page 3

4 1 0
                                    

eto na nga ba ang unang hakbang ng bagong simula?

THE TEENAGE DIARY

nakahilata ako ngayon sa kama , buong magdamag akong nag-basa ng diary ni mommy nakaka 30 pages na ako hindi ko alam kung hanggang ilang pages 'to , mukhang ang saya ng buhay nila mommy no'n nabanggit niya rin na hindi masyado uso ang phone na de pindot .

knock*knock* "kia,eto na ang damit mo pantulog maligo kana at matutulog kana." sabi ni yaya kaya tumayo na ako binitawan ko muna ang libro saglit at naligo na.

--

"hala nasa'n na yung diary shuta!!" hinanap ko na sa sulok yung diary pero hindi ko parin makita , naligo lang naman ako saglit e ano ba yan ! nilagay ko lang naman sa kama yon haist.

lumabas ako ng kwarto at nag tanong sa mga katulong ron "nakita nyo po ba yung kulay violet na parang notebook tas may mga stickers na heart??"

"sorry ija, pero wala akong nakita ay nako matulog kana at hahanapin ko nalang iyon bukas !" tumango ako at bumalik na sa kwarto . Hindi ko namalayan na nakatulog na ako ...

--

"bye ma!" sabay halik ko kay mama , pupunta na kaming mall para bumili ng mga gamit ko sa school nauna na si nik sa sasakyan . Ramdam ko na nga na naiinip na siya kakahintay sa'kin e.

sumunod na ako kay nik sa kotse , pinagbuksan ako ng pinto ng driver pero sabi ko wag na , umupo ako sa tabi ni nik at sadya siyang umusog ng unti para mag ka-layo kami hindi siya tumitingin sa'kin o nakikipag usap naka titig lang siya sa bintana sa buong byahe. Habang ako ay di mapakali sa sobrang inip napaka tahimik ng sasakyan kaya yung driver nalang kinausap ko .

nakarating na kami sa Mall , first time ko lang ulit makapunta sa Mall siguro ang huling punta ko dito ay nung 6 years old palang ako.

Humanga ako sa laki ng Mall rito compare sa Mall na pinuntahan ko nung bata ako ! Pang - yayamanin ata 'tong Mall na 'to e. Ang e-elegante at ang ga-ganda ng suot ng mga tao ! Pati ang mga kasing age ko at mas bata pa sa'kin at naka dress at sandals .

Habang ang suot ko naman ay nakapolo na pink at naka palda na kulay orange ,at naka tsinelas lang. Si niklaus ay apaka ganda ng suot naka sapatos siya na jordan at ang ganda rin ng polo na suot niya na stripes.

nagmukha tuloy akong dugyutin pag katabi ko si niklaus , nagmumukha akong yaya ni nik ano ba yan !

Habang naglalakad kami ay may nakasalubong ako na dalawang bata na kasing edad ko lang , tumawa yung isa at yung isa naman na mataba ay umirap sa'kin hindi porket naka dress na sila ang yaman na nila tignan che ...

ang dami ding bata na nakatingin sa'min , titignan si niklaus nag bubulungan sila tas parang kinikilig tas pag nakita nila akong nakatitig sakanila ay iniirapan nila ako ... Magaganda nga ang damit nila pa'no naman yung mukha ? Tss mas maganda pa nga ako sakanila e !

Pumasok na kami sa mga bilihan ng mga gamit para sa school naiwan ang driver namin ro'n sa tapat ng entrance ng store , bali dalawa nalang kami ni niklaus sinusundan ko lang si niklaus kasi hindi ko alam kung sa'n ako pumupunta , humarap si niklaus sa'kin at naka taas yung kilay niya ...

" anong sinusunod -sunod mo jan? Di kaba bibili ng notebooks ?" nakatulala lang ako sakanya at hinila niya ako papunta sa mga section ng notebooks , iniwanan niya ako at may ikinuha na notebook . Pag dating niya ay may inabot siyang notebook na barbie ! Nanlaki ang mga mata ko napaka ganda ng notebook ngayon lang ako nakabili ng gantong notebook dahil ang notebook ko ay yung kulay brown lang o kaya minsan kulay yellow tas aapat lang notebook ko at pinagkakasya ko yung mga subject sa apat kong notebook ....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Teenage DiaryWhere stories live. Discover now