Kapitulo Doce

12.1K 600 36
                                    

Someone broke in!

Lemuel's

We were a given a week and I hated that thought. Naiinis ako sa kaalamang wala akong magawa kundi ang tanggapin ang mga bagay na ibinigay sa amin ni Atlanta. Naiinis ako sa katotohanan na wala kaming choice kundi ang sundin niya. Hindi naman gaanon kakitid ang utak ko, galit ako pero naiintindihan ko siya and the fact that Lia is always trying to make things better agitates me more. Hindi naman kasi dapat ganito. We need the annulment to make things better, bakit kailangan naming isipin ang ibang tao samantalang dalawa lang naman kami sa relasyong ito?

"You're thinking about it again..." Bigla akong napalingon kay Lia. We were in the bed inside the guest room. Hindi kami natutulog sa silid ko o sa silid niya. I don't want us in my room, there have been other people there. May mga bagay akong ginawa sa loob ng silid na iyon na pinagsisisihan ko sa ngayon. Lia had been patient with me, pero ako dahil sa kagustuhan kong makalimutan siya, gumawa ako ng mga bagay na hindi ko naman dapat ginawa. I want to devote my life to Lia now. I will make it up to her. I will make sure that she is happy. I will make her happy.

"I can't help it."

Umupo si Lia at hinawakan ang kamay ko. She even kissed the palm of my hand tapos ay ngumiti siya sa akin. Lia's smile is like a light in the middle of nowhere. It makes everything look better, it makes everything easier kahit na siguro iyong pinakamahirap na problema sa mundo kung ngingitian ako ni Lia maiisipan ko ng solusyon.

"We have a week before I leave... let's make the most out of it." Sabi niya sa akin. "I want to love you while we have this. Let's do things together, watch a movie, eat out –" Bigla siyang napangiwi. "Hindi ng apala tayo pwedeng mag – eat out, makikita tayo." Napakarami pa ring press sa labas ng bahay namin. Napahagikgik ako kahit napakalaki ng agam – agam ko sa ngayon. Tumawa na rin si Lia. "We will make the most out of it, okay?" Ulit niya. Tumangi na lang ako. I could think of a million things to do with her. Iisipin ko na lang na darating ang araw at oras na makakasama ko si Lia nang pareho na kaming malaya.

"I love you." Lia mumbled.

"I love you too." I pecked her lips. Matapos ang halik na iyon ay niyakap niya ako nang mahigpit saka pinaulanan ng halik sa pisngi hanggang sa hindi ko na mapigilan ang mapatawa. Yes, Lia makes things better.

xxxx

NANG araw na iyon din ay kausap ko si Diego. He's worried about Atlanta and their child. Kapapanganak lang naman ni Atlanta six months ago at para raw nararamdaman ni Nebraska – their baby girl – ang stress ng mommy niya. Hindi lang naman si Atlanta ang na-stress dito, ako rin. Sa katunayan, hindi ako pumapasok ng office. I took a leave from it all. Mas kailangan kong mag – focus kay Lia at sa nalalabing araw naming dalawa.

"Hindi ko na mapakalma si Lanta." Wika ni Diego sa kabilang linya. "She's mad, she's angry, she's getting crazy. Palagi siyang may kausap sa phone. Pinate-take down niya lahat ng articles na may kinalaman sa inyong dalawa. Pero pinakagalit siya doon kay Gino. Nakikisawsaw ang putang ina, pinsan."

"I'm sorry for all of these." Mahinang wika ko. Kasalanan ko naman talaga. Kung napigilan ko ang sarili ko nang gabing iyon ay wala kamin sa gulong ito pero huli naman na ang lahat. Kailangan ko lang magpakalalaki at harapin ang lahat ng ito. May mga bagay akong dapat gawin and I will do that right after Lia leaves. Ngayon, gusto ko munang tulad niya ay enjoy-in ang nalalabing araw at oras na magkasama kaming dalawa.

"It's gonna be okay, Diego." Wika kong muli. "But I have to go. Lia's calling me." Ibinaba ko ang phone pagkatapos ay bumaba na ako ng sala. She told me to meet her there after twenty – minutes. Hindi ko alam kung anong binabalak niya but I am excited. Pinipiliy kong hindi ipakita sa kanya na nalulungkot ako, na ayoko ng mga pangyayaring ito. I was walking down the stairs and I could smell something so delicious. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon