis na.

Nagmamadaling saad nito habang nakatingin sa salamin at dahan-dahan sinusuklay ang buhok nito.

 
"Naririnig mo ba ako?" napatigil siya sa pag-ta-type at lumapit dito na naka-cross ang mga kamay.

 
"At saan ka naman pupunta?"

"Huwag ka nang maraming tanong! Sundin mo na lang yung mga sinasabi ko!"

"Hindi. Hindi pwede!"

Tumigil ito sa pagsusuklay at tumingin sa kanya. "At bakit hindi?"

"Dahil may meeting ka,"

"Ede ikaw na lang ang pumunta dun."

"Hindi pwede kailangan ka doon."

"Para saan ba ang meeting na 'yan?"

"Para i-check at alamin lahat nang nagyayari sa iba pang branch nang negosyo ninyo,"

Nasa main branch kasi sila at sa pagkakaalam niya trabaho yun ni Klutz na pangalagaan at alamin lahat nang mga nangyayari sa mga iba pang branch nang negosyo nito. Simula sa mga empleyado hanggang sa mga produkto nila. Kung stable pa ba ang mga ito. Kung wala bang problema sa mga empleyado nito kung maayos ba ang kita nila. Klutz should know that. Mukhang may mas alam pa siya kaysa rito.

"Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo!"

"Ah, ganun? Tatawagan ko si Sir?" aakmang lalapit na siya sa linya nang telepono nang inunahan siya nito at itinaas ang telepono. Dahil matangkad ito hindi niya ito maabot. Nakakaasar!

"Akin na 'yan!"

"Ede kunin mo bansot! Hahaha!" sa kagustuhan niyang makuha ang telepono sa kamay nito na outbalance sila at natumba sila pareho. Siya namang pagbukas nang pinto. Pumasok ang isa pang babae. Patay!

"Klutz? A-Anong ginagawa ninyo?"

"OY! SABRINA! ikaw pala!" bigla siyang itinulak ni Klutz na muntik na niyang ikasubsob sa malapit na trashcan sa loob nang opisina nila. Ang bwusit talaga na 'to!

Mabuti na lang at nakahawak siya sa sa may upuan kaya hindi siya natumba dahil kung hindi baka hinalikan na niya ang basurahan.

"Para sayo Klutz,"

Inayos niya ang sarili niya at napatingin siya sa babae na tinawag nitong Sabrina. May dala itong cake at kinuha naman iyon ni Klutz at ipinatong sa mesa saka binuksan. "Upo ka. Ehem, Ah Bel pwedeng pakikuha nang platito at tinidor kasi kakainin namin 'tong cake?" saka ngumiti ito na parang totoo.

Pasimple niya itong inirapan. "Opo, Sir?" kunwari'y sagot niya na pilit pinapakalma ang boses kahit na gustong-gusto na itong batokan kanina pa.

"Kumusta?"narinig niyang tanong nung Sabrina girl bago siya lumabas nang opisina, bago niya isinara ang pinto, sumilip siya nang kaunti sa nakasungaw na pinto bago iyon sinara. Pinagmasdan niya yung Sabinna girl. Mukhang bata pa ito kung hindi siya nagkakamali siguro ay ka edaran lamang ito nang anak ng kapitbahay niya na naglabing walo pa lang nitong nakaraang araw.

Namuo tuloy ang malaking kursyunidad sa isipan niya.

Tinungo niya ang kusina at napadaan siya sa dining area marami silang customers kaya sumaya na naman ang araw niya. The more na maraming customers, the more na maraming benta marami ding customers at kapag maraming benta tuloy-tuloy pa rin ang negosyo kasi ito naman talaga ang source of income nila. At kapag maganda ang kita nang negosyo hindi siya mawawalan nang trabaho. Pati na rin ang iba pang crew dito na ito lang din ang inaasahang source of income nila sa araw-araw na pamumuhay nila.

Sana lang maisip ni Klutz yun palibhasa hindi siguro nito naranasan ang hirap nang buhay. Yung tipong ikaw ang mag-po-provide nang pagkain mo at iba pa niyang panga-ngailangan sa araw-araw.

Naiinis siya ngayon. Naiisip niya kasi ang magiging sitwasyon nila kung si Klutz ang magiging boss nila baka hindi pa isang buwan lugi na itong restaurant o di kaya naman ay magsialisan na ang mga empleyado rito. Gosh! Di ko pa man carry na mawalan ng trabaho pero nakakapanlumo.

Magpapasko pa naman napatingin siya sa kalendaryo. Oktubre na ibig sabihin beer months na. May mga naririnig-rinig na rin siyang kantang pang-christmas.

"Ate felly, paabot naman po ako nang tatlong--ah, dalawang platito." Pagtatama niya. "Pakisamahan ninyo na rin nang tinidor at softdrinks. Salamat po."

"Ito po Maam,"

Iniabot naman nito ang isang tray na may lamang platito at softdrinks katulad nang mga iniutos niya dito kanina. "Bel, ako na magdadala niyan!"

Pagpi-prisinta ni Sed, ang isa sa mga magaling na chef nila. "Nako huwag na nandyan si Sir, 'di ba bawal yung aalis-alis kayo sa pwesto ninyo? Saka ang daming customers,"

Paliwanag niya. "Salamat na lang, sige na una na ako baka hinihintay na nila ito."

Sed ang isa sa una niyang naging ka close dito sa trabaho nung bagohan pa lamang siya sa restaurant na ito. Tulad niya kapos din ito sa buhay na nagsikap kaya nakapagtapos nang pag-aaral. Kumpara kasi sa kanya si Sed kasi kahit papaano may mga kapatid pa ito na tumutulong dito nung nag-aaral pa ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Feeling's, Feelingero!Where stories live. Discover now