FOUR

22 7 0
                                    

"Lucian!" masayang kumakaway sa akin si Ayla mula sa labas ng building ng condo ko.

Nilapitan ko siya at inalok ang kamay ko. Nagtataka naman siyang tinignan ito.

Nakangiti kong kinuha sa kanya ang dala niyang bag at lumapit sa kotse kong nakaparada na sa labas. Inilagay ko sa loob ang bag namin at pinagbuksan siya ng pinto.

"Salamat." nakangiti niyang pagpapasalamat bago pumasok sa loob.

Umikot naman ako papunta sa kabilang gilid ng kotse para pumasok sa driver seat.

"Ready to swim?" tanong ko na agad namang tinanguan ni Ayla.

Binuhay ko ang makina at nagsimula ng magmaneho.

"Lucian Reyes." pagbanggit ko ng aking pangalan para mahanap ng receptionist ang reservation ko.

"Two rooms po, Lucian Joshua Reyes." pakukumpirma niya at may inilapag siyang dalawang susi. "Room 102 and room 114, sir."

"Thank you." nilapitan ko si Ayla na naka upo sa sofa. "Let's go."

Tumango siya at tumayo. Sabay kaming naglakad papuntang elevator, nang makarating kami sa second floor ay hinanap namin ang kwarto na gagamitin namin. Madali lang naming nahanap dahil magkatapat lang pala. Marunong talagang umunawa si Leo.

"Pahinga tayo saglit tapos baba tayo para kumain." sabi ko bago pumasok sa loob ng room 114.

Inilapag ko ang dala kong gamit sa gilid ng kama at tinanggal ang aking sapatos bago mahiga.

***

Napadilat ako dahil naalala ko ang sinabi ko kay Ayla. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako ng mahigit dalawang oras. 

Nagligo muna ako bago lumabas ng kwarto, agad ko namang kinatok ang katapat na pinto.

"Ayla?" pagtawag ko habang kumakatok.

"Sir? Bumaba po yung babae diyan kanina."

Nilingon ko ang babaeng nagsalita, isa sa mga cleaners ng bawat kwarto. Hinarap ko siya at tinignan.

"Kanina pa ba?" pagtatanong ko.

"Opo, mga mag iisang oras na po ata."

Pinasalamatan ko siya bago umalis at magmadaling bumaba. Pagkababa ko ay hindi ko makita si Ayla, kahit sa restaurant at lobby ay wala siya.

Habol hininga akong tumigil sa pagtakbo ng makita ko siya. Masayang nakikipaglaro sa mga bata, gumagawa ng sand castle.

She's wearing a white dress with a wide-brim straw hat. The wind gently blows, and her hat flies. The wind caused her white dress to flutter. Ayla started to follow her swirling hat, and the two kids ran alongside her to catch the hat.

They're happily laughing while trying to catch the hat.

May ngiti sa labi akong lumapit sa kanila, nagtatawanan na sila pagkatapos nilang mahuli ang lumipad na sumbrelo. Hindi pa ako ganung nakakalapit ay napansin na nila ako, may ibinulong si Ayla sa mga bata dahilan para magtawanan ang mga ito habang nakatingin sa akin.

Napakunot tuloy ang aking noo. Why are they laughing at me?  What did she say?

Tinakbo ni Ayla ang pagitan namin at masayang hinawakan ang kamay ko.

"Makipaglaro tayo doon sa mga bata." masayang sabi niya at hinila ako.

"Kuya, kuya. Ikaw yung king, then we're the prince and princess." the little girl said and gave me a toy that look like a king.

"Who's the queen then?" I asked.

Itinuro naman ng batang babae si Ayla. "Her."

Napansin ko ang gulat na mukha ni Ayla at agad na tumingin sa ibang direksyon ng medyo namumula ang pisnge.

Pinanood namin ang dalawang batang kalaro namin kanina. Natapos na ang pagiging hari ko at pagiging reyna ni Ayla.

Kaming dalawa nalang ang magkasama, medyo may kalayuan sa dalawang batang naglalaro ng buhangin.

"I have a sister," tinignan ko si Ayla na nagsalita. Nakatingin na siya sa papalubog na araw. "Twin sister in fact."

Tinignan niya ako, "We used to play together, like that. But as time goes by, we grew apart. Bihira nalang kaming mag bonding na kami lang dalawa, pero mukhang tadhana ang gumawa ng paraan para pagsamahin uli kami. One day, I had POTS. Kaya palagi akong hinihimatay, siguro mga 20 times a day. Kung hindi siguro ako nagka POTS, hindi na kami magpapansinan."

Tumahimik siya at nilaro ang buhangin sa kanyang harapan. Natahimik kami ng ilang sandali at naramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko. Hinimatay nanaman siguro siya.

Ganun lang ang posisyon ko at hindi ako gumalaw hanggang magising siya uli.

"I'm an only child." gulat siyang tinignan ako at parang hindi naniniwala. Kaya natawa ako sa kanyang reaksyon.

"I'm telling the truth, don't look at me like that. My mother left me with my father. Sumakabilang bahay ata siya." natatawa kong pagkukwento.

Tinignan lang niya ako at tinapik sa balikat. "It's ok, matagal na yun. I'm happy now."

Humiga si Ayla sa aking binti na kinagulat ko, ngunit hindi ko nalamang pinansin. Tinignan niya ang mga bituwing unti unti ng lumalabas. Itinaas niya ang kanang kamay at parang inaabot ang isang bituwin.

"I like the sunset, its beautiful." she smile while looking at the stars. "But I love the moon and stars the most."

"Why the moon and stars?"

"I don't know, maybe because of my name? Altaluna." she emphasize the Luna.

"Bakit Lucian ang name mo?" tumingala rin ako at tinignan ang mga bituwing tinitignan niya.

"My father's name is Lucas, while my mother's name is Milicia. They combined it, Lucas and Milicia. They just add a letter n at the end." I answered and count the stars. Ibinalik ko ang tingin kay Ayla.

"Ayla." pagtawag ko sa pangalan niya at nilaro ang kanyang buhok.

"Yes?"

Huminga ako ng malalim bago muling magsalita, "I have something to tell you. This is important."

Nag iwas ako ng tingin dahil nahihiya ako sa susunod kong sasabihin.

Hindi sumagot si Ayla kaya nilingon ko siya. Nakapikit siya at parang natutulog na mahimbing. Hinimatay nanaman siya.

Tumingin tingin lang ako sa langit at naghanap ng constellation. Nakahanap ako ng isa, umupo ako at nagpagpag ng damit. Tinignan ko uli si Ayla na hindi pa rin nagigising pagkatapos ng limang minuto.

"Ayla." hinawakan ko siya at niyugyog ng mahina. "Ayla?"

Hinawakan ko siya sa palapulsuhan, at nataranta ako ng parang wala akong maramdamang pulso niya.

Inilapit ko ang aking hintuturo sa kanyang ilong at doon na ako tuluyang nagpanic.

Shit.

Altaluna: AylaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon