Kapitulo Seis

13.3K 659 58
                                    

Mayor Lemuel 2.0


Lia's

HINDI na naman kami okay ni Lemuel at pinipilit kong h'wag magkaroon ng pakialam sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya noong nakaraang gabi. Sa tagal ng pagsasama naming dalawa, ganoon lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Sa dami ng mga kabutihang ipinakita ko sa kanya, hindi kaya niya naisip na kahit may kasamang kontrata ang kasal na ito ay iginagalang ko ang kung anumang relasyong mayroon sa aming dalawa? How dare him tell me something like that? Ganoon lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Pakiramdam ko kagabi, ang liit – liit ko.

I never treated him bad. Kahit na madalas niyang nakalilimutan ang mga bagay tungkol sa akin, kahit kailan ay hindi ko iyon isinumbat sa kanya. Hindi ako nagdala ng lalaki sa bahay na ito – not that I have other men on the side – but other than R3, I have other male friends, pero kahit kailan ay hindi ko sila dinala rito kasi nirerespeto ko siya bilang asawa ko. Unlike him, he keeps his girls around here. Iniisip ko nga kung alam niyang alam ko ang pinagagawa niya. Most of the time, si Libby ang dinadala niya rito, hindi ako nagtatanong sa kanya pero alam ko naman ang buhay na posibilidad na siguro si Libby ang mahal niya.

But he was giving me mixed signals last night. Sa buong buhay naming mag-asawa ay ngayon ko lang nakita na gumaganoon siya sa akin – and even though I don't like it, a tiny bit of hope was planted in my heart...

Pero nabasag din iyon kagabi.

I sighed.

"Nandito na tayo, Lia. Hindi ka pa ba papasok sa bahay ninyo?" Sa kakaisip ko kay Lemuel ay hindi ko napansing nakauwi na pala kami. Tiningnan ko lang ang manager ko at ang driver ko bago muling nagbuntong – hininga. This house doesn't feel home anymore. I used to always look forward on coming home, pero ngayon, ayokong umuwi. Ayoko siyang makita, nasasaktan kasi ako.

Pero... napansin ko ang sasakyan ni Lemuel na naka-park na sa loob ng garahe. Nagtataka ako, bakit napakaaga niyang umuwi? Hindi kaya may sakit siya? But then, anong pakialam ko? Napailing na lang ako at bumaba ng sasakyan. Pagod ako at wala sa mood na makipag – usap sa kanya pero pagpasok ko ng bahay, hindi lang pala si Lemuel ang naroon kundi pati na rin si Atlanta. She was all smiles when she saw me. Tumayo pa siya para hagkan ako sa pisngi at yakapin.

"You look so tired. Did they give you breaks sa shoot kanina?"

"Yup. Napagod lang ako sa byahe. Anong meron?" Hindi ko matiis na itanong. Lemuel looked at me with worry in his eyes, pero para sa akin bai yon o baka naman naiisip niyang sasabihin ko kay Atlanta ang mga sinabi niya kagabi? Anyway, hindi ko naman sasabihin iyon.

"Oh, nasabi ko na kay Mayor. Ikaw at siya ay lalabas mamayang gabi! It's been a while since you two are trending kaya magkakaroon kayo ng public appearance. The boys will be launching their new album tonight. Mag-attend kayo roon para naman support na rin kina Diego. Also, please wear some couple stuffs. Ang cute noon! Oh my god! Sure na sure akong pag-uusapan na naman kayong dalawa.

"Can't I not go?" Mukhang ikinagulat ni Atlanta ang sagot ko. I used to be so excited about all of this pero hindi ko talaga magawang i-uplift ang spirit ko.

"Lemuel!" Sumigaw agad si Atlanta. "Ano na namang ginawa mo?!"

"Atlanta, wala siyang ginawa." Mariing wika ko. "Pagod lang ako. Hindi baa ko pwedeng mapagod?" Nakaramdam ako ng pagkainis. Hindi ko na hinintay si Atlanta na magsalita pa. Agad akong umakyat sa silid ko para magpahinga. I felt like crying, pero hindi ako iiyak para kay Lemuel. Sayang ang luha ko sa kanya. Sa ganang ganito ay naiisip kong magtaas nang puting panyo. Ayoko na talaga. I felt so small. Akala ko naman sa mga taong pinagsamahan namin, magiging maayos na kami, na makikilala niya ako at alam niyang hindi ako basta tatalon sa isang relasyon tulad ng ginagawa niya.

DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon