pa'no kung may dumating sa buhay mo na hindi mo inaasahan?.
THE TEENAGE DIARY
"mommy naman ! Sabing ayoko ko rito kay lolo wala naman akong gagawin dito ang boring boring" pagrereklamo ko sa kabilang linya.
kausap ko ngayon si mommy dahil ipinadala niya ako rito sa bahay nila lolo.
"wag kang makulit kia, jan ka muna mag i-stay sa lolo mo,kukunin nalang kita sa lunes." sambit ni mommy sa kabilang linya.
"pero mo-" agad na pinutol ni mommy ang aking sasabihin.
"walang pero pero"
sabay patay ng kabilang linya.
haist ano naman kaya ang gagawin ko rito , sobrang laki nga nitong mansyon ngunit puro lumang gamit lang ang laman.
Wala pang signal dahil gubat na ang kapaligiran ng bahay , nakakakilabot rito dahil sobrang layo ng distansya ng mga kapit bahay , parang nag iisang bahay na mansyon sa kalagitnaan ng kagubatan yung bahay ni lolo.
Naglibot libot muna ako sa mansyon dahil nababagot na ako.
Lowbat ang selpon ko kaya dali dali kong ichinarge. napaka lawak at napakalaki ng mansyon pero walang masyadong kamangha- mangha dahil puro lamang sinaunang gamit ang nandirito.
Ang hinangahan ko lang dito ay ang malaking swimming pool .
habang naglilibot ako ay biglang may kumalabog banda sa kitchen area.
Kaya kinilabutan ako nang biglang may tumahol na aso ????
"ARF!ARF!"
tahol ng aso sa'kin habang papunta sa kinaroroonan ko medyo natakot ako dahil baka mangagat pero maliit lang itong aso,yung parang hatdog na aso yung mahaba.
basta hotdog ang tawag ko rito.
" Hula ko ! Hotdog ang pangalan mo 'no?"
pabirong sabi ko pero tumahol lang sa'kin ang aso at winawagayway niya ang buntot niya . Natutuwa ata.
"dahil hindi ko alam ang pangalan mo , tatawagin nalang kitang hotdog!"
ngumiti ako at hinawakan siya.
Bigla siyang tumahol sa'kin , at umakyat ro'n sa hagdan , para bang sinasabi sa'kin ni hotdog na sundan ko siya.
Kaya sinundan ko siya.
"hotdog! HOTDOG!" sigaw ko dahil hindi ko na siya mahanap , kanina naman nakasunod lang ako sakanya pero bigla siyang nawala sa harap ko.
kahit sa second floor ng mansyon apaka lawak parin! Sobrang raming pinto siguro mga kwarto ito.
Hindi ko alam kung san ako unang papasok , natatakot rin ako dahil napaka luma tignan ng mansyon parang mga multo nalang ang nakatira .
Ilang saglit ay nakita ko na rin si hot dog !
May tinatahulan siyang isang silid? tumingin sa'kin si hotdog , kaya ibinuksan ko ang pinto ng kwartong 'yon.
YOU ARE READING
The Teenage Diary
FanfictionNiki found an old diary in her Mom's old room in her Lolo's house . as Niki starts reading it . What is written in his mother's diary?