Maureen
"Kailan mo balak sabihin saakin? Kapag kumalat na?"
"Kapag hindi na natin kaya ayusin yung issue? Ganon ba ang gusto mo? Ayaw mo na ba sa career na 'to?"
Sunod-sunod na tanong ni Mama May saakin.
"Hindi naman po sa ganoon. Inaalam ko palang po kasi yung feelings ko talaga" naka-yuko kong sagot dito.
Nag-lakad lakad ito sa harapan ko. Nandito ako ngayon sa opisina niya kung saan dito din ang opisina ng iba't ibang agents na under ng management.
"Mau, sana hindi mo maisip na nagagalit ako kasi babae ang.. kung ano mang mayroon kayo. Ang kinagagalit ko lang ay hindi mo kaagad sinabi. Diba lagi ko namang sinasabi sayo na kung sino man ang makakarelasyon mo, sabihan mo kaagad ako para alam ko ang gagawin ko kapag may lumabas na issue" lintaya nito na naiintindihan ko naman.
"Opo. Opo. Sorry, Mama May.."
"Kailan pa ito? Nililigawan mo? Or nililigawan ka?" tanong nito at umupo sa tabi ko.
"Nag-simula noong kasalukuyan naming nagte-taping. Pero nagkaroon ng aminan mga two months ago.." kwento ko rito. "I think, ano po hmm. Siya ang nanliligaw"
"Gaga ka" at nanlaki ang mga mata nito. "Isang Miss Victoria Lu ang nanliligaw sayo? Ganda mo ah" at ngumiti ito dahilan upang mapangiti rin ako.
"Well.." wika ko at kunyaring nag-flip ng buhok.
Nang umagang iyon ay pinag-usapan lang namin kung sino ang nakaka-alam. Kung saang mga lugar kami pumunta at kailan para alam niya ang ire-rebutt niya sa mga maaaring issues at litrato na lumabas.
Aminado ako na guilty ako dahil hindi ko kaagad nabanggit ito kay Mama May. Noong una kasi, hindi ko talaga naisip na kailangan kong pangambahan ang ganitong eksena sa career ko dahil unang una, hindi ko alam ang nararamdaman ko kay Vic.. noon.
Pababa na ako ng building nang nakatanggap ako ng tawag.
"Hindi ka naman kinain ng buhay?" tanong ni Vic sa kabilang linya dahilan para matawa ako.
"Muntik na" sagot ko rito na ikinatawa niya.
"Tapos kana ba? Sunduin kita"
"Huwag na. Mag ta-taxi nalang ako" sagot ko at tinulak ang glass doors palabas.
"Mau, I insist. Let's eat outside"
"Hindi na pwede. Kailangan natin mag-ingat" malungkot kong sabi.
"Edi let me just fetch you. Tapos we can eat in my place" pangungulit pa nito. Pakiramdam ko na nakasakay na ito sa kotse.
"Fine" sagot ko naman. Gusto ko din kasi siyang makasama.
Hinintay ko siya sa harapan ng building at nagulat pa ako nang limang minuto palang ang nakakaraan ay nakarating na siya kaagad.
Sumakay na ako sa sasakyan nito at binati naman niya ako ng halik sa pisngi.
Ngiti-ngiti ito. "Ang ganda mo naman"

BINABASA MO ANG
Silver Screen (GxG) [On-hold]
RomanceMau Benedicto is an amateur actress and is picked to play a major role in a Filipino film. And on the said project, she was casted with the veteran star of the country, Victoria Lu. From strangers to colleagues, and later on flourished into secret...