Hawak pa rin ni Donny ang kamay mo hanggang makalabas kayo ng bar.
"Please get in," malumanay na sabi ni Donny habang bahagyang itinuturo ang kotse niya. Sumunod ka naman sa kanya at naupo sa passenger's seat.
Patuloy lang sa pag-agos ang luha sa iyong mga mata.
Tahimik lang na nagmamaneho si Donny sa tabi mo. After a few minutes, nagsalita siyang muli.
"We're here." Napatigil ka sa pag-iyak mo.
You looked up to see na nasa 7eleven na kayo.
He gently touched your right cheek kaya napaharap ka sa kanya.
He's looking at you intently as if searching for something in your face, in your eyes."May bibilhin lang ako."
After a few minutes, he came back holding two cups of coffee and a paper bag of Kakambread. Your favorites.
"Okay," he said sabay buntong-hininga. "Tell me what happened."
"Please tell me what happened," pag-uulit niya.
Ikinuwento mo na nakita mo si Sandro, with your own pair of eyes, kissing some girl sa loob ng office niya. Pumunta ka the other day, lunch time to surprise him pero ikaw pala ang masu-surprise.
"Kung hindi ako dumating nung oras na yun, God knows kung yun lang ang aabutin ko sa kanila." You are crying but at the same time, there is rage in your voice. "I should have seen this coming. I always see him flirting with girls pero binalewala ko lang. At hanggang ngayon, eto ako. Isang malaking shunga pa rin na iniiyakan ang isang katulad niya."
Naramdaman ko na lang na pinapahid na ni Donny ang mga luha ko gamit ang panyo niya.
"I must be looking very awful right now," sabi mo pa. You even blow your nose gamit ang panyong bigay ni Donny. "Palitan ko na lang itong panyo mo ha?"
Bahagya namang napangiti si Donny. "Hindi mo na naman kailangang palitan yan. Kaya naman talaga ako nagdadala ng panyo ay para sa uhog mo."
Tumingin ka sa kanya and you saw his playful grin.
"Grabe ka dun sa uhog ha," sabi mo habang pinapakalma ang sarili. You took a deep breath and stared at the car's window.
"Bakit ba kasi hindi na lang ikaw?"
BINABASA MO ANG
Kakambread con hotdog
RomanceFeaturing my sister, Fibby Quinto Written after the Philippines' National Elections on May 2022