PROLOGUE

42 8 0
                                    

"At night when the stars light up my room,
I sit by myself talking to the moon."

- Lucian

***

Ahh. She's brighter than the other day. She's getting beautiful, day by day. Well, she's beautiful everyday.

Walang araw ang dumaan na hindi siya maganda, wala ring araw na lumipas na hindi siya nagliliwanag. Ibig bang sabihin nun ay masaya siya kung nasaan siya ngayon?

I miss her already. I miss her everyday. I really do love her.

And I hate myself.

Isinandal ko ang aking ulo sa pader habang pinagmamasdan ang buwan. Walang araw na hindi ko siya naiisip, lahat ng ginagawa ko, naaalala ko siya. Yung tipong titingin ka lang sa isang bagay, makakita ka lang ng pangyayari, at gumawa ka lang ng gawain, naaalala mo siya.

Gusto mo mang kalimutan, ngunit ayaw mo naman siyang makalimutan.

Pinunasan ko aking luha at niyakap ang aking mga binti. Ipinatong ko ang aking noo sa aking tuhod.

Haha. This is all my fault. Sana kung hindi lang nangyari ang araw na yun. Sana kung hindi ko lang siya niyaya. Sana, sana--

Naalimpungatan ako dahil sa isang malakas na katok. Agad akong nasilaw pagkaangat ko ng aking ulo.

Isang araw nanaman ang dadaan ng wala siya sa tabi ko.

Ayoko na.

Tinignan ko ang pintong kanina pa maingay dahil sa mga sunod sunod at malalakas na katok.

"Lucian! Buksan mo ito!"

Agad akong napatayo at dali daling pumunta para buksan ang pinto.

Altaluna!

Nagulat ang ang babaeng kumakatok ng buksan ko ito. Napaawang ang aking bibig at agad siyang niyakap.

"Ayla. You came back, I miss you. Please, don't leave me again." naiiyak kong saad, at maslalo pa siyang niyakap ng mahigpit. Yakap na takot na takot na mawala siya uli sa akin.

"Lucian! Lucian! Get off me!" itinulak niya ako ng malakas dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"I'm not Ayla!" malakas na sigaw niya.

"You're not Ayla?" nasasaktang tanong ko. "But-"

Naputol ang aking sasabihin ng magsalita uli ito.

"I'm Eyla! Si Eyla ako. Nakalimutan mo na ba Lucian?" pagtatanong nito.

Agad akong napatingin sa baba. "What are you doing here, Eyla?" pagtatanong ko ng hindi siya tinitignan.

Patuloy lang akong nakatingin sa baba habang naghihintay ng kanyang sagot.

"Lucian, dalawin mo naman siya. Puntahan mo naman siya! Ilang araw ka na niyang hindi nakikita. Malamang hinahanap ka na non!"

Nakita ko ang sunod sunod na pagpatak ng luha sa sahig. Tiningala ko ang babaeng umiiyak na sa harapan ko.

"She doesn't want to see me. She hates me. She doesn't want to see me anymore." mahinang sagot ko sa kanyang sinabi.

"Anong she doesn't want to see you? Anong she hates you? Anong anymore? She want to see you! She want to see you everyday! And she doesn't hate you! In fact, she really loves you. She loves you Lucian!" sumisigaw niyang sabi. Huminga siya ng malalim at humikbi bago muling magsalita.

"So, go fix yourself." tumalikod ito, nakita ko pa ang pagpunas niya sa kanyang luha. Ngunit bago siya umalis ay nagsalita siya uli.

"She's waiting."

---------

Disclaimer:

Altaluna: Ayla
Copyright
All right reserved

This is a work of fiction. Names, places, business, organization, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner.

Any resemble to actual living or dead, or actual events and such is purely coincidental.

Do not distribute in any form without the author's permission.

Plagiarism is a crime.

I'm not a perfect writer. I'm still learning how to write (or type) properly and doing my best to do better stories. You may encounter typos, graphical errors, grammatical errors, wrong spellings and other errors.

You're free to tell me if there are some errors. I will appreciate it.

There's always a room for improvement.

Altaluna: AylaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon