C for Caller Boy (One Shot)

1.8K 40 10
                                    

This is my first story, my first one shot story.

Sana magustuhan nyo. Enjoy ^___^

--------

Happy Valentine's Day! Magandang maganda...

na naman ako sa umaga! Good morning listeners! Nandito na naman ako, Dj b, ang sisira at magpapasaya ng pakikinig nyo. Araw ng mga puso na naman parang kahapon lang may lovelife kapa! Ngayon nganga kana.  

Para sa may mga lovelife, Sige IKAW NA! (laughs) Mararamadaman kung gaano kalalim ang pagmamahal sayo ng jowa mo, depende sa laki ng bulaklak na ibibigay nya sayo! CHAAAAAAROOOT. Ang araw na ito ay para sa inyo! Sulitin ang araw kasama ang mahal mo, at paalala..

 

Wag mag papaputok.. (sound: booom)

Para sa mga single dyan, wag kang magalala, DI KA NAGIISA! HAHAHAHA Siguro nga sa araw na ito mabobored ka, ma bibitter at makakaramdam ng lungkot! Pa gm gm habang nag lalakad, iwas tingin sa mga couple sa tabi! Kung mangyari to sayo! Senyales yan, TIGANG kana.

 

Pero isa lang ang nasisigurado ko sa lahat! Single man o taken, parepareho nating iisipin ang love. Hay nako! Ano ba yan! Tama nga! Love is in d'air! 

 

Eto ang kanta ni Yeng, Pag ibig! Aba aba naman ho.. ♥

 

Playing....

 

(Unat unat) Hayyy! 7am at na andito na ako sa station.

Bago lang kami ni Kim dito, na discover lang kami ng professor ko noong isang araw na nag kkwntuhan kami ni Kimbe tungkol sa ex ko!

I mean, ex- nkakatinginan, ex-nakakangitian, ex-friend sa facebook, ex-schoolmate. Oo hindi naging kami. Pero diba parang ganun na din yun? Alam ko kasi, may something sa amin. Sa mga tingin nya, sa ngiti nya..

 

(INSERT MALAKAS TAWA NI KIM SA PAGIGING ASSUMING KO)

 

Konti lang din ang nakakaalam na ex ko sya. Hahaha bale yung mga classmates ko, hs friends. Basta gets na nila yun.

Ang galing ko daw pala makipag usap at maganda daw ang boses ko bukod pa dun parang may laman daw lahat ng mga sinasalita ko. Oo napansin nya na parang ang bitter bitter ko.

Ewan ko ba dun sa prof kung yun. If I know! Echusero lang sya at napaka chismoso nya! 

Sayang yung kita! Tinanggap ko na din. Total naman 1 parati ang start ng class namin. Humahayskul lang ang peg, half day. Hihi! Pambili ko din ng damit! Oo mahilig din ako mag shopping, hindi afford ni mommy ang weekly shopping gastoses ko e! Kaya eto pumapart time ako. 

Oo nga pala! Barok ako! Hahaha so naman diba?

"Hoy babaeng bitter! Halika na dito! Dalian mo. Sagutuin mo mga caller natin." sabi ni kim

Ayan si Kim! Ang nakakaalam ng lahat sa akin. Ka dj ko sa umaga, kagayahan sa klase, kaharutan sa gabi, kaarasan 24/7!  Mahal na mahal ko yan! 

Ay oo! Ako nga pala si Alyssa Bea Gonzales. Mas kilala sa pagiging Bii.

Dj B.

Bitter girl

C for Caller Boy (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon