CAELUM'S POV
"Hi V kanina pa kayo" Nakangiting bati ko
"Uhm di naman kakarating lang din naming" Masiglang bati ni Sirveos
"Tara na malapit ng magstart ang klase" Walang siglang sabi ni Skyrous
"Ito naman nag-uusap pa ehh" Sabi ni Daniel
"Edi maiwan ka, ayokong mapagalitan ako ni Miss, masakit sa tainga" Sabi ni Skyrous
"Psh,"
"Sige sige" Sang-ayon naming tatlo
Sabay kaming pumunta sa room at saktong papunta narin si Miss
"Good morning, Class" Nakangiting sabi ni Miss
"Good morning, Miss" Sabay sabi ng buong classmate ko
Nagdiscuss si Miss tungkol sa 6 kingdoms and yung iba naman ay hindi maintindihan and nag ask ng question si Miss.
"Complex cell types that contain organelles enclosed in membranes, what is it"
"Everyone"
"Mr. Gonzales?"
"I don't know Miss"
"Ms. Rabian"
"No idea Miss"
"Mr. Vannia?"
"Monocot Miss??" Patanong na sagot ni Skyrous
"WRONG!!" Sigaw ni Miss
"My god everyone this is very simple, hindi ba kayo nag-aral!"
Bigla kong naalala si Dain siguro mag-uunahan pa kami sa pagsagot sa recitation. Hindi ko namalayan na sumigaw na si Miss kakatawag sa pangalan ko.
"Mr. Acruxion???!!!?"
"What?" Malumay kong sabi
"Answer my question!!"
"What is your question, Miss?"
Napailing si Miss mukang naiinis na
"Complex cell types that contain organelles enclosed in membranes, what is it!!"
"Ahhhhh"
"What do you mean "AHHH"!!!"
"Ahhh wait I'm still thinking"
"THINKING!!!!"
"Eukaryotic Cells Miss"
HAHAHAH ang sarap palang tignan ng mukha ni Miss para syang asong na ulol sa itsura nya, that's what you get for reminding of Dain
Nagwalk-out si Miss sa classroom at padabog na sinara ang pinto at narinig kong nagbubulungan ang mga kaklase ko
"Hahaha grabe yung inis ni Miss"
"Grabe tong mang-inis tong si Caelum"
"Dahil sa kanya mabilis natapos magdiscuss si Miss HAHAHA"
"Bakit kaya naging ganyan na si Caelum hindi naman sya ganyan dati ahh"
"Oo nga noh nagkaganyan lang sya simula nung lumipat si Dainasty"
Hinapas ko ang lamesa ko para magsitahimik sila. Tch ayokong maririnig ang pangalan nya pero kusa kong naalala si Dain
"Loko ka C bakit mo ininis si Miss" Sabi Daniel
"Gusto ko lang" Ngisi kong sabi
"If I know may naalala sya" Natatawang sabi ni Sirveos
YOU ARE READING
Unexpected Tomorrow
Teen Fiction"The memory you shared will not be lost but the feeling will pass away"