A,Naalala mo ba noong bata pa tayo. Palagi tayong mga-kasama. Hindi nga tayo mapag-hiwalay eh. Tapos palagi pa tayong mgaka-holding hands kaya sina mama, papa, tito at tita inaasar tayo.
Palagi tayong magkasama pumunta sa school. Tapos pino-protektahan mo pa ako sa mga nambu-bully sa akin. Ang chubby ko kasi noon. Sabi mo nga sa kanila: “Lubayan niyo si Kara kundi makakatikim kayo sa’akin!” ( Kara ang tawag mo sakin in short of Kassandra kasi ang haba daw ng Kassandra.)
Yun yung first time kong makita kang magalit. Nakita ko yung mga nambu-bully sa’kin tumakbo na takot na takot matapos mong sabihin yung mga katagang iyon. Aaminin ko pati rin ako natakot noong nagalit grabe nakakatakot talaga pero thankful parin ako dahil prinotektahan mo ako…
Naalala ko rin nung first time nating mag-kita. Mag-bobonding yung maga parents natin kasi matagal na silang di nagkikita ng personal kaya sinama nila tayo. Ayun pala magkaibigan yung mga parents noon pang high school pa sila.
Una kitang nakita noong nasa reception desk tayo. Grabe kahit nakatayo ka lang doon pero naagaw mo na ang mga atensiyon ng mga tao.Pagkatapos ay pumunta naman tayo sa mga rooms natin. Kasama mo yung mama, papa at ate mo sobrang tuwa nila kasi nakarating kami eh. Pati rin yung mga magulang ko sobrang tuwa rin nila.
Habang inaayos ni papa yung mga gamit namin pumunta kami ni mama sa room niyo. Pinakilala nila tayo sa isa’t-isa. Sobrang saya ko noon kasi nakita na kita ng harap-harapan. Grabe ang gwapo mo sobra. Nahihiya nga ako noong sabi ni mama na maglaro tayong dalawa kasi feeling ko parang ang pangit pangit ko. Ang taba-taba ko kasi...
Lumapit ka pa nga sa akin tapos sabi mo, “Halika punta tayo sa beach para kumuha ng seashells!” magiliw mo pa ngang sinasabi yun eh. Nakita ko sa mga mata mo ang sobrang saya kaya pati rin ako naging masaya kaya napatango rin ako. Grabe... totoo pala na nakakahawa ang kasiyahan pati ako naging masaya nung nakita kitang masaya.
Sabi ko habang pumupulot tayo ng mga seashells at linalagay sa bag na kinuha mo, “Gustong-gusto ko talaga ang mga seashells.” Tinanong mo naman kung bakit. “Kasi kahit hindi sila nabubuhay na mga bagay nagbibigay sila ng kasiyahan sa mga tao.” Sabi ko.
Nakatingin ka lang sa akin noong sinasabi ko yun kumikinang pa nga mata mo nung sinasabi ko yung eh parang may meaning. Pero bata pa kasi ako nun kaya di ko maintindihan ang sinasabi ng mga mata mo.
“Sige kuha pa tayo ng maraming seashells para ibigay natin at magpasaya ng mga taong pagbibigyan natin.” Sabi habang may malapad na ngiti.
-------------------
Ok so balik na tayo dun sa binuli ako at prinotektahan mo ako. Kinilig ako nung yinakap mo ako, “Ok lang yan Kassandra andito ako, proprotektahan kita.”
Tandang-tanda ko pa yung na sinabi mo. Tapos pagkatapos mo pang sabihin yun hinalikan mo ako sa noo.
Nung grade five na tayo may nam-bully sa akin tapos nalaman mo at binugbog yung nambully sa’kin. Ayan tuloy napa-principal’s office ka tapos na suspend ka pa…
Kaya tumakabo ako papunta sa principal’s office. Nung parating na ako nakita kita sa hallway malapit sa principal’s office. Kaya linapitan kita.
“Sorry ha kung dahil sa’kin nasuspend ka pa tapos pinagalitan ka pa. Sana nalang hindi mo na lang ako pinagtaggol...” sabi ko habang may nanliligid na luha sa mga mata ko. Nainis ka sa sinabi ko at sabi mo, “Huwag ka ngang mag sorry kung wala ako doon baka may nangyari na sa’yong masama! Choice kong protektahan ka Kara kaya huwag kang mag-sorry ha?” tumango lang ako. Hindi ko kasi kayang makita kang nasasasaktan dahil sa akin, nagu-gilty ako sa nagyari.
